C53

1.6K 40 4
                                    

Leila's POV

"T-Teka," sa wakas ay naisatinig ko ng tuluyan na kaming nakalayo. Muli kong nilingon ang pinanggalingan at ng makitang hindi na sila matanaw ng aking mga mata, ay sinubukan kong tumigil sa paglalakad.

"Taehyung!" He stopped after I called him but his grip became tighter. Napangiwi ako sa sakit na dinulot nun pero agad ding binalewala. "B-Bakit mo ako hinila? What you did was so rude!" I hissed.

He turn to look at me. Brows crease, eyes emotionless. Akala ko magsasalita siya pero hindi. Tumingin lang siya saglit saaking likod bago napagdesisyunang hilahin ulit ako. I cuss at nagpatinaod na lang. But seriously! Ano bang kalokohan 'to?!

"I'm bored. I want to go somewhere fun." Kaswal na saad neto na siyang nagpakunot ng noo ko.

Wearing a plain white v-neck shirt, dark maong pants, and some shoes, he drag me to the parking lot and let me sit on his cars' shotgun. Ibinagsak niya ang pintuan after at agad na umikot para maupo sa driver seat. I watch him do that hanggang sa isuot niya ang kanyang seatbelt at isstart ang engine ng kanyang sasakyan.

"Where are we going?" Nakakunot noong tanong ko. He turn to me and smirk. I waited for his answer but it did not come. Sa halip ay pinaharurot niya ang kanyang sasakyan palabas ng parking lot ng mall.

Nakakunot ang noo ko all through out our drive. I tried asking him about where the hell we're going for multiple times, but I didn't get any responce. So in the end, I just kept myself busy by glancing outside the window car.

Hindi ko talaga maintindihan ang lahat. At hindi ko alam kung kailan ko ba maiintindihan ang lahat. *sigh* I'm tired enumerating my curiosities. Will it ever end?

Ilang minuto ang tinagal namin sa byahe kaya nangangawit na ang pwet ko pagkahinto neto. Inaninag ko ang lugar na hinintuan namin at napagtantong hindi ito pamilyar.

"Where are we?"

"I don't know."

Nanlaki ang mata ko. Bago pa ako makaprotesta ay agad na siyang nakababa ng kotse at mabilisang sinarhan ang pinto. I cuss before removing my seatbelt.

"What do you mean you don't know?" I hissed pagkababa ng kotse. Instead of facing me, ay agad siyang naglakad patungo sa dagat na siyang nagbibigay ng sariwang hanging nililipad ang aking buhok.

He brought me in some sort of isolated beach! Madilim at tanging iilang street lights lang ang nagsisilbing ilaw ng paligid. Ang bilog na bilog na buwan ay nakatulong rin sa pagbibigay ng ilaw. Tinatangay ng hangin ang iilang tuyong dahon na nagsilagasan na sa mga punong nakapalibot.

Nakakagaan man ng pakiramdam ang kapaligaran, kunot noo ko pa ring sinundan si Taehyung na siyang tumigil sa mismong dalampasigan. The sand was not white like others but the beauty is still there. Wala rin makikitang kahit anong establishment sa dalampasigan o kahit sa malapit neto. May nakikita akong kabahayan pero masyado itong malayo mula sa dagat.

"Taehyung, seriously. Anong ginagawa natin dito?" Muli ay tanong ko ng tumapat ako sakanya. Mas marahas ang hampas ng hangin dito kaysa doon sa may kotse niya kaya sumabog ng todo ang buhok ko.

I tried to get a hold of it while looking at Taehyung who's just calmly watching the sea.

"Taehyung," tawag ko ulit. Medyo inis. Hindi ba niya ako naririnig?

"What?"

"Anong ginagawa natin dito? It's late and I still have to cook dinner for my daughter! Atsaka, nasaan ba tayo?" Iginala ko ulit ang paningin sa paligid bago binalik sakanya. "This looks isolated. Hindi kaya mapanganib dito?"

Behind Her Bitchy LooksTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon