C21

2.2K 44 6
                                    





Leila's POV

Pagkatapos kong patayin yung stove ay agad kong inalis ang apron ko para kumuha ng lalagyan. Inilagay ko sa bowl yung cookies na binake ko at maingat na inilagay yun sa lamesa. Kumuha rin ako ng malamig na tubig sa ref at nagtimpla ng juice. Hapon na kaya naghahanda ako ng meryenda para kay Cali at sa bisita niyang si Jacen. Kilalang kilala ko na ang batang iyon, halos araw araw siya nandito sa bahay dati eh. I can say na siya ang childhood friend ng anak ko. Paminsan nga naiisip ko na baka maging sila in the end *chuckles*

I hurriedly went to my daughter's room once na matapos kong ayusin yung lamesa. Pumunta muna ako sa kwarto para makapagbihis dahil ang lagkit lagkit na ng katawan ko. Pawis na pawis ako dahil kanina pa ako naglilinis. You know, house wife duty.

Pagkapasok ko ng kwarto ay natigilan ako at napatitig sa taong nakadapang natutulog sa kama. Wala siyang damit pangitaas at tanging boxer shorts lang ang tumatakip sa pangibabang parte ng katawan niya. Napangiti ako ng mapait bago ako naglakad papalapit dito. He's tired. Hindi ko nga alam kung nakatulog ba siya kagabi eh. He kept on thinking about our daughter. He was worried sick. I admit, mas nakitaan pa siya ng pagaalala kaysa saakin. I couldn't blame him. Ibang usapan na kasi talaga kapag involve na ang anak namin.

Kinuha ko yung kumot na sumasayad na sa sahig at ipinantakip sa katawan niya. Rinig na rinig pa ang mahinang paghilik niya at kita ko pa ang bahagyang pagtulo ng laway niya that make me giggle. Ganyan talaga siya kapag antok na antok. *sigh* I miss him.

Napabuntong hininga na lang ako bago ko napagdesisyunan na pumasok na sa banyo. Hindi pa rin kami okay. Obvious naman. Hindi ko rin alam kung ano nga ba talaga ang kinagagalit niya. If it's the fact na pinagpalit ko ang dinner date namin or about something else. Magmula nung umalis siya that night, hindi ako nakakuha ng pagkakataon na kausapin siya ng maayos. He hardly notice me. *sigh*

Pero naiintindihan ko naman siya. Iintindihin ko na muna. I'll give him space. Space ang kailangan namin ngayon. I'm sure that this was like our other fights. Ang pinagkaiba nga lang, tumagal ang isang 'to.

Lumabas na ako ng kwarto at dahan dahang isinara yun, making sure not to wake him up. He needs rest. Masyado siyang stress sa trabaho tapos paguwi niya, ayun yung nadatnan niya-- na wala pa si Cali.

I was about to open the door of my daughter's room ng matigilan ako. Nangunot ang noo ko at agad na nilapat ang tenga sa pinto para makumpirma ang mga narinig ko.

"Cali are you sure? B-Baka naguguluhan ka lang?"

"No. I'm not confuse. I'm 100% sure that I like that asshole. I like him even though he's not my ideal man. I don't know when, where, why, how but I like him. I like him Jacen. I like Tamaki.. so much."

Napasinghap ako at napatakip sa bibig ng marinig ang sinabi ng anak ko. Oh my! Is that true?! My daughter likes T-Tamaki?!!

Biglang kumawala ang isang matamis na ngiti sa labi ko at impit akong napatili dahil sa mga narinig ko. Well, I'm her mom. And this is the very first time na narinig ko mula sa bibig ng anak ko na may gusto siya. My baby is indeed growing up. Naaalala ko tuloy nung mga panahon na nagsisimula pa lang akong magkagusto kay Zyler.

Nakangiting sinarhan ko na lang ang pinto ni Cali at naiiling iling na bumalik na lang sa kwarto namin ng asawa ko.

Masarap talaga sa pakiramdam ang magkagusto sa isang tao. Painful yes, but believe me when I say that you'll experience floating on cloud nine when you find out that he loves you too. Me and Zyler, hindi naging maganda ang unang pagkikita namin because he was one of the members of the rival group of my bestfriends group. To think that he was the leader. Well, that was before that traumatic event.

Behind Her Bitchy LooksTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon