C46

1.8K 29 0
                                    

Leila's POV

Tahimik lang ang naging byahe namin papuntang mall. Walang nangahas na magsalita sa pagitan namin ni Zyler. Hindi ko alam kung naaawkwardan lang siya kaya ayaw niyang magsalita, o sadyang wala siya sa mood. And as for me, wala ako kakayahang magsalita. I'm bothered like freakin' hell!!! Hindi ko maintindihan pero--- pero sadyang nabagabag lang ako dahil sa sinabi at pinakita kanina ni Taehyung.

And yes, hindi ko naintindihan yung ibang sinabi niya pero yung linya niyang, I regret everything is enough para mabother ako. Nagsisisi siya? Sa ano? Ano ba talaga ang nangyari sa'yo Taehyung? Napapagod na ako sa kakatanong niyan sa sarili ko actually! And shit! Hindi pa rin ako nagkakaroon ng gut para tanungin iyon sakanya! I just don't have the courage yet. I don't have the strength to flashback. Gustong gusto ko ng malaman pero somehow, natatakot ako.

"You hardly touch your food." Natigil ako sa pagiisip ng biglang magsalita si Zyler. "Pangalawang plato ko na 'to Leila yet you're still with that damn plate. Any problem?" May bahid ng inis na saad niya.

Napatikhim ako at agad inangat ang paningin para salubongin ang kanya. Nakakunot ang noo at magkasalubong ang kilay ni Zyler. Halatang hindi natutuwa dahil sa pinapakita ko.

Napabuntong hininga ako, "S-Sorry. I was just thinking some, some things." Mababa ang boses na saad ko. Bigla kasi talaga akong nawala sa mood dahil kay Taehyung eh. Nabobother talaga ako!!!! Damn!

Zyler cleared his throat before wiping his mouth with a table napkin. Iniwas ko naman ang paningin ko at agad napako ang mga mata sa malaking stuff toy na violet sa tabi niya. Binili niya iyon para kay Cali, peace offering daw. Kanina pa kami paikot ikot sa mall na 'to actually and we're having our dinner na. Hindi ko alam kung anong oras na pero alam kong malalim na ang gabi. At talagang pre-occupied ako sa boung oras na yun! Ni halos hindi ko namalayan ang oras. Parang ang bilis lang neto para saakin.

"Is it something about us?" Ani Zyler kaya bumalik ang mga mata ko sakanya, "Are you still bothered about our fight? Look, I'm sorry okay? Hindi ko naman yun sinasadya eh. And yes you're right! I'm paranoid! I just can't help it kapag ikaw na ang pinaguusapan. I told you before Leila, diba? I love you so much. I just can't---- can't afford to lose you." Saad niya sa tonong punong puno ng sinceridad.

My lips parted as I became speechless. He was sincere yet nandoon pa rin yung tono ng pagiging desperado. I know he's reaching out and I too. At kung meron man akong gustong mangyari ngayon, yun ay ang tuluyang pagbati namin.

He sighed before reaching for my hand. Bumagsak ang mga mata ko doon at hindi maiwasang mapalunok.

"Hon I'm sorry. Patawarin mo na ako oh. God!! Mababaliw na ako kapag tumagal pa ng isang araw ang hindi mo pagpansin saakin. Hindi mo alam kung gaano ko kagustong hilahin ka kada nilalagpasan mo lang ako. I badly want to claim your lips kada kinakausap mo ako ng punong puno ng lamig. Okay, it's my fault. Blame it all on me! Just please. Please patawarin mo na ako." Nanginginig ang boses na saad niya na siyang nagpaspeechless pa saakin lalo.

Alam kong mali pero damn! Gustong gusto kumawala ng ngiti sa labi ko. Gustong gusto ko ring matawa dahil sa hindi maipinta niyang expresyon. It's as if maiiyak na siya na natatae na ewan! He's damn cute!! So damn cute!!

Seconds later, he sighed harshly bago inalis ang pagkakahawak sa kamay ko na nasa mesa. Biglang nagsalubong ang kilay niya at agad na kinuha ang mga kubyertos para ipagpatuloy ulit ang pagkaing naudlot.

"Okay, forget that. I guesse it doesn't matter to you anyway." Malamig at mariin na saad niya na siyang nagpamaang ulit sa labi ko.

Ang pagmaang ng labi ko ay unti unting napalitan ng ngiti habang pinagmamasdan siyang padabog na kinakain ang pagkain niya. Nakaigting rin ang panga niya kada ngumunguya at kapansin pansin ang mahigpit na paghawak niya sa mga kubyertos. I bit my lip to supress my laugh and continued to eat also. This time ginanahan na ako dahil sakanya. Well, that's his effect on me. And it's really damn powerful to ignore.

Behind Her Bitchy LooksWhere stories live. Discover now