Chapter 6

47 6 1
                                    

Hailey's POV

"Ayie! Yung bebelabs mo inaaya ka oh," pambi-bwisit ko kay Klein at tinutusok tusok ang kanyang tagiliran.

"Baka gusto mong mata mo tusukin ko diyan," masamang tingin ang ipinukol niya sa akin kaya huminto ako at humalikipkip.

"Oo na! Pumasok-"

"Hailey! Mabuti na lang at naabutan kita," habol ni Vince at hinihingal pa. Nagpakita pa sa akin ang tukmol na ito na walang ginawa kundi saktan lang ako.

Hindi ako umimik sa sinabi niya.

"Sige, alis na ko, bahala na kayong magsapakan diyan," saad ni Klein pero nagmamakaawa ko siyang tinignan dahil ayokong maiwan kasama ang mokong na 'to.

"I'm sorry kung hindi na kita nasundan noon, bigla kasi akong tinawagan ni Tita Mila. Naaksidente daw si Camille noong papauwi na sila ng mga kaibigan niya galing sa birthday ng isa niyang-"

"May sinabi ba kong magpaliwanag ka?" Masungit kong tanong kaya napahinto siya.

"Sorry na, nag-aalala lang naman ako kay Camille," buntong hininga niyang saad.

Camille na naman! Dapat sa babaeng 'yan natuluyan na! Panira talaga ng araw. Siya na naman ang may dahilan kung bakit hindi na ako nasundo ni Vince. Siya na lang palagi ang panira sa love story namin ni Vince, ay, siya nga pala ang girlfriend. Bestfriend lang pala ako dito.

"Hey, are you alright?" Tanong sa akin ni Vince pero sinamaan ko lang siya ng tingin.

"Isn't it obvious?" malamig kong sagot at nagmadaling umalis sa harapan niya.

"Libre kita mamayang uwian! Sige na! Bati na tayo," pagungulit niya. Tigilan mo ako Vince kung ayaw mong mahalikan ng wala sa oras.

"When I said no, N-"

Halos tumigil ang mundo ko ng yakapin niya ako ng marahan.

"Sorry na," mahina niyang sabi sa akin pero patuloy na nagwawala ang puso ko. Mas lalo itong nagwala nang maramdaman ko ang dahan-dahang paglandas ng kanyang daliri sa aking buhok.

"Babawi na lang ako mamaya, ha? Sorry na talaga sa nangyari," pag-uulit niya at humiwalay sa pagkakayakap sa akin. Hindi pa rin matigil ang pagtibok ng puso ko kaya nakatulala lang ako sa kanya.

"Bati na tayo?" Nakangiti niyang tanong kaya hinampas ko ng malakas ang braso niya.

"B-bwisit ka! T*ng*na 'to! Sapakin kita diyan!" Sigaw ko pero mas lalo lang siyang ngumiti. Mabuti na lang talaga at kaunting namumula lang ako kundi ay mas nakakahiya.

"Effective naman ang yakap ko, ano?" Nakangisi nitong pagtutukso sa akin.

Oo! Effective na effective! Gusto ko na nga magwala dito sa kilig. Hindi ko na nga alam kung papaano ako magiging maayos ngayong araw at baka magpaulit-ulit na naman sa isip ko ang ginawa niya.

"Bwisit ka talaga! Bahala ka na nga diyan," inis kong saad at nagmartsa paalis pero kinikilig talaga ako. Mas lalo akong namula ng marinig ko ang nakakainlove niyang tawa.

Nagmadali akong pumunta sa building namin dahil ilang minuto na lang ay mag-ooras na. Pagkapasok ko sa klase ay puro kaguluhan lang ang bumungad sa akin. Hindi ko kaklase ngayon si Klein pero si Carter, oo. Kasama ko rin ulit ang weird na nerd pero napakamisteryoso.

Naalala ko yung jacket na binigay niya sa akin noong inuwi niya ako papuntang bahay. Inikot ko ang paningin ko pero wala siya kahit sa pinakasulok na upuan. Pumasok si Ma'am Angeles at binati kami.

