Chapter 29

24 3 2
                                    

Klein's POV

Ilang buwan na ang lumipas pero parang hirap pa rin akong masanay sa ganitong pamumuhay.

Sabado ngayon pero sobrang tahimik ng bahay. Nasa office si mom and dad at si Carter, ewan ko ba sa lalaking 'yon.

Bagot akong tumayo sa pagkakaupo sa sofa noong marinig ang tawag ni Mang Ramon. Tumakbo na ako papuntang labas at hinintay ang pagdating ng sasakyan sa harap ko. Hindi ko na hinintay na pagbuksan ako ng pinto dahil agad na akong sumakay.

Pagkarating namin sa apartment na tinitirahan ni Klara, Mama, Cardo at ni Inang ay nakita kong napatingin sa akin ang ilang kapitbahay nila. Nagtataka siguro kung bakit napadpad ako rito.

Pumunta na ako sa pinto at binuksan ito kaya nakita kong napatingin si Klara sa direksyon ko. Naglalagay na naman ng kolorete sa pagmumukha niya.

"Kumatok ka naman! Ginugulat mo ako eh," inis niyang saad pero inirapan ko lang siya. Pumunta ako sa ikalawang palapag dahil narinig ko ang tawa ni Inang.

Binuksan ko ang unang pinto na alam kong kwarto ni Inang at ni Klara. Masayang nag-uusap si Mama, si Inang at si Cardo. Hindi ko alam kung ano ang pinagkwekwentuhan nila pero para bang tuwang tuwa si Inang doon.

"Oh! Nandito ka pala Klein," nakangiting wika ni Mama pero ngumiti lang ako pabalik.

"Anong pinagkwekwentuhan niyo diyan ha?" Tanong ko pero niyakap lang ako ni Inang.

"Itong apo kong ito hindi ko na laging nakikita, naglayas ka ba?" Malungkot niyang sabi na ikinatawa namin. Makakalimutin na talaga si Inang at nagsimula lang ito noong nakaraang buwan.

"Inang, nakatira na ako sa ibang bahay. Hindi mo ba maalala?" Marahan kong tanong pero nakita ko ang pagkunot ng noo niya.

"May kinakasama ka na ba, apo?! Aba'y bakit hindi mo ipinakilala sa akin kung sino!" Gulat niyang wika na ikinatawa ko. Hindi nga ako makausad sa kanya, papaano pa ako iibig sa iba?

"Basta Inang mahabang kwento saka wala akong boyfriend," kamot ulong wika ko. Nagtataka pa rin niya akong tinignan.

"Bakit ka pala napadalaw dito, Klein?" Tanong sa akin ni Cardo pero nagkibit balikat lang ako.

"Ah ano kasi-"

"Klarina! Cardo! Bumaba nga kayo diyan!"

"Hala! Oo nga pala!" Biglang saad ni Mama at nauna nang bumaba.

"Inang alis muna po kami," saad ko at tumango lang siya. Bumaba na ako at tinignan ang nangyayari sa labas.

"Bakit ba hindi pa kayo magbayad ng renta?! May anak naman kayong mayaman pero wala kayong pambayad! Wag niyo nga akong lokohin!"

"Eh Madam Ericka-"

"Ay walang sa susunod pa! Bayad-"

"Anong nangyayari?" Tanong ko pagkababa ko sa hagdanan. Nakakairita naman ang boses niya.

"Eh nandito pala ang anak niyong mapera eh!" Nakangising saad ng isang babae na parang kasing taon lang ni Mom and Dad pero hindi siya mukhang mahirap.

"Shut up, bungangera! Pera? Gusto mong pera? Eto oh! Laklakin mo!" inis kong salita at ibinato sa kanya ang 6k dahil alam kong dalawang buwan nang hindi nakakabayad sila. Kaya pumunta ako sa kanila ngayon para tulungan sila dahil kinuwento sa akin iyon ni Klara.

"Oh! Daming pera, ano? Ganyan talaga pala kapag naibalik ka na kay Eina," natatawa niyang saad pero para bang may iba sa tono niya.

