C35

1.8K 42 1
                                    

Sorry for the slow update ✌





~~~~~~~~~~~~~~

Calista's POV

"Tanging silang magkapatid lang ang magkalaro noon."

"Palagi silang binubully dahil sa problema nila sa pamilya."

"Tito Taehyung wasn't a good father to them."

"Ni minsan ay hindi pinadama ni tito Taehyung na may pakialam siya sa mga anak niya. Even to his wife."

"Hindi sila lumaking katulad natin Calista. They're to far from us. To far."

"Swerte pa pala tayo. Lumaki tayong punong puno ng pagmamahal mula sa mga magulang at mga tito at titas natin. Pero sila? Sariling tatay hindi naipadama sakanila iyon."

Napakagat labi ako habang pilit na nagpeplay sa utak ko ang mga sinabi ni kuya Mikael kagabi. Kasalukuyan kaming nasa hapag at kumakain ng pananghalian. Nagkekwentuhan sila at nagtatawanan pero ako... hindi ko kayang makipagsabayan.

Hindi ko alam kung bakit nabobother ako. At the same time hindi ko rin maiwasang maawa at macurious. Maawa kina Sakura at Tamaki because all their life, they never experience their father's love. Well, from the very first time that I saw the Forer family, alam ko na talagang may problema sakanila. But I never thought na ganun-- na hindi man lang naipadama ni tito Taehyung sa mga anak niya ang pagmamahal na dapat ay ibinibigay ng isang ama sakanilang mga anak. Just like the love that daddy gives to me.

Curious dahil pilit umiikot sa isipan ko ang katanungang, ano ba talaga ang problema ng pamilya nila? I think it's kinda huge, I mean--- sa mga nalalaman ko, sa mga nakikita ko, sa mga naririnig ko. Alam kong malaki ang problemang bitbit ng mga Forer. Syempre nasa top list na si tito Taehyung.

Nung unang beses pa lang na nakita ko si tito Taehyung, sa reunion, pagkababa na pagkababa pa lang niya ng sasakyan nila--- alam kong may mabigat siyang dinadala.

At ang tanong na lang ngayon ay, ano yun? Ano yung mabigat na dinadala niya na kahit mga anak niya ay naaapektuhan na?

"Cali why aren't you eating?"

Agad akong natauhan at napaupo ng tuwid ng magsalita ang katabi kong si Vida. I look at her and saw her smiling pero nandoon ang pagtataka. Shucks. Nagspaceout na ata ako ng sobra.

Ngumiti na lang ako sakanya bago kinuha ang kutsara at tinidor ko. Sinubukan ko na lang kumain habang sila naman ay patuloy ang paguusap. I tried my best para idivert ang attensyon ko sakanila. Pinasadan ko ng tingin ang magkapatid na Forer at napabuntong hininga na lang. Ang hirap maging chismosang maganda -3-

"The sky's getting dark. Mukhang uulan." Saad ni Rapha na siyang bahagyang nakatingala sa langit.  Katulad kahapon ay sa labas ng bahay kami kumain.

"Hindi yan! Ang init init pa lang kahapon eh." Saad ni Jacen. Tumingala rin ako at bahagyang napangiwi ng makitang makulimlim nga.

"I don't think so. According to my calculation's, 30 minutes from now ay babagsak na ang dinadala ng ulap na yan." Saad naman ni Jessen habang nakatuon lang sa pagkain niya. How can he calculate rain?! O___o

Napabusangot si Jacen, "Paano yung paglalaro natin?" Parang batang saad neto kaya hindi ko maiwasang mapailing. Pati ata utak ng lalaking 'to bumalik sa pagkabata eh -_-.

"We can play inside." Suggest naman ni Kian.

"Hindi ba tayo makakabasag?" Nagaalinlangang saad ni Sab.

Behind Her Bitchy LooksWhere stories live. Discover now