C17

2.3K 42 1
                                    

JM/N: Update!!!!!!! 😪



~~~~~~~~~~~~


Leila's POV

Hanggang ngayon, hindi ko pa rin mapigilan na magulat dahil sa nangyari kani kanina lang. Calista-- who happens to be my daughter was there, having dinner with my bestfriend's family. NagCR lang ako saglit pero ng lumabas na ako, everything messed up.

Napabuntong hininga ako at napakagat labi bago tiningnan saglit ang anak ko na tahimik lang. Alam kong medyo masama ang loob niya saakin. Alam niya na dapat ay nasa bahay na ako, having dinner with his dad pero hayun at nandun ako sa restaurant. Darn it. Nasa huli talaga ang pagsisisi.

I sighed again and speed up the gas of my car. One more thing that's bothering me is the expression of Taehyung's wife-- Jhoanna. Pain was visible on her face kanina and I have a hint kung bakit. And that's the mere fact that his husband was having a dinner with me. Well, kung ako ang tatanungin ay wala naman saaking malisya iyon pero, asawa kasi si Jhoanna eh. At wala ng mas sasakit pa kapag nalaman mo na nakikipagdinner ang asawa mo sa ibang babae. May it be me. *sigh*

Kaya nga mas kinakabahan ako ngayon eh. Kasi alam kong ganun rin ang mararamdaman ni Zyler once na malaman niya na ipinagpalit ko ang dapat na romantic dinner namin sa isang simpleng dinner lang with my bestfriend-- with Taehyung.

But I'm still hoping that Zyler will understand. Pero mukhang malabo. Kilala ko yun eh *sigh*

Hanggang sa makauwi kami ng bahay ay wala akong narinig na kahit na ano mula sa anak ko. She unbuckled her seatbelt before jumping off the car ng hindi man lang tumitingin saakin. Nasa ekspresyon niya pa rin ang pagtataka, na para bang hindi siya makapaniwala sa nangyari kanina.

Tinanggal ko na rin ang seatbelt ko and hurriedly jump off my car, "Anak." I called her ng tuluyan na akong makababa. Napatigil naman siya sa paglalakad but she didn't face me. I gulped. "Are you-- Are you mad at me?" I asked stummering. Nanatili lang ako sa may kotse habang siya ay nasa may pintuan na. Hindi siya nagsalita kaya napalunok ulit ako. I took a step forward pero natigilan rin lang ng magsalita na siya, "Hindi ako galit mommy."

She sighed after and face me, "Natatakot lang ako. Natatakot ako dahil alam kong may possibility na mag-away kayo ni daddy." Saad niya. My expression soften at hindi ko napigilan ang bahagyang panggilid ng luha ko. She plaster a smile pero halatang pilit lang ang ngiti niyang yun, "But I know you two, alam kong hindi niyo hahayaan na magkagalit kayo for one day kaya umaasa ako na bukas," she sighed and turned her back again before continuing her words, "Maayos na kayo."

She continued walking after that kaya naiwan akong magisa sa labas. Hindi ako nakapagsalita at bahagyang natulala dahil sa sinabi niya. Hindi ko alam na ganun niya talaga tinitingala ang sinasabi niyang lovestory namin ng daddy niya. Cali has always been a mean little girl, well to other people. But believe me when I say she's kind in her own way. Siya ang tipo ng babaeng ayaw makita na naaagrabyado ang mga taong mahal niya. And I really love her because of that.

Napahinga ako ng malalim at tinatagan ang sarili. Kinakabahan ako pero may point ang anak ko. Wala pa kaming away ni Zyler na pinaabot namin ng bukas. At yun ang panghahawakan ko ngayon.

Naglakad na ako papasok ng bahay habang ramdam na ramdam ko ang kabog sa dibdib ko. I held the door knob and bit my lip bago ko tuluyang buksan ang pintuan.

Ang tunog lang neto ang tanging tunog na bumungad saakin pagkapasok ko. I roam my eyes around our house and tried to find my husband pero nabigo ako. I closed the door and again, ang tunog lang neto ang pumukaw sa napakatahimik na bahay namin.

Behind Her Bitchy LooksWhere stories live. Discover now