"Bakit? Ano naman?!" Pairap kong saad pero tumawa siya na parang demonyo.

"Sige aalis na ako, ingat."

Napakunot ang noo ko sa pag-akto niya. Maingay na nga, weird pa.

"Anak! Bakit ka nagbigay ng ganoong kalaking pera! Kami dapat ang-"

"Ayos lang, alam ko naman ding nagigipit na kayo kaya kahit iyon lang ay maitulong ko," nakangiti kong saad pero biglang tumawa ng malakas si Klara.

"Nawawala na talaga ang kapatid kong saksakan ng pangit ang ugali!" Tumatawa niyang sabi kaya binato ko siya ng unan na nakita ko sa gilid.

"Shut up, Klara Anderson!" Irap kong wika at tinignan ang oras. Ilang minuto na lang pala at aalis na ako. May pupuntahan pa kasi akong store na pinasuyo sa akin ni Mom para bilhin ang gusto niyang bag and etc. Sabi nga niya ay bumili na rin ako pero hindi naman ako mahilig sa ganoon.

"Aalis na pala ako, sa totoo lang dadaan lang talaga dapat ako dito dahil madadaanan ko rin kayo papunta sa store na pupuntahan ko," saad ko at nagpaalam na kay Mama, Cardo at kay Inang.

Sumakay na ulit ako sa sasakyan at nagbyahe kami ng ilang minuto papunta sa store na iyon.

Habang nagbyabyahe ay parang may nakita akong pamilyar na pigura ng tao. Si Chris! Pero may kasama siyang babae na para bang nagtatalo sila.

Pasimple akong bumaba at unti-unting pumunta sa kanila.

"Bakit ka nagpakita sa kanya?! Alam mo namang hindi pwede, hindi ba? Magkakagulo tayong lahat!" Galit na galit na wika ni Chris pero parang pinipigilan niyang sumigaw dahil nasa gilid sila ng isang store.

"Hindi ko na napigilan dahil nakita kong muntik na siyang mapahamak! Ano bang gusto kong gawin, ha? Pabayaan siya doon hanggang sa mamatay siya?!" Galit na saad ng babae pero nanliit ang mata ko ng makitang si Sharien iyon.

"F*ck, Rien. Hanggang kailan ba natin itatago sa kanila? Ayokong manahimik na lang habang tinitignan silang kampante sa isang kasinungalingan!"

"Sa tingin mo ba Christopher gusto ko ring magtago sa kanilang lahat?!"

"What's the meaning of this?" Eksena ko at literal na nanlaki ang kanilang mga mata na para bang nakakita ng multo.

"Klein..."

"Niloloko mo ba si Hailey?" Deretsyahan kong tanong na agad niyang ikinailing.

"N-no, mali ang pagkakaintindi mo."

"So ano ngang meron dito? Bakit parang nilagyan ko ng tape ang mga bibig niyo?" Taas kilay kong tanong at nakita kong napalunok si Sharien.

"Ang totoo niyan, Klein," kinakabahan na wika ni Chris.

"M-magkapatid kami," pagtutuloy ni Sharien sa sasabihin ni Chris. Nanlaki ang mga mata ko pero agad ding napakunot ang noo ko.

"Ha?" Naguguluhan kong salita.

"Pati na rin si Angel," seryosong saad ni Chris na mas ikinagulantang ko. Papaanong nangyari 'yon? Hindi sila magkakamukha at si Chris lang ang may asul na mata!

"Papaanong..."

"Mahabang kwento, Klein. Kung ako sa'yo, itago mo muna ang mga nalaman mo," seryosong wika ni Sharien at lumapit sa akin.

"Pakiusap, huwag mong sasabihin sa iba."

* * *
Author's note:

Hi! I'm back. Sana hindi kayo bumitaw sa pagbabasa kahit puro problema na ang story. Pansamantala lang naman 'yan, hintay-hintay lang at makakarating din tayo sa huli. Done editing.

Candle in the Water | ✓Where stories live. Discover now