Chapter 32

26 4 3
                                    

Lumipas ang ilang weeks at nakaalis na ako sa ospital. Bagot akong nakadukdok dito sa kusina habang hinihintay na maluto ang carbonara na kasalukuyang ginagawa ni Carter. Hindi ko alam kung anong nangyari pero bigla siyang bumalik sa dati niyang ugali.

"Wag mo nga akong tignan, nakakalusaw," bigla niyang wika na ikinakurap ko. Binato ko siya ng kutsara sa table na sumapol sa ulo niya.

"Aray! Kahit kailan talaga napakasadista mo!"

"Bilisan mo na lang at nagugutom na ako!" Ignorante kong sigaw na ikinasimangot niya.

Agad akong napahinto sa pagnanasa sa carbonara sa plato noong bigla niyang alisin ang apron sa katawan niya at kitang kita mo ang pagkislap ng kanyang abs dahil sa pawis.

Okay, wtf?

"Hinay-hinay lang, hindi naman siya mawawala," natatawang wika ni Carter kaya nagising ang diwa ko. Sinamaan ko siya ng tingin at hahampasin na sana ang bisceps niya pero nahuli niya ang kamay ko at hinalikan ito. Agad akong namula kaya ginamit ko naman ang isa kong kamay para hampasin siya pero nakuha niya pa rin.

Dahan-dahan siyang umurong habang hawak-hawak ang dalawa kong kamay. Agad akong kinabahan noong maramdaman ang pagsandal ko sa pader.

"Bitawan mo ko or else..."

"Or else what? Hahalikan mo ako?" Bulong nito sa akin at para bang inaakit ako.

"Hindi, babaugin kita," saad ko at sinipa ang ano niya.

"F*ck Klein!" Daing niya kaya nabitawan niya ako. Nakahawak lang siya doon at namamalipit sa sakit.

"Hindi ka na magkakaanak," bigla niyang wika na ikinataka ko. Anong pinagsasabi nito? Bakit naman ako?

"Bakit naman? Baka ikaw!"

"Hindi ba gagawa tayong- Aray!"

"Manahimik ka kung ayaw mong panga mo naman ang sunod kong-"

"Oo na, shut up na ako," nakapout pa niyang wika kaya hindi ko mapigilang panggigilan. Pinisil ko siya sa pisngi na ikinadaing niya.

"Salamat!" Biglang saad ko at nagsimulang kainin ang carbonara.

Heaven!

Napatigil ako ng mapansing nakatitig si Carter sa akin na parang tuwang tuwa pa na mukha akong baboy na kumakain.

"Tingin ka diyan! Hatakin ko mata mo," masungit kong saad na ikinatawa niya.

"What? I just want to stare at my girl," kaswal niyang wika na muntik ko nang ikinabuga ng carbonara sa bibig ko.

"Anong girl ka diyan?! Gusto mong sapak?!"

"Basta with love."

"P*tang-"

Nangigigil ko siyang dinuro pero malakas siyang humalakhak. Sarap busalan ng kutsara sa bibig.

"Wow, am I hallucinating?"

Agad akong napatingin at nakitang si Angel ito na parang hindi makapaniwala sa nakikita. Tumingin siya kay Carter na parang nagtataka pero nagkibit balikat lang si Carter.

"Well, kailan mo pa nilalandi ang boyfriend ko, my future husband's sister?" Nakangisi nitong tanong na agad kong ikinairap. Nananaginip na naman ata ang babaeng 'to.

"You are really hallucinating." Mapang-asar akong humalakhak pero nakita kong parang natutuwa pa ang bruha.

"I'm not hallucinating. I'm hella serious, you know. Dating your older brother is...eww," nandidiri nitong wika kaya napatayo na si Carter.

"Stop it, Evangeline," seryosong saad ni Carter kay Angel pero umirap lang ito.

"Whatever. Then, enjoy your bonding!" Sarcastic nitong wika at nagwalk-out sa kitchen.

Napuno ng katahimikan ang kusina at narinig ko ang pagbuntong hininga ni Carter na napahilot na rin sa sintido.

