C26

1.8K 30 0
                                    





Calista's POV

Sa ikalawang pagkakataon ay napabuntong hininga ako at napangalumbaba. I looked at the door of the little girls room for the fourth time na hanggang ngayon ay nakasarado pa rin. Ano na kaya ang kalagayan niya? I hope she's okay *sigh*

Iniiwas ko na lang ulit ang paningin ko sa pinto at ibinaling na lang sa lalaking katabi ko. Nakasandal lang ang ulo niya sa pader habang nakasuksuk naman sa hoodie jacket niya ang parehong kamay. Nakapikit rin siya at bahagyang nakatingala kaya kitang kita ko ang katangusan ng ilong niya. Ang gwapo talaga. Paminsan nakakabanas rin ang ganyang mukha eh.

"Tamaki," I called him seconds after ng hindi ko na talaga matagalan ang katahimikan. Mabuti sana kung may naririnig akong kahit na anong ingay! Eh kaso nga lang, nasa hospital kami! Kaya expected na wala kang maririnig kahit katiting na ingay! Hayz.

Iminulat niya naman ang mga mata niya sabay baba ng tingin papunta saakin. He was giving me his 'what?' look. Hmmmmm, I was just curious kasi...

"Ano pang ginagawa mo sa school at this late hour?" Tanong ko habang nakatitig lang sakanya. Mukhang hindi niya naman inexpect yung itatanong ko kaya pansin ko na parang natigilan siya.

Iniiwas niya ang paningin saakin sabay tikhim bago isinandal ulit ang ulo sa pader, "May pinagusapan lang kami ni Rapahela." Sagot neto na siyang dahilan para mangunot ang noo ko. Raphaela?

"Ano naman ang pinagusapan niyo ni Rapha at umabot pa talaga kayo ng gantong oras?" Nagtatakang tanong ko na may bahid ng pagkasarkastiko! Psh. Kasi naman! Close ba sila ni Rapha?! Ba't hindi ko yun alam?! -_-

He shrugg, still looking infront. "Just some stuff." Hindi ko mapigilang mapairap dahil sa sinabi niya. Some stuff?! What kind of stuff?! Romantic stuffs?! Psh. =__=

"Cali,"

Nabaling ang paningin ko sa tumawag at agad na napatayo ng makitang si tito Chester pala iyon -- the doctor. Agad akong lumapit sakanya at ramdam ko naman ang pagsunod ni Tamaki.

"How is she tito?" Nagaalalang saad ko. Sinubukan kong sumilip sa loob ng kwarto nung bata pero nabigo lang ako dahil agad ng nagsara ang pinto.

"She's fine now. She just suffered too much hunger, that caused her body to break down. Plus the fact that he hardly drunk water kaya ganun na lang kaputla ang balat niya. Kitang kita rin ang pagod sa katawan niya and some bruises na siyang nakadagdag sa panghihina niya. But don't worry. She will be alright. She just needs to rest and well, eat." Saad ni tito dahilan para mapabuntong hininga ako. Buti naman. Akala ko kung ano ng sakit niya. Masyado pa siyang bata.

"Can we come in?" I heard Tamaki ask kaya napatingin ulit ako kay tito. Tipid siyang napangiti bago marahan na tumango dahilan para mapangiti rin ako. Good to know that. Gusto ko rin kasing makita yung bata.

"Thanks tito," pagpapasalamat ko na siyang tinanguan lang niya. Matapos makapagpaalam at makaalis ni tito ay agad na kaming pumasok sa kwarto ng bata. May nadatnan kaming nurse na iniinspeksyon ang kalagayan ng bata pero ilang minuto rin naman ay umalis na ito.

Kagat labing lumapit ako sa batang mahimbing na natutulog sa hospital bed. May nakakabit sakanyang dextrose at may ilang bandaid rin ang ilang bahagi ng katawan niya. She looks pitiful. Aside from her bruises, halata rin ang ilan ilang dumi sa mukha niya. Ang nanglalata at tuyong tuyo niyang labi na animo'y pinagkaitan ng tubig. Ang damit niya na kagaya niya ay marumi rin at punit punit. How can her parents abandoned her like this?

"Wag mo naman masyadong pakatitigan." Rinig kong saad ng lalaking nasa likod ko kaya hindi ko maiwasan na mapatingin sakanya. He was sitting comfortably on the sofa and take note, nakadequatro pa. "Matutunaw yan bahala ka." Dugtong pa niya sabay ngisi na siyang kinabusangot ng mukha ko. Palibhasa wala siyang puso! Psh.

Behind Her Bitchy LooksWhere stories live. Discover now