Chapter 7

44 7 0
                                    

"Hoy! Saan daw kayo maglilinis?" Tanong ko kay Klein pero dire-diretsyo siyang naglakad.

"Ho-"

"Manahimik ka nga, sa faculty ako maglilinis," inis niyang sagot kaya napangisi ako. Nabwisit ko ulit siya! Magbunyi ang mga dyosa! Ay, ako lang pala ang tunay na dyosa.

"Sige! Aalis na ako. Kasama mo naman si Papa Carter eh," mapanuksong wika ko dito at mabilis na tumakbo papaalis sa hallway. Baka kapag naabutan pa niya ako ay mabugbog akong wala sa oras.

Nagpatuloy lang ako sa pagtakbo at huminto sa labas ng building. Huminga ako ng malalim at naglakad na. Papunta na sana ako sa kotse ko sa parking lot nang makarinig ng nag-uusap. Dahil dakilang chismosa ako, sinundan ko ang pinanggagalingan ng boses.

"Hindi ka man lang niya kayang iwan kahit niloloko mo na siya? Pathetic," natatawang saad ng isang lalaki.

"Syempre, patay na patay kaya iyon sa akin," malanding wika maman ng babae. Wait, I know that voice!

Sumilip ako kung nasaan silang dalawa at nagulat ng makitang nakasampay ang kamay ni Camille sa isang lalaki. Halos mawalan na ito ng pantaas na damit at pang-ibaba. Wala ring pantaas ang lalaki na may abs pa.

'Wag mong sabihing may ginawa silang milagro! My virgin eyes!

Kinuha ko ang cellphone ko at pasimple silang kinuhanan ng video kahit yung halikan nila at usapan. A big YUCK!

Napahinto sila ng mapansin nila ang kamay ko kaya agad kong hininto ang video at tumakbo ng mabilis.

Run or die.

"YOU B*TCH! KAPAG NAHULI KITA I'LL SLIT YOUR NECK!" sigaw nito kaya napatawa ako. Mabilis akong sumakay sa kotse at nilock ito. Pagkalock ko ay sakto na pagkalapit nila sa salamin ng kotse. Pinaandar ko na agad ang kotse bago pa nila makita ang mukha ko. Napatawa ako ng malakas dahil sa nangyari. Nadapa pa kasi si Camille and take note! Nakabra at maikling short lang siya!

"Manigas ka diyan, whore!" Tawa ako nang tawa at nagpatugtog nang malakas sa kotse. Habang nagdadrive ako ay doon naman ang masayang pagsayaw ko sa loob ng kotse. Masaya rin ako ngayon dahil wala ang driver na magsusundo sa akin dahil may sakit siya sabi ni papa.

Can you hear the whispers all across the room?
You feel her eyes all over you like cheap perfume
You're beautiful, but misunderstood
So why you tryna be just like the neighborhood?

Masaya akong sumasabay sa kanta ngunit biglang nahulog ang sunglasses ko kaya pinulot ko ka agad dahil baka masira sa ilalim.

Bago pa ako makatingin sa daan ay nakarinig na ako ng malakas na pagpreno ng sasakyan. Bigla ko na naramdaman ang malakas na impact ang bumangga sa aking kotse kaya nabasag ang salamin sa harap ng kotse at naipit ang isa kong paa.

Nanghihina akong napadilat dahil sa sobrang sakit ng katawan ko at hilong nararamdaman ko. Bago magdilim ang paningin ko, may narinig akong ingay.

Isang taong tumawag sa aking pangalan.

____________________

Klein's POV

Nabalitaan kong papunta dito ang mga Castillion para bisitahin ako sa ganitong oras. Ano na namang gusto nila? Kahit kailan hindi ko gugustuhing makasama ang mga tulad nila.

Kasalukuyan kaming naglilinis ni Carter at iyong isa pang lalaki sa faculty room noong may sumilip sa room.

"Ms. Anderson, pinapatawag ka na po ni Ma'am Palma," sabi ng isang babae na mukhang nerd. Iyan, pinapatawag na ako ng princ-epal.

"Ikaw na ang magtuloy, may aasikasuhin lang ako," kaswal kong wika kay Carter pero huminto lang siya sa pagmamop at napabuntong hininga.

"Minsan talaga nagtataka ako kung bakit ikaw pa eh," bulong niya kaya kumunot ang noo ko.

Anong 'bakit ako pa'?

"Pinagsasa-"

"Pumunta ka na doon, ako na ang bahala dito," sabi nito kaya mas kumunot ang noo ko. Bakit biglang nag-iba ang mood nito? May mood swings, ganoon?

Dumiretsyo ako paalis sa university, hindi ko naman talaga sila sisiputin. Bakit ba? Kailangan ko pa bang gawin 'yon? Sinabi ko ng ayaw ko silang makita pero parang wala silang narinig sa sinabi ko.

Lalabas na sana ako sa school nang biglang magring ang cellphone ko. Agad ko itong sinagot.

"Oh-"

[Klein! Nandito ako sa ospital! Naaksidente si Hailey!]

"What?! Saan ang ospital yan, Vince?!"

[*name of hospital* Bilisan mo!]

Agad kong binaba ang tawag at tumawag ng tricycle na nakita kong nakatambay sa gilid. Pagkasakay ko ay sinabi ko ka agad ang ospital. Hindi magkamayaw sa kaba ang puso ko. Ano kayang nangyari?

Pagkababa ko ay nagmadali akong bumaba sa tricycle at binayaran ito. Tumakbo ako papuntang loob ng ospital at agad na tinanong kung nasaan si Hailey.

"Nasa emergency room po si Ms. Monteverde," wika ng nurse.

Kinakabahan na talaga ako at pakiramdam ko ay hindi maganda ang makikita ko ngayon. Tumakbo ako sa emergency room at naabutan ko si Vince sa gilid na nakaupo habang hawak-hawak ang kanyang ulo.

"Anong nangyari?" Bungad ko sa kanya kaya agad siyang napatingin sa akin.

"Hindi ko alam, may biglang tumawag sa akin at sinabing naaksidente si Hailey. Akala ko niloloko lang ako pero nagmamakaawa siya na pumunta ako dito," frustrated niyang wika kaya napakunot ang noo ko. Sino kaya iyon?

"Babae o lalaki?"

"Shari...hindi ko matandaan ang pangalan pero babae siya."

Naghintay kami nang ilang minuto bago lumabas ang doctor at tinignan kami.

"Sinong kamag-anak ng pasyente?" Tanong nito kaya agad kaming tumayo.

"Mga kaibigan niya po kami pero padating na po ang pamilya niya," sabi ko kaya tumingin sa akin ang doctor.

"Stable na ang kalagayan niya pero muntik ng maputol ang binti niya sa pagkakaipit sa kotse pero mabuti na lang ay agad siyang nadala rito at naagapan ang binti niyang nagkaroon ng fracture. Under observation pa siya kaya mamaya na kayo pumasok," paliwanag nito kaya tumango tango lang kami.

"She needs therapy so she can walk again," dugtong nito kaya napakagat ako ng labi.

"Sige po, salamat," saad ni Vince at sabay kaming umupo sa gilid.

Sumandal ako sa pader at bumuntong hininga. Ang dami namang nangyayari. Pagod na akong harapin ang lahat.

* * *
Author's note:

Hi everyone! Air is back! Salamat sa mga nagbabasa! Thank you for reading this and please, don't be too silent, I need your opinions and reactions. Done editing.

Candle in the Water | ✓Where stories live. Discover now