Chapter 31

21 4 0
                                    

Agad akong napatalon sa aking kinauupuan ng marinig ang malakas na pagdagundong ng pinto. Napabuntong hininga ako at napangiti habang inaalala ang mga nangyari sa amin nila Hailey kanina. Siguro, isa na iyon sa bagay na hindi ko makakalimutan.

"Azaan ba ang mga paggain dito?! Puny*ta!" Malakas na sigaw ni Tatay kaya nahinto ako sa pag-iisip. Agad akong tumayo at pumunta sa kusina.

"Tay? Pasensya na, wala pang pagkain kasi naghahanap pa-"

"La kong pageelam! Paggain ang guzto ko!" Sigaw niya kaya inalalayan ko na siya ng muntik na siyang tumumba.

Agad akong napabitaw ng makitang napatitig siya sa akin. Agad akong nailang at lumayo sa kanya ngunit ngumisi ito at hinablot ang braso ko.

"T-tay! A-ano bang g-ginagawa niyo?" Natatakot at nanginginig kong tanong pero humalakhak siya na parang demonyo.

"Igaw na lang ang bwede," pasegway-segway niyang wika at humigpit ang kanyang hawak na sa puntong hindi ko na maigalaw ang katawan ko.

Nagsimula siyang lumapit na ikinasigaw ko pero parang hindi siya natinag. Masaganang luha ang tumulo sa aking mga mata ng maramdamin ang pagdampi ng kanyang labi sa leeg ko.

"Tulong! Tulungan niyo ako!!!" Sigaw ko pero sinuntok niya ang tiyan ko na ikinadaing ko. Wala akong magawa dahil hindi ako makagalaw kahit nagpupumiglas lang ako. Mga sampal at suntok ang nakuha ng katawan ko at nanghihina na ako.

Sa pagpikit ko ay wala na akong naramdaman na nakahawak sa akin. Napadilat ako at nakitang nakahiga na si Tatay sa harap ko at may hawak na kahoy si Cole.

"Sh*t! I'm sorry! Sorry at hindi ako agad nakarating!" Nag-aalalang wika nito at hahawakan na sana ako ng umiwas ako. Napabuntong hininga siya at pinunasan ang luha kong patuloy pa ring umaagos.

"Nandito na si Kuya, please, tahan na," nang-aalong saad nito at niyakap ako.

Napadilat ako at hinabol ang aking hininga. Naramdaman ko ang mga luhang tumulo sa aking mata. Bakit sa lahat pa ng alaala iyon pa?

"Klein? Klein?! Sh*t! You're awake! What happened? Why are you crying?! May masakit ba?! F*ck! I'm gonna call- "

"Shhh," saad ko at sinubukang igalaw ang kamay kong hindi ko masyadong maramdaman.

"Ingay mo," matamlay at mahina kong salita pero mas lalo siyang lumapit sa akin at hinawakan ang kamay ko na ikinagulat ko.

Mas lalo akong nagulantang ng makita ang magulong buhok, malalaking eye bags at umiiyak na Carter. Hala, napaiyak ko ba?

"Sabihin mo lang kung may masakit par-"

"Sabing manahimik, gunggong," pagtataray ko kahit pa walang lakas ang boses ko. Narinig ko ang pagtawa niya pero nakita kong umiiyak din. Taena, nabaliw ata sa akin- I mean sa nangyari.

"You're really awake. Thanks God you're alright. Ilang weeks ka nang natutulog dito," nakahingang maluwag niyang saad pero ngumiti lang ako.

"Matagal mamatay ang masamang damo," pagak kong tawa pero naramdaman ko ang paghaplos niya sa aking buhok.

"I'm sorry," mahina niyang wika na ikinakunot ng noo ko.

"Bakit ka humihingi ng tawad?" tanong ko pero bumuntong hininga siya at ngumiti.

"Sorry for not being the best kuya," mas mahina niyang saad ng sabihin niya ang 'best kuya'.

"Hindi ka naman talaga the best," agad kong sabat sa kanya kaya ngumiti siya.

Gusto ko, best boyfriend hindi best kuya.

Napakurap ako ng maramdaman ang malambot na bagay na dumampi sa aking noo. Napatingin ako sa kanya pero nakaiwas na siya ng tingin. "Just gonna call Mom and Dad."

Napabuntong hininga ako at napatingin sa kwartong kulay puti. Napatitig ako sa kisame na parang iyon na ang pinakamasayang gawin ngayon. Ilang taon na ang lumipas pero iyon ang alaalang ayoko ng alalahin pa. Dahilan kung bakit nagkaletse-letse ang buhay namin.

"My goodness Klein! Pasensya na kung hindi ka namin naprotektahan! Pinapahanap na ang salarin at hinahanap na rin si Mang Dante (guard)," umiiyak na wika ni Mom at niyakap ako.

"It's okay, Mom. Ayos na ako," sabi ko at hinimas ang likod niya. Niyakap din ako ni Dad at sinabing mag-ingat na ako sa susunod.

Nang bigla kong maalala ang lalaking niligtas ko sa pagkakabaril dahil halatang siya ang pinapatamaan.

"May nakita ba kayong lalaki?" Tanong ko kaya parang nagtaka sila sa tinutukoy ko.

"Lalaking witness sa nangyari, hindi ko alam ang pangalan niya pero alam ko ang mukha niya," saad ko pero mas lalong napakunot ang noo ko.

"We'll try to find him," wika ni Dad at lumabas na ng kwarto.

"Carter, can you give us time? Just two of us," pakiusap ni Mom at tumango lang si Carter at lumabas na rin.

"Nakita mo ba ng maayos ang itsura ng witness?" Tanong niya sa akin na ikinatango ko. Kabisado ko ang mukha niya dahil dalawang beses ko na siyang nakita.

"Itanong natin sa ospital na 'to dahil alam kong dito namin dinala ang lalaking iyon noong una kaming magkita," wika ko na ikinatango ni Mom.

"Magpahinga ka muna, kami na muna ang bahala sa lahat. Napadesisyunan na rin namin na mag-aral ka na lang muna sa bahay after ng first semester ng klase mo, kung ayos lang sa iyo."

Tumango lang ako.

Umalis na siya ng kwarto at humiga na ako. Napabuntong hininga ako dahil dinala na naman ako sa ospital. Suki na nga ata ako rito. Gumilid ako at tumingin sa cabinet na nasa gilid ko. Binuksan ko ito at nangunot ang noo ko nang makita ang isang damit na may bahid pa ng dugo na parang matagal ng nakadikit sa puting damit.

Baka mamaya ay patay na ang may-ari nito.

May bulsa ang kanang bahagi nito sa taas at nakita kong may papel na nakatago roon. Binasa ko ito at mas lalong naguluhan.

Aurora Gonzaga

Nakasulat ito na parang nagmamadali pa ata dahil wala na sa line ng papel ang pagkakasulat sa pangalan.

Baka siya ang may-ari ng damit na ito.

Ibabalik ko na sana ang damit ng may mahulog na bagay na sa tingin ko ay nakalagay sa loob ng damit. Pinulot ko ito at mas lalong napakunot ang noo ng makita ang isang hikaw na parang nakita ko na sa kung saan.

Agad akong napabuntong hininga at napahilot ng sintido. Ano ba itong mga bagay na ito na parang nagbibigay ng masamang kutob sa akin?

Humiga na lang ako at pumikit. Ayoko munang mag-isip.

* * *

Done editing.

Candle in the Water | ✓Where stories live. Discover now