"I'm gonna find that girl, bye," mabilis na wika ni Carter at umalis na rin sa kusina. Sa halip na tumunganga rito ay sinundan ko siya. Diretsyo siyang pumunta sa dulo ng garden at nakita nga namin doon si Angel.

"What the hell, Angel Evangeline?! Why did you say that?!" galit na galit na sigaw ni Carter kay Angel na ngayon ay nakatingin sa kanyang kuko.

"Can't you see? Magkapatid kayo, Carter at kahit kailan hindi magiging kayo," diretsyahang wika niya na ikinahinto ni Carter. Napaupo siya sa isang bato at napahilamos ng mukha.

"Then, what am I going to do? I can't stop it," frustrated na saad ni Carter na ikinatawa ni Angel.

"Leave and forget! Moving on is indeed a hard and painful process but trust me in the end you'll feel much better," kibit balikat na wika ni Angel pero napakunot ang noo ko.

Ako ba ang tinutukoy niya?

Nakayuko lang si Carter. Tinapik siya sa balikat ni Angel at umambang aalis na.

"Pupunta na ako kay Mommy and pakamusta na lang ako kay Tita Eina," bagot niyang saad at umalis na sa pwesto niya sa garden.

Tumayo si Carter sa kanyang kinauupuan at ginulo ang kanyang buhok. Inis siyang umalis kaya agad na akong lumabas sa lungga ko. Bakit parang ang laki-laki ng problema niya sa buhay?

Umupo na lang ako sa puno at sumandal. Ang dami kong iniisip na hindi ko naman talaga problema. Mahirap talagang maging pakialamera.

"Klein? Klein! Where the hell are you?! F*ck, don't tell me she left me," rinig ko sa kalayuan at nakita si Carter na parang natatarantang ewan.

"Nandito ako!" Sigaw ko kaya napatingin siya sa akin. Tumakbo siya papunta sa pwesto ko at napakamot ng ulo.

"Kanina ka pa ba diyan?" Parang kinakabahan niyang tanong pero umiling lang ako dahil ayokong malaman niyang narinig ko ang usapan nila.

Napahinga siya ng maluwag at lumapit sa akin upang ilahad ang kanyang kamay. Nagdadalawang-isip ko itong tinanggap pero parang natawa pa siya sa reaksyon ko.

"It's okay, I don't bite unless..."

Inirapan ko siya at ihinawalay ang pagkakahawak ng kanyang kamay sa akin. Agad niya itong kinuha at mahigpit na hinawakan. It felt so right, but I know it's wrong.

Napatingin ako sa kanya pero tahimik lang siyang nakatingin sa harap.

"Kahit ngayon lang," saad niya at tumingin sa akin. Napatitig ako sa mga mata nitong pilit nagsusumamo na para bang ang dami niyang gustong sabihin sa akin.

"Klein..."

"W-what?"

Napaiwas ako ng tingin at huminga. Hindi ko namalayang nagpipigil na pala ako ng hininga. Naramdaman ko ang pag-intertwined ng kamay namin. Tumingin ulit ako sa kanya pero ngumiti lang ito at mas hinigpitan ang hawak sa akin.

"You're so close to me right now, but I can't reach you, Klein."

"I love you, even though it's forbidden," bulong niya at sinakop ang aking labi. Napapikit ako sa kanyang ginawa at sumabay sa galaw nito. Hindi maiwasan ng mga tuhod ko ang manghina dahil sa kanyang ginagawa. Mahigpit niyang hinawakan ang bewang ko na para bang alam niyang pabagsak na ako.

Humiwalay na siya sa akin at tumingin sa mga mata niyang para bang ang saya-saya.

Pero hindi, bawal. May nobya siya at mas lalong bawal dahil magkapatid kami.

Pero anong magagawa ko? Hindi ko mapigilan itong nararamdaman ko na matagal ng umusbong sa puso ko.

"What the hell!"

* * *

Done editing.

Candle in the Water | ✓Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt