Chapter 21

40 4 1
                                    

Klein's POV

Nangunot ang noo ko dahil sa binigay na dress ng katulong. Matagal akong nakatingin at sinusuri ito dahil hindi ko alam kung ano bang klaseng damit ang ipinapasuot sa akin. Ang alam ko lang na damit ay jeans at t-shirt.

Nagambala ako sa pagtingin dito noong may kumatok sa pinto.

"Klein? Are you ready? We still have 15 minutes to prepare," saad ni Mom kaya nataranta ako. Ilang oras ko bang tinignan ang damit na 'to?

"Sandali lang, baba na lang ako mamaya," sagot ko at narinig kong naglakad na siya palayo. Nagtungo ako sa banyo at naligo ng mabilisan pero hindi ligong uwak aba. Nagulantang pa ako dahil hindi ko alam paano gamitin ang blower para matuyo ang buhok ko.

Sinuot ko ang dress na red ana kumikintab pa. Above the knee siya kaya naalibadbaran talaga ako. Fit ito kaya makikita kung mataba ka ba o mapayat. Ang right side ng manggas ay long sleeve at ang left side ay strap lang. Sinuklay ko ang buhok ko at hinayaang ilugay ito. Hindi na ako nagmake up dahil hindi naman ako marunong. Dahan-dahan kong sinuot ang red 4 inches stilletos na kasama ng dress kanina.

T*ngina, makakapaglakad pa ba ako nito?

May kumatok na naman kaya napatayo na ako. Dahan-dahan akong naglakad habang pinapractice ang mga paa ko. Kahit papaano ay nakasuot na ako ng heels noong sapilitan akong pinasuot ni Hailey. Hindi talaga titigil ang bunganga niya habang hindi pa nasusunod ang gusto niya. Spoiled, 'di ba?

"Sandali lang," wika ko at nagpulbos ng mukha. Kinuha ko ang purse na kulay gold. Sinuot ko na rin ang hikaw na ibinigay sa akin. Konting nagmadali ako sa pagbukas ng pinto at bumungad sa akin si Klara.

Nanlaki ang mata niya sa nakita at napatakip pa ng bibig.

"Ate, you know hindi ako namumuri ng tao dahil nanlalait ako pero...ikaw ba 'yan, Klein?" Kumikinang ang mga mata niya at nakita kong nakaayos na siya na parang mag-shoshopping.

"Ikaw? Hindi ka sasama sa amin? Bakit ganyan ang suot mo?" Tanong ko pero nagkibit balikat lang siya at ngumiti.

"Shopping muna ako for new clothes! Saka you know? Para makapagbonding kayong magpapamilya at ayokong sumabit, duh, hindi sumasabit ang magaganda," maarte niyang saad na nagpairap sa akin.

"Whatever," bagot kong sagot at lalabas na sana noong hinatak niya ako papasok ulit.

"You're not wearing any make up! Dapat special, spectacular, fantastic, and fierce! Lagyan na kita, bilis!" Excited niyang ani at pinaupo ako sa make up set na binigay din sa akin. Nagsimula siyang maglagay ng foundation at blush on. Nilagyan niya ng red lipstick ang labi ko at ng kung anu-ano pang hindi ko maintindihan.

Natapos din kami ng ilang minuto dahil mabilis lang siyang magmake up na parang sanay na sanay na. Nagblower na rin siya at nagtutorial kung paano iyon gamitin.

"Charan! May pagkadark ang lipstick mo para terno sa damit," nakangiting asong saad niya at pinatayo na ako.

Pinalabas na niya ko ka agad at parang siya pa ang mas excited kaysa sa aking umalis. Bumaba ako sa hagdanan nang dahan-dahan dahil baka matapilok ako.

Nagulat ako dahil lahat sila ay nakaabang na parang ako na lang ang hinihintay.

Nanlaki ang mata ni Mom at ngumiti ng malaki si Dad. Nakita kong napalunok si Carter pero agad ding umiwas ng tingin na parang walang nakita. Napangiwi ako ng muntik na akong matapilok. Letse namang sapatos 'to.

Candle in the Water | ✓Место, где живут истории. Откройте их для себя