Chapter 53

13 1 0
                                    

A f t e r   f e w   y e a r s...

Hailey's POV

I'm so fresh right now like how fresh my life is. Agad akong tumayo sa pagkakaupo pagkalapag ng eroplano. I'm back in the Philippines at marami akong gustong makita ulit. Ang daddy ko, bestfriend ko at syempre ang love ko. Hindi ko na hinintay si Mama na bumaba at excited na hinatak ang gamit ko. Nakaprivate airplane naman kami kaya hindi ko na kailangang makipagsiksikan sa mga tao. At take note, nakakatakbo na ako.

Bumaba ako sa hagdanan at masayang tinignan ang buong paligid. It's been few years since I saw these things. Walang pinagbago sa Pilipinas, mainit pa rin pero hindi naman ako papatalo, mas hot ako.

Patakbo akong pumunta kay Ate Lorrince na masaya akong sinalubong. Mahigpit ko siyang niyakap at ganoon din siya. Humiwalay ako sa kanya at napansin ang mga paluhang matang nakatitig sa akin. Hindi rin siya nakadamit na pangmaid dahil sabi ni Mama na nagresign si Ate Lorrince dahil nagkaproblema sa probinsya nila. Napansin ko ang mga lumang maids na dati kong nasusungitan at si Mang Robert na laging naghahatid sa akin dati. Lahat sila ay nakangiting sinalubong ako at hindi ko alam kung papaanong ipapakita kung gaano akong kasayang makita sila ngayon.

"Welcome home, Hailey," saad nilang lahat kaya hindi ko maiwasang maiyak sa saya. Ang dami kong namiss na tao, ang dami ring pangyayaring namiss ko.

"Maligayang pagbabalik din sa legs mo," natatawang wika ni Ate Lorrince na ikinatawa naming lahat. Tinignan ko ang pinaghirapan kong itayo ulit, sila ang naging inspirasyon ko.

"Hindi ko magagawang maglakad ulit kung wala kayo, salamat," masayang saad ko at tinignan si Mama na nag-entrance sa show ko.

"Marami tayong kailangang ayusin, Hailey. We need to go."

Ipinaubaya na namin sa mga maids ang gamit at dumiretsyo sa loob ng airport. As usual, maingay ang airport pero ayos lang, namiss ko naman lahat ng ito. Pagkatapos ayusin ng lahat ng kailangan ay dumiretsyo na kami sa black Lamborghini sa labas ng airport. Malapit na sana ako sa pinto ng kotse nang may biglang mag-abot sa akin ng puting panyo. Agad tumakbo ang batang babaeng nagbigay at agad kong binuksan ang panyo. Malakas na kumabog ang dibdib ko dahil sa pamilyar na pangyayari. Napangiti na lang ako sa purple na sobre sa loob. Binuksan ko ito at nakita ang maigsing message galing sa kanya.

Welcome back, baby.
- Chris

Tumingin ako sa paligid baka sakaling makita ko siya.

"Hailey? Hindi ka ba sasabay?"

Napatingin ako kay Mama at agad na umiling. Nagkibit balikat lang siya at umalis na. Hihintayin ko si Chris. Alam kong bigla lang siyang lilitaw.

"Looking for someone?"

Nagulat ako sa pamilyar na boses ngunit matagal ko nang hindi naririnig. Napanganga ako sa gulat dahil ibang-iba na ang itsura niya. Mukhang mas gwapo na siya ngayon dahil sa bago niyang hairstyle at mas pumuti rin siya.

"V-vince?"

Tumawa lang siya at nakapamulsang tinignan ako.

"I really miss you, Hailey. I miss my bestfriend, I miss the girl who loved me and the girl I loved. Matagal ko nang tinanggap na wala na talaga tayong pag-asa. Masaya na ako para sa'yo. Good to see you standing with your own feet," sincere niyang wika kaya niyakap ko siya. Napahinga ako ng maluwag dahil sa wakas, nagkaroon na kami ng matinong pag-uusap. Naghiwalay na kami at agad na rin siyang nagpaalam. Patuloy akong tumingin sa paligid pero hindi ko talaga mahanap ang hinahanap ko.

Napatingin ako sa cellphone ko nang bigla itong tumunog. Hindi na ako tumingin sa caller dahil alam ko naman si Mama iyon at tinatanong ang kalagayan ko dito.

[Hello, beautiful.]

Napasinghap ako dahil sa boses na narinig ko.

"Nasaan ka ba, Chris!"

[You look stunning there with your dyed hair.]

Narinig ko ang pagtawa niya sa kabilang linya. Mukhang maingay din sa kinalalagyan niya dahil sa background noise. Sa tagal kong kasama siya, nakaraang year ko lang nalaman na famous siyang mysterious singer sa America. Hindi siya madalas magconcert pero nakikita ko minsan ang mukha niya sa mga building doon.

Hindi ko aakalain, ang nerd na weird na nakikila ko, famous singer pala.

"Kararating ko lang pinapainit mo na ulo ko! Nasaan ka ba?!"

Toot...toot...toot...

Hindi makapaniwalang tinignan ko ang screen ng cellphone. Walanghiyang lalaki 'yon! Walang pinagbago, bastos pa rin! Inis ko iniligay sa sling bag ko ang cellphone at naglakad pa sa paligid ng airport. Napahinto na lang ako nang mapansin ang lalaking nakangiti sa batang nagbigay sa akin ng puting panyo. Tumingin siya sa direksyon ko at nagsimula na namang maging abnormal ang puso ko. Parang akong nawawalan ng hininga habang papalapit siya ng papalapit.

Hindi siya nakadisguise ngayon pero wala na akong pakialam. Ang alam ko lang, malapit na siya sa akin, matititigan ko na naman ang malalim na asul niyang mata. Hindi ko mapigilang mapangiti habang papalapit na siya sa akin.

Ang bagal ng oras, ang bagal niyang maglakad!

Tumakbo ako papunta sa kanya at mahigpit siyang niyakap. Naramdaman ko ang paggalaw ng kanyang dibdib dahil sa pagtawa nito. Niyakap niya ako pabalik kung gaano kahigpit ang yakap ko sa kanya.

"I f*ckin' miss you so much, I can't lose you again," bulong niya sa aking tenga na nagbigay ng kilabot sa aking katawan. Ganoon lang ang ginawa namin, magkayakap at dinadama ang bawat isa. Ipinikit ko ang aking mga mata habang komportableng nakasandal sa kanyang katawan.

I miss this. I miss this man!

Bigla akong nagising sa komportableng pakiramdam nang makarinig nang bulungan. Napansin ko ang dumadaming tao sa paligid. Bumitaw ako sa pagkakayakap at tinitigan ang mukha ni Chris na may pag-aalalang nakarehistro.

"I don't want you to be involve in my career. Magulo sa buhay ng isang Vander, hindi dapat nila makita ang muk-"

Agad kong itinapat ang hintuturo ko sa kanyang labi para patigilin ang lahat ng sasabihin niya.

"Handa na ako, Chris. I will be the Hailey who can make you peaceful despite of your growing career and fame. I'll be forever beside you," nakangiting wika ko at nagulat nang maramdaman ang malambot nitong labi sa akin. Mas lalong lumakas ang bulungan at ang maraming tao pero pakiramdam ko ay kami lang ang tao sa airport.

Bumitaw na siya at nakita ko na naman ang mapungay nitong mata.

"I love you, baby."

Ngumiti ako ng malaki.

"I love you too, Toptop."

At tumakbo kami papalabas sa maraming tao.

* * *

Candle in the Water | ✓Where stories live. Discover now