"Good morning, class," matamlay nitong bati pero walang sumagot sa klase dahil busy ang lahat maggaslawan.

"Listen class!" Malakas na sigaw ni Ma'am Angeles kaya napatahimik din ang klase pero may nagbubulungan pa rin.

"Gagawa tayong activity at magkakaroon kayo ng partner. Sinong mabunot kong student number dito ay iyon ang magiging magkapareha," pagpapaliwanag niya kaya napairap lang ako.

Activity na naman!

Bubunot na sana ng papel si Ma'am nang biglang bumukas ang pinto. Hinihingal na pumasok si...

Chris?

May ilang salita siyang sinabi kay Ma'am pero hindi ko na narinig dahil maingay at mahina ang boses niya. Tumingin siya sa akin ng saglit kaya napaiwas ako ng tingin. Nanatiling tahimik ang klase na parang sinusundan ang mga yapak ni Chris.

"So ang first partner ay si Anica and Carter. Second, is blah blah blah..."

Lumipas ang ilang minuto at hindi pa rin ako natatawag kaya inip na inip na ako.

"And last, Hailey and Clark," banggit niya kaya napasimangot ako. Huh? Bakit si Clark?! Magbubuhat na naman ako, ganoon ba ang gusto nila?

"May hindi ba natawag?" Tanong ni Ma'am pero si Chris lang ang nagtaas ng kamay.

"Ma'am! Absent po si Clark!" sigaw ng isang babae kaya napatingin si Ma'am sa upuan ni Clark.

"Alright, Hailey and Christopher kayo na lang ang magpartner," nakangiting saad ni Ma'am at pinagpatuloy ang discussion sa gagawin.

Napatingin ako kay Chris at nakita kong nakatingin din siya sa akin. Napaiwas siya ng tingin ng makita ako kaya hindi ko alam kung bakit ako napangiti.

Kung sana si Vince na lang ang may pagtingin.

"So class, tumabi na kayo sa mga partners niyo upang makapagplano na kayo sa concept ng dula-dulaan niyo," sabi ni Ma'am kaya napanganga ako.

"Hala, sana pala nakinig ako," bulong ko at nanatili sa aking kinauupuan. Tumingin ako kay Chris at sinenyasan siyang pumunta sa tabi ko. Nakakatamad kayang tumayo. Ako pa ang mag-aadjust?

Habang naglalakad siya papunta dito ay doon ko napansin na brown na naman ang kulay ng mata niya. Bakit kaya hindi blue? May problema ba sa mata niya?

Inayos niya ang kanyang salamin na kulay itim at tumingin sa akin.

"Nakinig ka ba?" Tanong ko sa kanya at tumango lang siya.

"Ano daw-"

"Tungkol sa hindi pagkakaunawaan ang ipapakita sa dula," pagpuputol niya sa sasabihin ko kaya napasimangot ako. Lagi na lang nila pinuputol ang sinasabi ko!

"Ano namang hindi pagkakaunawaan 'yan?" Bagot kong tanong at sumalumbaba.

"Kahit ano, pamilya, kapatid, kaibigan o minamahal," mahina niyang saad at hindi ko alam kung bakit parang nahihiya siyang sabihin ang last word.

"Ha? Ano iyong huli? Ang hina ng boses mo," irita kong saad pero ngumisi lang siya. Bigla niyang inilapit ang kanyang mukha sa akin at binulungan ako.

"Ikaw lang dapat ang makarinig sa boses ko at makakita sa mga asul kong mata."

Natulala ako pero naguluhan sa kanyang mga sinabi.

"Dahil ang mga taong importante lang sa akin ang nakakakita nito," pagpapatuloy niya sa kanyang sinabi. Napalunok ako. Is he trying to put in my face that I'm important to him?

"Pero wait nga lang. Bakit bawal iparinig at makita ng iba ang tunay na kulay ng mata mo?" Pagtataka ang bumalot sa akin habang nakatingin sa walang buhay na tsokolate niyang mga mata.

"It's too complicated to tell you the reason," he said and walk away again.

* * *

Done editing.

Candle in the Water | ✓Where stories live. Discover now