Chapter 39

17 1 0
                                    

A/N: After several chapters, eto na at maghahasik na naman ng kagandahan si Hailey. Jk 乁 ˘ o ˘ ㄏ

* * *

Hailey's POV

Napasimangot na lang ako dahil sinungitan na naman ako ni Klein na kausap ko ngayon sa video call. Napakaano talaga ng babaeng 'to! Parang hindi nabaril at nag-agaw buhay. Hindi pa ako na-miss ng bruha kahit na matagal na kaming hindi nagkita. Pinagpapalit na ako sa Carter niya!

"Hey, hindi ka pa ba aalis?" Tanong ni Chris na ngayon ay pumasok na pala sa kwarto ko.

"Bilisan mo, Girl! Dapat nasa park ka na pagkarating namin doon!"

[Oo na lang, daming sinasabi pupunta rin naman ako.]

Napairap na lang ako at in-end na lang ang call. Niligpit ko muna ang gamit ko bago pinaandar ang wheel chair. Tinulungan akong makababa ni Chris na kanina pa nag-aabang sa pinto.

Pagkalabas namin sa bahay ay tahimik ang naging byahe dahil na rin inaantok pa ako. Hapon na hapon kasi ay inaantok ako at hindi ko alam kung bakit. Pakisagot na lang.

"Saan nga ba ulit kayo magkikita ni Klein?" Tanong ni Chris na ikinangiti ko. Naalala ko na naman na magkapatid pala sila kaya sigurado na akong tanggap na siya ni Klein.

"Sa park niyo, bilis mo at matagal na akong hindi nakakapunta sa Central Green Park," excited kong wika at tumingin sa bintana.

Ilang minutong katahimikan ang pumaligid sa kotse ng biglang magsalita si Chris. "Hailey?" Napatingin ako kay Chris at tinaasan siya ng kilay.

"Meron ka pa bang nararamdaman para sa kanya?" Bigla niyang tanong na kinaalarma ng utak ko. Tinatanong niya na kung mahal ko siya. Pero, ano na nga bang nararamdaman ko?

Bakit ba hanggang ngayon hindi ko pa rin mahanap ang sagot na iyon? Bakit hindi ko pa rin maamin sa sarili ko ang totoong nararamdaman ko?

Napansin kong napabuntong hininga si Chris at pilit na ngumiti.

"Ayos lang kung hindi mo pa masasagot ngayon, hihintayin naman kita," nakangiti niyang saad ngunit nanatili lang akong nakatingin sa kaniyang mukha at pinagmamasdan ang pagbabago-bago ng kanyang emosyon.

Ibinuka ko ang bibig ko pero walang lumabas na salita. Napaiwas na lang akong tingin at pinagmasdan ang mga bagay na nadadaanan ng kotse. Hindi ko pa rin masabi kung mahal ko pa ba si Vince o mahal ko na si Chris. Pakiramdam ko ay naiipit ako sa dalawang bato na pilit akong sinisiksik sa sitwasyon na 'to. Baka naman sinasabi ng utak kong mahal ko na si Chris dahil siya ang nandiyan. I don't want him to be a temporary replacement of Vince after all the things he did for me. I seriously hate myself for being like this.

"Nandito na tayo. Tawagan mo lang ako kapag kailangan mong tulong," wika niya at tinulungan na akong makalabas. Naningkit ang mga mata ko dahil walang Klein na mahahagilap sa park.

"Salamat, Chris," saad ko. Ngumiti lang siya sa akin.

Ilang minuto na akong naghihintay sa bench pero walang dumarating na Klein dito. Niloloko lang ba ako ng babaeng 'yon? Tatawagan ko na sana siya nang makarinig ng isang pamilyar na boses. Pumunta ako sa gilid kung saan makikita ang likod ng isang ice cream parlor.

"Alam mo namang hindi ka maipapakilala ng nanay mo pati na rin ako dahil magkakagulo silang lahat!"

"Papaano naman itong nararamdaman ko, Pa? Parang nilalamukos mo na sa pagmumukha ko na ako ang may kasalanan kung bakit ako nabuo sa kasalanan na ginawa niyo!"

Nanlaki ang mga mata ko ng makitang sinampal ni Papa ang isang babae kaya narinig ko ang kanyang paghikbi. Aawat na sana ako pero malakas na itinulak ng babae si Papa at umiiyak na tumingin sa kanya.

