Chapter 37

17 2 0
                                    

Carter's POV

"Anak? Hindi ka pa kumakain, halika na at si Tita Jein mo muna ang magbabantay kay Klein," wika ni Mom pero hindi ko siya pinansin. Nakatitig lang ako sa mukha ni Klein na mahimbing na natutulog sa kama. Maraming aparato na nakakabit sa kanya at ilang buwan na siyang nakaratay.

"Carter, I'm talking to you," rinig kong saad ulit ni Mom. Hinalikan ko ang kamay ni Klein bago ko ito unti-unting binitawan.

"I swear, I'm gonna kill that woman," I whispered.

Tumayo na ako sa upuan at lumabas ng kwarto. Napasuklay ako ng buhok at napahilamos ng mukha. Hindi ko na alam ang gagawin kung papaano magigising si Klein ngayon. Nag-50/50 ang katawan niya noong sinugod siya sa ospital. I'm f*cking useless for not protecting her from that monster.

I didn't protect her from that crazy woman. Sana sinundan ko siya sa bahay ng foster parents niya at para mapigilan ko siyang pumunta sa lugar na iyon. Akala ko ay kailangan niya lang ng oras para makapag-isip. Hindi ko siya nailigtas, wala akong kwenta. Sinabi ko pang mahal ko siya pero hindi ko naman kayang protektahan.

"Hey, son, everything will be alright, trust me," nakangiting saad ni Mom kaya pilit na lang akong ngumiti.

"Mom, can we visit that woman?" Tanong ko sa kanya na ikinagulat niya.

"You mean, Aurora?" Nagdadalawang isip niyang tanong at tumango lang ako.

"Gusto ko lang malaman kung bakit niya ginawa ang lahat," wika ko at tinignan ang cellphone na isa sa ebidensyang magsasabi na ginawa ito lahat ni Aurora. Ibinigay ito ni Sharien sa akin at sinabing kay Klein iton galing. Pinindot ko ang play button ng video at pinanuod ulit ito.

"Hindi na ako magpapaligoy ligoy. Sana makita ito ng mga Castillion at ng mga Evangeline," kinakabahang saad ng lalaki na nakipagkita kay Klein dati.

"Ako ang nurse na nakakita sa pagpapalit ni Aurora sa dalawang sanggol ni Ma'am Eina at ni Ma'am Jein. Pinagbantaan niya pa ako na papatayin kung hindi ako tatahimik. Noong time na nakapagtago na ako sa liblib na lugar ay nakita pa rin ako ni Aurora at binalak niya akong patayin pero dumating si Klein Evangeline at niligtas ako. Matagal ko nang itinago sa inyo ito dahil sabi ni Aurora ay idadamay niya ang pamilya ko kapag hindi ako nanahimik. Wala akong magawa- paparating na siya! Paparating na siya! Tulungan niyo ako!" Tuluyan ng nawala ang mukha ng lalaki at itim na screen na lang ang nakita sa video. Huminto ang video na sigaw ng lalaki ang naririnig.

Nangiti ulit ako dahil sa nalaman na sikreto. Hindi ko siya kapatid at maaari ko na siyang ligawan habangbuhay. Pero kailangan ko munang harapin ang mga problemang kailangan munang solusyonan.

____________________

"Hey Idiot! Malulusaw na si Klein diyan sa higaan!" Sita sa akin ni Angel na kasama kong nasa kwarto ng pinakamamahal kong babae.

"I can't help it," sagot ko sa kanya at tinitigan ulit ang maamong mukha ni Klein.

"Ewww, I don't know you're so cheesy pala at sana masapak ka ng bruhang 'yan pagkagising niya," maarte nitong saad at lumabas ng kwarto.

She's my childhood bestfriend and she's the mastermind of the idea about pretending to be my girlfriend so we can see Klein's reaction.

And for pete's sake, it was surprisingly successful.

Likas na sa kanya ang manladi ng iba pero nandidiri na siya kapag sa akin ginagawa. And everyone know that I'm handsome but she said that I'm an ugly creature with two cut horns. I'm not a devil. She's really weird sometimes. And I'm not expecting that she is my true sister.

Candle in the Water | ✓Where stories live. Discover now