Chapter 5

56 5 0
                                    

"F*ck, no way!" Mahina kong salita at mahigpit na ang kapit ko sa newspaper na napulot ko lang sa daan.

What the heck is this?

Mr. and Mrs. Castillion Found their Missing Daughter

Iyon ang headline ng diyaryo kaya kahit madusing na ay kinuha ko. May ilang background ko doon tulad ng dito ako nag-aaral at ayoko pang sabihin kung sino ako. Mabuti na lang talaga at hindi nila sinabi dahil mas lalo ko silang kamumuhian.

"Dito nag-aaral ang anak ng dalawang mayaman na yan? Bakit kaya napunta dito ang anak nila?" biglang saad ni Hailey na ikinasimangot ko.

"Malamang, missing nga, 'di ba?" sagot ko in a 'duh' tone.

"Hula ko parang si Angel 'yon!" sabi pa niya. Napakunot ang noo dahil hindi ko maintindihan ang sinasabi niya.

"Angel? Anghel ba tinutukoy mo?"

"No Klein! Pero parang na rin dahil ang bait-bait niya at ang ganda pa. May pagkahawig din siya kay Mr. Castillion," wika niya sa akin.

"So? Baka naman Santa-santita ulit 'yan, parang ang lintang Camille," saad ko at patuloy na naglakad papuntang canteen. Lunch time na kasi at katatapos lang ng klase ko pero si Hailey maaga silang lumabas.

"Actually iyan na siya, nasa pila," turo ni Hailey sa babaeng may mahabang buhok na nakapila sa bandang gitna.

"Wait, what?! Iyan ba yung sinasabi mong mabait?" Di makapaniwalang tanong ko at parang napataas pa ata ang boses ko dahil napatingin ang iba sa direksyon namin. Hindi naman nagtatagal ang titig nila dahil sinasamaan ko ng tingin.

"Ok be calm, bakit ba? Kilala mo ba siya?" Tanong niya pero mas lalo lang akong sumimangot.

"That b*tch with two faces," nanggigil kong saad kaya napakunot ang noo niya.

"Maamo kapag nakatingin ang mga nakakataas pero sa kapwa estudyante parang tigre."

"Really? I can't believe she's a pretender too," parang naghihinayang na wika ni Hailey kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Hi!"

Someone interrupted us.

Speaking of the bitch, she's here wearing her fake smile and twinkling eyes.

"Can I sit here?" She pointed out the vacant seat beside me. Magsasalita na sana ako para sumagot nang biglang sumingit si Hailey.

"Of course," she plastered a wide fake smile. Mukhang may plano na naman ang gaga.

Nagsimula kaming kumain at nararamdaman ko pa lang na nagkakadikit ang balat namin o balahibo, nandidiri at nanggigigil na ako. Masarap manabunot ng isang pakitang tao.

Awkward silence filled up. Ang tagal talagang kumilos, Hailey!

"So hello, I'm Angel Evangeline," pag-uumpisa niya pero si Hailey lang ang pumansin sa kanya.

"Oh hi Angel! I already knew you because you're famous," nakangiti nitong saad pero kita ko ang pasimpleng irap nito.

"Not really, ikaw kaya ang popular diyan," nahihiya niyang wika at nakita ko sa gilid ng mata ko ang isang ngiting tagumpay.

"Feeling naman niya," bulong ko na tipong ako lang ang makakarinig pero tumingin siya sa akin.

"Hi too Klein, sorry pala noong nakaraan. Talagang mainit lang ang ulo ko sa panahong iyon saka nagugutom na talaga ako," she explained. Punta siya sa dictionary baka mahanap niya pake ko.

"Ok," malamig at maigsing sagot ko sa kanya kaya nakita kong nawala ang peke niyang ngiti.

"Don't mind her, talagang ganyan na siya," kontra ni Hailey at patuloy na nakipagkwentuhan sa kanya. Ano bang plano nito? Binubwisit niya lang ba ako?

