Chapter 27

20 5 1
                                    

Lumipas ang araw at walang nagbabago sa pagthe-therapy ko pero lagi naman akong inaassure ng therapist ko na gagaling ako. Sana, sana nga.

Walang nanggugulo sa aking mga asungot ngayon kaya tahimik akong nakaupo sa bench ng garden namin.

"Hailey!"

Napatingin ako nang marinig ang pamilyar na boses ng isang babae. Nakapang-alis na siya at may hawak na bag.

"Hindi ka ba magpapaalam sa akin? Ilang buwan din akong mawawala, sige ka," pananakot ni Ate Lorrince kaya napairap ako.

"Ewan ko sa'yo basta ingat ka sa inyo ah! Papahatid na rin kita kay Elias," mapanukso ang pagkakasabi ko kaya ngayon ay siya naman ang umirap.

"Tigil-tigilan mo ako Hailey at baka maihagis kita papuntang probinsya at pagtanimin ng mais!" Napipikon niyang saad na ikinatawa ko. Pumunta ako sa wheel chair at sumunod sa kanya.

"ELIAAAAS!" malakas kong sigaw dahil alam kong kumakain lang iyon sa kusina ngayon.

"Oh? Ano?! Grabe ka su-"

"Hatid mo sa terminal si Ate Lorrince! Bilis! Wala si Kuya Robert at ayoko siyang magcommute!" Sigaw ko ulit at nakita kong lumabas na siya dala-dala ang isang jar ng cookies.

"Ha?! Wag na! Nakakaistorbo la-"

"Wala kang naiistorbo, laging free si Elias, you know," hagikgik ko kaya sinamaan niya ako ng tingin.

"Ha? hakdog. Anong pinagsasabi mo diyan?" Kunot noong tanong ni Elias pero tumawa lang ako at napailing.

"Magdate na kayo! Kapag nalate pa si Ate Lorrince sa biyahe, bubugbugin kita!" Sinamaan ko ng tingin si Elias kaya sumimangot siya.

Umalis na sila at halata ang pagmamadali ni Ate Lorrince para hindi siya makasabay sa paglalakad. Napangiti ako dahil kinikilig ako sa mga naiisip ko.

Ship ng ship, mabubutas din ang barko at lulubog sa dagat ng pagkasawi.

Shut up, mind. Ang bitter mo!

Papasok na sana ako sa loob ng bahay pero may tumawag ulit sa akin. Napatingin ako sa likod ko at nakitang si Chris ito.

Ngumiti siya sa akin kaya parang nalumod ko ang laway ko.

"Saan papunta sila Lili?" tanong niya.

"Ihahatid ni Lili si Ate Lorrince kasi walang maghahatid sa kanya papuntang terminal," paliwanag ko at tumango-tango siya.

"Nasaan sila Tita Aila and Tito Harley?" Tanong niya kaya agad nalukot ang pagmumukha ko.

"Iyon! Umalis na naman kasi may biglaang business trip," nakasimangot kong saad dahil maggagala dapat talaga kaming lahat kaya pinaday-off namin ang mga kasambahay tapos biglang meron silang business trip! Kainis!

"Ano? Gusto mong pumunta ulit sa tagpuan?" Nakangiti niyang tanong na ikinalaki ng mata ko.

"Oo nga! Pumunta tayo ulit doon!" Excited kong sigaw at nagmadaling pumasok sa loob.

"Teka! Tulungan na kita umakyat! Mahulog ka pa niyan."

____________________

Agad kong nilanghap ang sariwang hangin at napangiti. Gumaan ang loob ko kahit pinagmamasdan ko lang ang paligid. Walang ipinagbago ang lugar na ito maliban na lang sa mga bagong pinturang bench at nawala ang mga lumang gamit sa gilid na parang matagal nang nandoon.

"May nagpaayos nito?" Tanong ko kay Chris na ngayo'y nakapikit lang sa tabi ko at nakasandal.

