Chapter 44

12 1 0
                                    

Napayuko na lang ako dahil sa nangyari. Hindi ko na alam kung anong gagawin. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko kay Tita Aila. Hiyang hiya ako sa nangyayari. Bakit ba sa lahat pa ng tao, bakit si Mom? Bakit siya pa ang naging kabit ni Tito Harley? Hindi ko alam na hahantong ang lahat sa ganito.

"Tell me, Klein. Totoo ba ang sinabi niya?" Mariing tanong niya ulit sa akin. Agad akong napapikit ng maramdamang pumatak ang luha sa mga mata ko. Tumingin ako sa kanya at hindi galit ang nakita ko sa mga mata niya. Sakit.

"Y-yes po."

Nakita ko kung papaano niyang nabitawan ang hawak na tray at dumapo ang kanyang kamay sa bibig niya. Tuloy-tuloy ang pag-agos ng luha sa kanyang mga mata at bahagyang umiiling.

"H-hindi..."

"H-hindi pwedeng ang n-nanay mo," umiiyak niyang saad kaya agad siyang nilapitan ni Hailey at niyakap. Lalapit na sana ako ng makita ko sa tingin ni Hailey na wag ko itong gawin. Nanatili akong nakatayo habang nakikita kung papaanong nagbreakdown sa harap ko si Tita Aila.

"Umalis ka na lang, Klein. Please, pabayaan mo muna kami," wika ni Hailey at niyakap ang kanyang ina.

I don't know what to do kaya umalis na lang ako. Tumakbo na lang ako papalayo sa lahat. Naglakad ako at hindi minabuting tignan ang paligid kung nasaan na ako. Paulit-ulit kong pinunasan ang mukha ko dahil sa tumutulong luha pero ayaw nilang tumigil. Siguro, karma na rin lahat ng nangyayari sa akin. Sa dami ba naman ng ginawa kong masama dati, hindi na ako magtataka kung paparusahan na ako ngayon.

Umupo ako sa ilalim ng isang puno sa gilid ng daan. Gubat na rin kasi ang parteng ito pero may daan sa gitna. Hindi ko alam pero pamilyar ang daan na 'to. Huminga ako ng maluwag dahil hindi na rin ako makahinga kakaiyak.

Makakapagpahinga na sana ako sa lugar na iyon kung hindi ko lang nakita ang isang babae na parang hindi mapakali. Hindi talaga ako hahayaan ng panahong magdrama.

Pinagmasdan ko siya at nagtago dahil masama ang kutob ko sa kanya. Hindi naman siya mukhang galing sa mental hospital dahil nakasibilyan siya.

Pupuntahan ko na sana siya nang may maalala sa daan na 'to. Ito ang sinabi sa akin ni Carter na papuntang asylum. Bakit naman papunta ang babaeng iyon sa asylum?

Nang makalayo na siya ay pasimple ko siyang sinundan. Nag-iingat lang ako dahil baka makita niya ako at masabotahe ang plano kong malaman ang pakay niya sa lugar. Kinalkal ko ang sling bag na dala ko at nakita doon ang isang permit na pinahihintulutan na kausapin ang isang suspect. Binigay sa akin ito ni Carter para raw kung sakaling mawala ang sa kanya ay mayroon pang isa. Sinabi niya na ring ginamit niya ito ng dumalaw siya kay Aurora.

Pumasok na siya sa asylum at napalunok ako ng makita ang nakakatakot na lugar. Ilang minuto ang pinalagpas ko bago pumasok. Nakita ko na rin naman wala na siya kaya ako naman ang pumunta. Pinunasan ko muna ang mukha ko bago pumunta sa babaeng nasa counter.

"Dito ba si Aurora Gonzaga?" Tanong ko dahil gusto ko na rin dalawin ang baliw na iyon. Baka sakaling may makuha akong dahilan kung bakit niya iyon ginawa sa amin.

Napakunot ang noo ng nurse dahil sa sinabi ko. Napatingin siya sa daan kung saan may bakal na harang at nagbabantay.

"Kaanu-ano niyo po?" Tanong niya at pinakita ko lang ang permit. Napatango-tango siya at may konting inayos sa computer niya.

"Pwede po bang pahintay ng ilang minuto? May isa pa po kasing dumalaw sa kanya. Bilin po ng dumalaw ay kung may ibang dadalaw ay wag ko raw pong padalawin kung nandoon pa po siya," paalam ng nurse kaya mas naintriga ako. May koneksyon siya kay Aurora?

"Babae bang nakamaroon na t-shirt?" Paninigurado ko at tumango lang ang nurse.

"Anong pangalan?"

"Aibileen Almez po," sagot niya at nagpasalamat lang ako.

