Chapter 24

25 4 4
                                    

Mga ilang minuto rin ang hinintay namin bago pumasok si Cole. Akala ko ay mag-isa lang siya pero pumasok ang isang babae.

"Erin Alcantara, my girlfriend," pakilala ni Cole na parang nahihiya pa. Tumaas ang kilay ko sa kanyang sinabi. Hindi man lang sinabing may girlfriend na siya! Sana sinabi ko sa nililigawan niyang pahirapan siya.

"Uhm, hi? Nice to meet you..."

"Klein," maigsi kong sagot at nakipagkamayan sa kanya.

"Hi! I'm Hailey Monteverde, nice to meet you," magiliw namang saad ni Hailey at nakipagkamayan din.

"So bakit ngayon mo lang sinabi ito sa akin, Cole?" Taas kilay kong tanong kaya parang nabahala siya at napatingin sa girlfriend niyang iniikot ang paningin sa paligid.

"Ngayon lang kasi tayo nagkausap. Nagulat pa nga ako noong malamang dito ka na nakatira! You didn't tell me too!" Reklamo niya sa akin na ikinairap ko. Oo na, may point na siya.

"So Erin, papaano kayo nagkakilala ng epal na 'to?" Ngumiti ako ng matamis kay Erin at itinapat sa mukha ni Cole ang kamao ko.

"Schoolmate kami ni Cole at napapansin ko lang siya dahil laging pinapasakit ulo ng mga teachers. Laging ako ang naghahandle sa kanya para mapunta sa detention kaya mas nakilala ko siya," kwento niya at nakita kong interisadong interisado si Hailey sa kwento.

Nagpatuloy sila sa pagkwukwentuhan at nakikinig lang ako. Minsan naman ay nagsasalita rin kapag tinatanong nila ako. Lumipas ang oras na iyon lang ang ginagawa namin. Napagdesisyunan na rin nilang umalis para makapagpahinga si Erin dahil night shift pala siya sa trabaho niya. Pagkaalis ng dalawa ay kami lang ni Hailey ang naiwan.

"Kleiny! Anong tingin mo sa girlfriend ni Cole?" Intriga niya sa akin kaya napaisip ako. Ano nga ba?

"Ayos lang, just a typical girl na responsable sa isang dugyot na lalaki," bagot kong wika pero parang hindi mapakali si Hailey sa kinauupuan niya.

"Bakit?" Tanong ko kaya napatingin siya sa akin. Agad siyang lumapit sa kinauupuan ko at agad hinawakan ang balikat ko.

"Klein! Feeling ko may something na hindi magandang mangyayari! Anong gagawin ko? Natatakot ako sa bagay na hindi ko alam," natatakot niyang saad at inalog-alog pa ako.

"Anong pinagsasabi mo diyan?" Kunot noong tanong ko pero magsasalita pa lang siya ngunit biglang tumunog ang doorbell. Sino na naman kaya iyon?

Lumabas ang isang maid para buksan ulit ang gate. Hinintay naming dalawa ang papasok at napakunot ang noo ko ng makita ang nerd. Hindi na siya mukhang nerd pero nerd pa rin siya sa akin.

"Chris? Anong ginagawa mo dito?" Tanong ng katabi ko na parang nagulat pa. Ngumiti lang si Chris habang nakatingin kay Hailey.

"Susunduin na pala kita dahil malapit na maggabi at baka mapahamak ka pa sa labas kung ikaw lang mag-isa," malambing niyang wika sa bruha kaya napasimangot ako. 'Wag kayong maglandian sa harap ko mga love birds.

"Hala sige na at magsilayas na kayo rito dahil nangangati na rin ako sa suot ko," masungit kong saad. Napanguso si Hailey at napatigil si Chris sa akin, parang ngayon lang ako napansin ng bugok na 'to ah.

"Ingatan mo 'yan kung ayaw mong maupakan, nerd!" Sigaw ko kay Chris noong makitang hinahatak na niya ang wheel chair ni Hailey. Sumaludo lang siya na ikinatawa ng bruha.

Pumasok na ako sa kwarto at nag-ayos para makatulog na. Mabuti nga at may nakita akong blue na pajama at malaking puting t-shirt na may tatak na 'nobody cares'. Exactly my vibe.

Candle in the Water | ✓Where stories live. Discover now