"Wala kang kwentang ama! Makasarili kayong lahat! Mapagmalinis pa rin kahit kayo ang may kasalanan na ganito ang buhay ko. SANA PINATAY NIYO NA LANG AKO!" malakas na sigaw ng babae at tumakbo papalayo pero nakita kong pinigilan siya ni Chris sa pag-alis. Wait, si Chris? Anong ginagawa ni Chris dito?

Bakit tinawag niyang walang kwentang ama si Papa?

Hindi kaya, siya iyon? Siya ang tinutukoy ni Mommy na pinalaking anak sa labas. Siya ba ang dahilan kung bakit sobrang gulo ng pamilya ko ngayon?

D*mn her and her mother. Mga naninira ng pamilya. Ang magaling kong ama, nagpatukso naman. I f*cking hate him and his mistress for ruining our family.

"What the f*ck?! Anong ginawa mo sa kanya, Monteverde?!" Galit na sigaw ni Chris at niyakap ang babae. Mas lalong dumagdag ang sakit at galit sa puso ko sa nakita.

Nanlalabo ang paningin ko dahil sa luhang tuloy-tuloy na tumulo sa mga mata ko. Tinago nilang lahat sa akin 'to. I felt like they betrayed me on everything.

"Wag kang mangialam dito, Bata! Sino ka ba, ha? Away namin ng anak ko 'to!"

"Anak? May lakas ka pang sabihing anak mo siya pero hindi mo naman siya kayang ituring na isang anak? Binigyan mo lang siyang sustento pero hindi pagmamahal!" Galit na galit na wika ni Chris at lalapit na sana si Papa para suntukin siya noong makita niya ako.

"H-hailey?" Mahina niyang bigkas sa pangalan ko kaya lahat ng mata nila ay napunta sa akin.

"I existed for 19 years but I didn't know all of this. How could you?! How dare you!" Pasigaw kong ani at pilit na lumayo kahit mahirap kontrolin ang letseng wheelchair na 'to.

Dahil sa sobrang pagmamadali ko ay hindi ko na nakita ang bato sa daanan na sanhi nang pagkabagsak ko sa lupa. Sinubukan kong tumayo, but I end up crying like a lunatic here in the park.

"Hailey!" Rinig kong tawag ni Chris pero mahigpit kong hinawakan ang lupa sa park na para bang dito ko binubuhos lahat ng galit ko sa kanila.

"STAY AWAY FROM ME! I DON'T NEED YOU! I DON'T NEED ALL OF YOU!" Sigaw ko at nagpupumiglas noong hawakan ni Chris ang braso ko. Naramdaman ko na lang ang pagpatak ng tubig sa likod ko at sa mukha ko. Tumingin ako sa langit habang sinasalubong ang luha nito. Marunong talagang makisama ang panahon.

"Umalis ka na lang, please," mahina kong wika na alam kong narinig ni Chris.

"But I can't leave you here!"

"I can handle myself! Sumama ka na lang sa babaeng iyon at iwan mo na lang ako! LEAVE ME ALONE!"

"No, Hailey! Mali-"

"JUST LEAVE!"

"Hailey?" Napatingin ako sa harap dahil narinig ko ang boses ni Klein. May dala-dala siyang payong at nagmamadaling pumunta sa akin. Tinulungan niya akong makapunta sa wheelchair at kita ko ang matinding pag-aalala sa kanyang mukha. Hindi niya ako tinanong pa ng kahit ano pero pinaalis na niya si Chris. Siya na lang ang pwede kong makausap ngayon.

"I will going to clear all of this, Hailey. Just trust me," malungkot na wika ni Chris at tuluyan ng umalis. After you betrayed me, do you still think I can trust you?

Agad akong isinilong ni Klein sa ice cream parlor. May tinawagan siya at sinabing sunduin kami ngayon. Ilang minuto lang ang hinintay namin bago may dumating na sports car sa harap namin. Lumabas doon si Carter habang may dalang payong.

"What happened?" tanong ni Carter pero sinamaan lang siya ng tingin ni Klein at tinulungan akong makasakay sa sasakayan.

"Mamaya ka na magtanong at pumunta na lang tayo sa bahay niyo," nakasimangot nitong saad na ikinabuntong hininga ni Carter.

I don't know if I can handle all of this. My heart is broken into pieces, and they took the parts away. How can I handle this when the one who can help me is one of the reason why I'm broken now?

* * *

Done editing.

Candle in the Water | ✓Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang