Chapter 1

168 12 6
                                    

Klein's POV

Buntong hininga akong lumabas ng bahay. Nag-aaway na naman ang magagaling kong mga magulang at alam niyo kung ano ulit ang dahilan?

Pera.

Puro na lang pera ang nasa isip, hindi na lang magtrabaho ng maayos.

Mahirap lang kami kung matatanong niyo. Pero hindi halata dahil sa itsura ko na parang naalagaan at parang mayaman. Syempre, hindi ko hahayaan na mapariwara ako kahit mahirap kami.

Para daw akong siga kung maglakad at sporty rin kaso nga lang hindi ganon katalino pero may pinag-aralan naman. Hindi nga lang nagagamit minsan.

Papunta na ako ngayon sa school at dahil may PE kami sa second and third subject ay gaganahan akong pumasok. Kung matatanong niyo o kahit wala kayong pakialam ay hindi talaga ako palakaibigan kaya dalawa lang ang naging kaibigan ko.

Si Hailey, ang girly na payatot kong kaibigan pero sexy daw sabi ng iba. Kapag kasama mo siya, kailangan mo ng headset o earphones para hindi ka mabingi sa nakakairita niyang malakas na boses.

Si Vince naman, 'the nice guy' ng school namin na gwapo at malakas ang dating pero hindi naman talaga. Talagang pinaglihi lang siya sa pasta kaya maputi.

Nagulat ako nang may biglang umakbay sa akin at naamoy ko pa ang matapang niyang pabango.

"Good morning Klein! Musta umaga natin pare? Badtrip ka na naman ata," nakangisi nitong saad kaya inirapan ko lang siya dahil totoo na naman ang nasabi niya.

"Sus! Tinanong mo pa iyan! Lagi naman badtrip 'yan," Biglang sumulpot si Hailey na kabababa lang sa kanilang sasakyan. Mayaman ang pamilya niya kaya laging may sumusundo sa kanya.

"Manahimik na nga lang kayo, hindi naman kayo nakakatulong," inis kong wika sa kanila at nauna nang maglakad.

"Ayan na naman ang siga!"

"Hay girls, iyan na naman ang warfreak."

"Alis na nga tayo at baka tayo naman ang mapatawag dahil sa gulo niyan."

Napairap na lang ako sa mga bubuyog na bumubulong sa paligid pagkapasok ko sa school. Talaga lang ha? Makapagsabi nang kung ano, akala mo sinong malilinis.

"Don't mind them, Klein. Sadyang inggit lang sila sa ganda ko, este sa ganda natin," wika ni Hailey at bumungisngis pa ang gaga.

"Anong pinagsasabi mo?" Natatawa kong saad pero biglang sumabat si Vince na nandito pa pala sa tabi namin.

"Bye girls! Pupunta na ako kay Camille!" Sigaw ni Vince na papalayo na pala. Pupuntahan na naman ang girlfriend niyang santa-santita na talagang demonyita.

"Pupuntahan na naman ang girlfriend niyang nasa loob ang kulo, tsk," inis na saad ni Hailey at mas nauna pang maglakad. Aba, nagselos na naman 'to. Oo nga pala, may gusto siya kay Vince kaya nagkakaganyan siya. Umaasa pa kasi ang gaga kahit sa una pa lang wala ng pag-asa.

"Wag ka na magselos, hindi ka naman magugustuhan," diretsyahan kong ani na mas ikinasimangot niya.

"You hurt my feelings, Klein!" Kunwari niyang pinunasan ang peke niyang luha at hinawakan ang kanyang dibdib.

"So?" Nakangisi kong sagot at tumakbo na papuntang room dahil napansin kong magta-time na.

"Lagot ka sa akin mamaya Klein!" Tili niya kaya tinakpan ko ang tenga ko. Actually, magkaklase pala kami.

____________________

"Ok class! P.E na ninyo," announce ni Ma'am Ramirez na ikinatuwa ko. Yes! It's time to shine!

Candle in the Water | ✓Where stories live. Discover now