Sinabi kong wag sasabihin ng nurse doon sa Aibileen na may ibang dadalaw kay Aurora. Paniguradong may maitutulong siya sa amin. Nag-abang ako sa gilid ng entrance ng asylum. Aabangan ko siya doon kapag nakalabas na siya. Parang kikidnapin na rin ganon.

Mga ilang minuto pa ang lumipas bago ko nakita ang pamilyar na babae. May kaunting sinabi lang siya sa nurse na nakausap ko at umalis na rin sa loob. Saktong paglabas niya ay hinatak ko ang braso niya at tinakpan ang kanyang bibig. Para talagang nangkikidnap ganon.

Naramdaman ko ang panginginig niya sa hawak ko kaya pumunta ako sa mga puno sa gilid ng daan para walang makakita sa amin.

Nandidiri kong inalis ang kamay ko sa bibig niya dahil kaunting may nasamang laway doon. Hinarap ko siya sa akin at kita ko ang takot sa kanyang itsura kahit nakapikit ang kanyang mga mata.

"Parang awa niyo na! Wag niyo akong patayin! Pakiusap!" Humahagulgol niyang saad kaya napairap ako. Hindi ko naman siya papatayin, duh. Kailangan ko siya para sa imbestigasyon.

"Hindi kita papatayin kaya huminto ka na kakangawa diyan," masungit kong wika kaya napadilat siya at napatingin sa akin. Nanlaki ang mga mata niya ng makita ang mukha ko. Bakit? Mukha ba akong multo?

"K-le-"

"Klein, ayos na?"

Huminga siya ng malalim at napaiwas ng tingin sa akin dahil na siguro ang sama ng tingin ko. Sensya na, nasanay lang.

"Itatanong mo ba kung anong ibig sabihin ng nakita mo?" Pangunguna niya sa akin.

"Hindi. Itatanong ko kung anong koneksyon mo sa baliw na 'yon. Pero siguro parang ganon na nga," sagot ko kaya sandaling dumaan ang pagkagulo sa itsura niya.

Bumuntong hininga na lang siya at tumingin ulit sa paligid.

"Sino bang inaabangan mo? May tinataguan ka ba? May papatay ba sa'yo?" Sunod-sunod kong tanong kaya bumakas ang gulat sa mukha niya. Naging uneasy ang itsura niya kaya alam ko na ang sagot. Bakit kaya? Siguro dahil may koneksyon siya kay Aurora? Eh ano naman, 'di ba? May atraso ba si Aurora at siya ang nagbabayad?

"Halika, sundan mo ako at may alam akong lugar na pwede tayong mag-usap," wika niya at naglakad sa direksyon kung saan nakita ko siyang papunta pa lang sa asylum.

Siguro parang lakad takbo na rin ang ginawa namin bago makasakay sa tricycle. May sinabi siyang address na hindi ko na pinakinggan tutal pupunta na rin naman kami doon.

"Ako nga pa-"

"Aibileen Almez, natanong ko na sa nurse sa asylum."

Nakita ko ang pananahimik niya dahil sa ginawa ko. Ayoko munang magsalita siya dahil baka maubos ang laway niya at hindi niya pa makwento sa akin ang kailangan kong malaman.

Halos fifteen minutes din kaming nagbyabyahe papunta sa hindi ko alam at napadpad kami sa isang hindi pamilyar na kalye.

Patakbo siyang pumunta sa isang bahay na bandang bungad lang at binukas ang gate na mukhang bagong-bago pa. Simple lang naman ang bahay pero mukhang bagong gawa kaya mas umangat ang itsura niya kaysa sa mga katabi niyang bahay.

Pumasok kami sa loob at binukas niya ang ilaw sa sala. Hindi ko na siya sinundan ng pumasok siya sa isang kwarto na siguro ay tulugan niya dahil tinatamad na rin ako kakasunod. Napahinga ako ng maluwag ng sa wakas ay nakaupo na rin ako at nakapagpahinga mula kanina.

"Dito!" Rinig kong sigaw ni Aibileen kaya napairap ako. Gusto ko pa magpahinga kaso kailangan na naman magpagod ng utak ko. Teka, may utak ba ko?

Pumasok ako sa kwarto at napanganga dahil sa dami ng papel na may mahabang nakasulat sa kanyang higaan. Mukhang pages ng isang diary dahil pare-pareho ang itsura ng mga papel. Wag niyang sabihin lahat niyan ay babasahin ko!

"Iyan na," hinihingal niyang saad na may maliit na ngiti sa kanyang labi.

"Basahin mo na ang kwento ng sinasabi mong baliw, kwento ni Aurora Gonzaga."

* * *
Author's note:

Long time no update, 'no? Unti-unti ng isinisiwalat ang katotohanan sa mga papel na mababasa ni Klein. Thoughts/suggestions about the story? Feel free to express it. At sa muling pagkikita ay sana makita ko pa kayo! Lovelots.

Candle in the Water | ✓Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora