Chapter 10

39 6 0
                                    

Klein's POV

Kahit masama ako sa mga tao, ayokong nakikitang nasasaktan ng ganoon ang kaibigan ko. I need to do something.

Pero ano naman?

Naglibot lang ako sa labas ng ospital at nakita ang isang park na malapit lang. May iba akong nakitang pasyente doon at kasama ang nurse nila. Tinungo ko iyon at umupo sa isang dulong bench na nasa ilalim ng lumang puno.

I love trees especially when they are old because they lived hundred of years surviving the cruelty of the world.

"Ate! Bawit mag-isa wa lang?" Biglang salita ng isang batang lalaki na tumabi na pala sa akin. Napangiti ako dahil nabubulol siya sa pagsabi ng K.

"Gusto kong mag-isa ngayon, ikaw? Nasaan ang nanay mo?" Tanong ko sa kanya kaya ngumiti siya. Nakita ko pa ang dalawang bungi niyang ngipin sa harapan.

"Nandoon po sa tindyahan namin! Gusto niyo pwo bang bumwili?" Tanong niya kaya natawa ako. Tinuro niya ang isang tindahan na malapit lang sa park. Maraming keychain na nakalagay doon at mga bracelet.

"Nandito ka lang pa lang bata ka! 'Di ba sinabi kong bantayan mo ang mga kapatid mo!" pagalit na wika ng isang babae na siguro ay mga 40 pataas na.

"Shorry po sa istorbo, babye pwo!" Sabi niya at sumama na sa babae. Nakita kong pinalo siya ng babae pero niyakap lang niya ito. Napaiwas ako ng tingin, bigla kong nakita ang sarili ko sa batang iyon. Dati.

Pinahid ko ang luhang biglang tumulo sa mata ko. I didn't know na may epekto pa rin pala ang mga alaalang iyon. Siguro kung hindi lang nangyari ang bagay na iyon ay magiging ayos pa ang pamilya namin ngayon. Magiging maayos pa ang relasyon ko kay Mama at Cardo.

"Klein."

Napatingin ako nang may tumawag. Nakita ko ang nerd na lalaking kaklase ko sa ibang subject. Kumunot ang noo ko dahil parang may bago sa kanya.

Ah, iyong pustura niya. Naka-office suit siya at parang napakalakas ng confidence na bumabalot sa kanya. Hindi tulad sa room, mukha siyang ewan na nakayuko.

"I know you're confused because I'm here but can I visit Hailey?" Tanong niya. Mas lalong kumunot ang noo ko.

Bakit nagpapaalam ito sa akin? Close ba kami? Close ba sila ni Hailey?

"Hindi, bakit? Sino ka ba?" tanong ko at tinaas ang aking kilay sa kanya. Susubukan ko muna siya dahil nararamdaman kong gusto niya si Hailey. Hanggang saan ba kakayanin mo, lalaki?

Nakita kong bumuntong hininga siya at napakamot ng ulo.

"Kahit sandali lang," sabi niya kaya ngumiti ako. Yung ngiting nang-iinis.

"Sinabi kong hindi pwede, 'di ba?" Sabi ko kaya parang nakita ko sa reaksyon niya ang pagkainis.

"Kahit isang oras lang?" Tanong niya ulit pero umiling lang ako.

"30 minutes?"

Iling.

"20 minutes?"

Iling na naman.

"15 minutes?"

Umiling ulit ako kaya mas lalo na siyang nainis.

"10, 10 mimutes na lang," sabi nito na parang final na ang sinabi niya.

"Ayoko," sabi ko kaya nakita kong napabuntong hininga siya.

"Alright, I can do it by myself," wika niya at umalis na sa harapan ko. Pumunta siya sa isang limousin, woah, limousin.

"Joke lang! Sige pumunta ka na!" sigaw ko kaya napatingin siya sa direksyon ko. Nakita ko ang pagngiti niya sa akin at naglakad na siya papasok ng ospital.

Candle in the Water | ✓Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz