Chapter 15

48 5 0
                                    

Klein's POV

Bigla akong nagising nang makarinig ng malakas na kalabog sa pinto ni Inang. Humikab muna ako bago tumayo at nag-inat-inat. Lumabas ako sa kwarto at alam kong nauna na si Klara sa paggising dahil naririnig ko na ang malakas nitong boses.

"Sino ba iyang maingay na kumakalabog sa pinto ko, Ineng?" Tanong ni Inang Wanna pero nagkibit balikat lang ako. Ako na lang ang nagbukas ng pinto dahil tinutulungan ni Klara si Inang Wanna sa pagluluto at mabait talaga ako kaya ako na ang nagbukas.

Binuksan ko ang pinto at nakita ang pagmumukha ni mama na nagngingitngit sa galit kasama si Cardo na nag-aalalang nakatingin sa akin.

"Anong ginagawa nito rito? Nandito na ba kayo para ibenta kami?" Taas kilay kong tanong at nang-iinsultong tumawa.

"Manahimik ka, Babae! Hindi ikaw ang kailangan namin!" Galit na sigaw nito sa akin.

"Aba'y wala kang karapatan na sigawan ang apo ko, Klarina!" Pasigaw ding ani ni Inang na inaalalayan ni Klara papunta sa tabi ko.

"Inang hindi ka kasali rito," biglang sabat ni Cardo kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Kahit anak niyo si Klara, wala kayong karapatan na siya ang gawing bayad sa mga p*tang*nang utang niyo sa sugal!" Sigaw ko at pagsasaraduhan na sana sila ng pinto ng maramdaman ko ang malamig na metal na tumama sa aking sintido.

"Wow pare, isa pang chix 'to. Bakit hindi natin sila isama para bayad na bayad na ang utang niyo Klarina at Cardo?" Isang malalim at nakakakilabot na boses ang nagsalita sa gilid ko.

Napatingin ako kay Klara na ngayon ay umiiyak na nakatingin sa akin dahil hawak-hawak siya ng dalawang armadong lalaki.

"Anong ginagawa niyo sa mga apo ko?!" Natatarantang sigaw ni Inang pero tinapatan lang siya ng baril ng isang kasapi ng mga armadong lalaki.

"Manahimik kang matanda ka kung ayaw mong pasabugin ko ang ulo mo." Masama ang tingin nito kay Inang kaya napatingin sa akin si Inang. Mapait akong ngumiti sa kanya at sinimulan kaming ipunta sa likod bahay ni Inang.

"Oh? Nabigay na namin ang gusto niyo, bayad na kami ha?!" Rinig kong sigaw ni Mama at nakarinig ako ng tawa ng lalaki. Ilang sandali ay nakarinig ako ng tatlong beses na putok ng baril. Napapikit na lang ako pilit iniiwas sa isip ang maaaring nangyari.

"A-ate."

Bakas ang takot at pangamba sa boses ni Klara dahil sa narinig at tuluyan na kaming ipinasok sa loob ng itim na van. Pinagmasdan ko ang daan para kung sakaling tatakas kami ay pamilyar sa akin ang daan.

Napabuntong hininga ako sa nangyari.  Hindi ko aakalaing hahantong sa ganito ang lahat. Sa pamilyang sinira ng nakaraan at patuloy na sinisira ng kasalukuyan.

Muntik na kaming masubsob sa harapan ng biglang huminto ang van. Walanghiyang driver 'to! Hindi marunong magmaneho!

"Oh?! Anong nangyari?!" Inis na sigaw ng isa kong katabi na saksakan ng pangit. Not being offensive, mukha talagang kinalayod ng manok ang mukha niya na may hikaw sa kaliwang tenga. Mukha siyang adik, sa totoo lang.

"Binaril ng nakasakay sa Ferrari iyong gulong ng van! Lagot tayo kay boss! Bilis, ibigay niyo ang baril kay Inyok!" Sigaw ng driver at nagsimula na silang gumalaw-galaw. Patago akong ngumisi dahil sa anghel na sumaklolo sa amin.

Nakipagbarilan sila sa Ferrari nang may biglang lumitaw na isa pang sasakyan sa tabi ng Ferrari. Nakita ko ang bakas ng inis sa mukha ng mga asungot dito kaya napahikab na lang ako at naghintay sa mangyayari. Tagal!

Candle in the Water | ✓Where stories live. Discover now