"Yeah, pinaayos ko na dahil walang may balak na ipaayos ang abandonadong lugar na 'to," wika niya kaya napangiti ako.

"Good job!" Puri ko at tumawa pero napadilat siya at napasimangot.

"Iyon lang?"

"Ha? Anong 'iyon lang'?"

"Kiss? Where's my kiss?"

Nahampas ko agad ang braso niya at tumawa naman siya ng malakas.

"Pero ano nga? Wala talaga?"

"Aba! Ewan ko sa'yo!"

Tumawa ulit siya ng malakas kaya napairap ako. Napatigil ako bigla ng maramdaman ang kanyang malalamig na kamay na dumapo sa aking braso at hinatak ako papunta sa kanya. Nagulat na lang ako ng makitang binuhat niya ako na parang bagong kasal. Ano bang ginagawa nito?!

"Hoy! Ibaba mo nga ako! Anong trip mo na naman?!" Sigaw ko dahil kinakabahan ako ng makitang papunta kami sa waterfalls.

Wag mong sasabihin lulurunin niya ako rito at papabayaan?! O baka naman may ritwal-

"Hey! Are you alright? Bakit namumutla ka diyan?" Tanong niya sa akin pero agad akong umiling.

"W-wala."

"Don't worry, we're just going to take a refreshing bath here," he chuckled that makes him hot and sexy. Oh geez, what are you saying Hailey?

"H-ha? Eh papaano ako tatayo diyan! Hindi nga ako makatayo," malungkot kong saad sa kanya but he gave me a reassuring smile. Kumabog ang puso ko ng ibaba niya ako pero hindi ko maramdaman ang mga binti ko kaya agad kong ipinulupot ang braso ko sa leeg niya.

"Ano ba Chris!"

Agad siyang tumawa pero hindi niya binitiwan ang pagkakahawak sa bewang ko.

"Hinding hindi kita bibitiwan," wika niya na ikinamula ko. Agad akong yumuko pero agad naman niyang iniangat ang baba ko gamit ang kanyang mahahabang daliri.

"Look into my eyes, Hailey. Kahit tingin mo lang ay sana makuha ko," mahina niyang saad kaya napakurap ako. Naramdaman ko ang paggalaw niya na para bang sumasayaw kami sa gitna ng malinaw na tubig.

"Chris..."

"Shhh, just listen to me," bulong niya sa aking tenga na ikinanginig ko.

"I'm willing to do anything to get you. Hinding hindi ako bibitaw, hinding hindi kita bibitawan."

"Chris ple-"

"Kahit pa iba ang minamahal mo."

Napalunok ako sa mga salitang lumabas sa kanyang bibig. Naguguluhan na ako, hindi ko na alam ang gagawin ko. Naguguluhan na ako sa nararamdaman ko.

Unti-unti niyang inilapit ang kanyang mukha sa akin. Napapikit na lang ako dahil sa kanyang hininga na tumatama na sa aking bibig.

"I'm going to steal your heart from him, I promise."

Pagkatapos ng mga salitang iyon ay naramdaman ko ang pagsakop niya sa aking labi. Napahigpit ang hawak niya sa aking bewang kaya bumaba ang pagkakapit ko sa kanyang leeg at huminto sa kanyang matigas na dibdib.

Nanghihina ako at nararamdaman ko ang pag-angat ng init sa aking katawan.

Bago pa bumaba ang halik niya sa aking labi ay agad siya huminto at inilayo ang kanyang mukha. Napadilat na lang ako at napatingin sa kanyang mga mata na parang mas dumilim ang kulay.

Ngumiti siya sa akin at binuhat ulit ako papunta sa waterfalls na umaagos sa aming tabi.

"Chris! Wala tayong pampalit!" Tili ko ng maramdaman ang malamig na tubig na sumakop sa akin.

* * *

Done editing.

Candle in the Water | ✓Where stories live. Discover now