"You know, Angel," pagsisimula ni Hailey. Napangisi ako, mag-uumpisa na siya.

"Stop trying to be an angel because you're not. Hindi mo kailangan maging santa santita para magustuhan ng iba," nakangiting pagpapatuloy ni Hailey na ikinagulat ni Angel. Nawala ang ngiti nito sa labi at doon siya dahan-dahang tumawa ng mahina.

"I thought I can easily manipulate you too like others, but I'm wrong," she said while smirking.

"Well, I'm maintaning my 'angel show' but I'm giving you my warning, don't let me show you my true self," she said while glaring at us.

Ngumiti ako sa kanya.

"Don't worry b*tch, hindi ko ibubunyag ng biglaan ang totoong pagkatao mo, unti-unti ko lang silang ipapakita, " sabi ko na ikinasama pa ng tingin niya.

"I'm planning how to hurt you and there is a way that you never now," Angel said and stood to walk away.

"Oh by the way! Bye Angel!" Pagpapaalam ni Hailey kay Angel pero dire-diretsyo lang siyang naglalakad.

"Friend, that's awesome!" Tumatawa nitong saad kaya napailing ako. Baliw.

"Halika na nga, malapit na mag-umpisa ang klase," sabi ko na ikinatigil niya sa pagtawa.

"OMG, papasok ka?!" Gulat nitong sigaw kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Shut up, Hailey," inis kong wika kaya napatakip siya ng bibig.

"Pero omg, totoo nga?!" Pasigaw na naman niyang wika kaya napasampal na lang ako ng noo.

"Friday ngayon at may punishment ako," maikli kong saad kaya tumango tango siya.

"Umalis na tayo, nakakainip na dito," inis kong wika at nauna ng tumayo. Dire-diretsyo akong naglakad at walang pakialam kung sino ang madadaanan ko.

"Klein!"

Napatingin ako sa tumawag sa akin at nakita kong nakangiting nakatingin sa akin si Carter. Tinaasan ko lang siya ng kilay dahil istorbo.

"Sabay na tayo mamaya, ha? See you!" Sabi nito at nagmadaling umalis. Kumunot ang noo ko. Ano raw?

"Ayie! Yung bebelabs mo inaaya ka oh," kinikilig na wika ni Hailey at tinutusok tusok pa ang tagiliran ko.

"Baka gusto mong mata mo tusukin ko diyan." Masamang tingin ang ipinukol ko sa kanya kaya huminto siya at humalikipkip.

"Oo na! Pumasok-"

"Hailey! Mabuti na lang at naabutan kita," habol ni Vince at hinihingal pa. Hindi umimik si Hailey at tumingin lang sa kanya. I smell something fishy.

"Sige, alis na ko, bahala na kayong magsapakan diyan," saad ko pero nagmamakaawa akong tinignan ni Hailey pero natawa lang ako.

Mag-isa akong naglakad papunta sa building pero napahinto nang marinig na kaluskos sa likod ng puno. Dahan-dahan akong lumapit pero may nakita akong mabilis na tumakbong nakaitim na papaalis sa halaman.

"Hoy!"

Nagmadali akong tumakbo para abutan siya at mahahawakan ko na sana siya ng biglang may string na transparent na nagpadapa sa akin.

"Sh*t!" inis kong sigaw at hinagis hagis ang transparent na string. Bigla na lang nawala ang tao. Minamaligno na ba ko? Kung titignan, parang lalaki ang tumakbo.

"Don't let curiosity kills you, Klein," bulong ng isang boses na katulad ng nagsabi sa akin nang "It's ok, klein."

"Sino ka ba ha?! Ano bang trip mo?!" Inis kong sigaw pero katahimikan ang sumagot sa akin.

Sino ba ang boses babaeng iyon?!

* * *

Done editing.

Candle in the Water | ✓Where stories live. Discover now