Chapter 20

38 4 3
                                    

Nanatili lang akong tahimik at nakangiti sa nakikita ngayon.

"You like it?" He asked.

"Are you serious?! I love it!" Masaya kong wika at parang nakalimutan ang mga nangyari kanina. Seriously, beautiful is not enough to describe anything I'm seeing right now.

"Yeah, beautiful, I love it too," he said. Napatingin ako sa kanya ngunit doon ko lang napagtantong sa akin siya nakatingin. Agad siyang umiwas ng tingin at nakita ko ang paglikot ng kanyang mata. Such a cute guy I have here.

Dinala ako ni Chris sa isang bench na mukhang matagal nang nakatayo doon dahil sa kalawang na nakapalibot sa bakal at mga dahong nakahiga sa upuan nito. Pinagmasdan namin kung paano umagos ang malinis na tubig pababa. Maliit lang ang waterfalls na ito ngunit nagniningning siya sa paningin namin.

"You love him, right?" Bigla niyang pag-oopen ng topic kaya napahinto ako sa pagtingin sa paligid. Napatingin ako sa kanya pero nakatingin lang siya sa harap na parang ang lalim ng iniisip.

"Importante pa ba 'yon? Wala rin namang kwenta itong nararamdaman ko." Mapakla akong tumawa at umiwas ng tingin. Ramdam kong tumitig siya sa akin. Naramdaman ko ang paglandas ng luha sa aking mata kaya agad akong tumingala. Nakakahiya naman! Umiyak pa ako sa harapan niya.

Nagulat ako dahil naramdaman ko ang kanyang mga bisig na nagbigay ng komportableng pakiramdam sa nanlalamig kong katawan.

Sana maibsan din ng init na ito ang aking puso.

"Cry so you can let it out, Ley," mahina niyang wika kaya tuluyan na akong naluha. Hindi ko mapigilang mapahagulgol dahil ngayon lang ako nakapaglabas ng lahat-lahat ng sakit na naipon sa puso ko. I'm so fucking hurt and no one can help me, even Klein, because I know she's going to suffer too. Ayokong dagdagan pa ang problema niya at ayokong mag-open kay Elias dahil baka mabugbog niya lang si Vince. I know him, bigla lang iyong susugod. Mongoloid kasi.

Ilang minuto ang nagtagal bago ako tumahan pero nanatili siyang nakayakap sa akin, dinadamayan ako sa kadramahan ko sa buhay.

"If I told you this, lalayuan mo kaya ako? Tatanggapin mo kaya ako?" Biglang mahina niyang tanong kaya nagtaka ako. Ano kayang tinutukoy niya?

Bumitaw ako sa pagkakayakap at nakita ang mga misteryosong asul na mata niya na nakatitig sa akin. Nababalot ito ng iba't ibang emosyon pero nangingibabaw ang lungkot.

"Anong sinasabi mo, Chris? Anong sasabihin mo?" Naguguluhan kong tanong kaya napabuntong hininga siya.

"H-hailey, what if I said I like you or I love you? What will be your answer? A big NO, right? So what's the point on saying that when in the first place, I'm just a pathetic loser in this game called love."

Napatulala ako sa kanyang sinabi at biglang tumigil ang pagproseso ng impormasyon sa utak ko. Nakita ko ang nerbyos at pagkadismaya sa kanyang mata.

"Sige."

Teka, anong 'sige' ang sinasabi at lumalabas sa bibig mo, Hailey?! Are you out of your mind?

But why don't you give a try?

Pero baka masaktan ko lang siya at si Vince pa rin ang mangibabaw sa puso ko.

Hindi masamang sumugal, hindi ba? Na sa'yo naman ang desisyon kung sasaktan mo siya o hindi.

Bumuntong hininga ako dahil para akong tangang nakikipag-usap sa sarili. Tumingin ako sa mga mata niyang parang naguluhan.

"Sige, pipilitin ko siyang kalimutan, please, tulungan mo ako," naiiyak kong wika pero ngumiti lang siya at marahang hinaplos ang buhok ko.

"I will, and I'm willing to do it anyway." He smiled and suddenly, I feel so guilty and absent minded. Parang mali ang ginagawa ko o talagang mali. Hindi niya deserve ako, mas may deserving pa sa kanya pero paano ko pa 'to mababawi kung nagdulot naman ito ng sobrang saya sa kanya. I don't want to ruin those f*cking pretty smiles of him. Kahit alam kong ginagawa ko lang siyang panakip butas.

"Halika na, baka hinahanap na tayo ni Lili," saad niya kaya napatango lang ako.

Bumalik kami sa kotse at hindi pa rin matanggal ang ngiti sa labi ni Chris. How can I resist those boyish smile of him? He's so gwapo talaga. I don't know why he's head over heels on me, like seriously, I'm just a typical beautiful girl, duh. Maybe it's because of magical Hailey's charm, just kidding.

"May bitak na ang gilid ng labi mo," wika ko kaya tumingin siya sa akin. Kumunot ang noo niya sa sinabi ko kaya natawa ako.

"Kanina ka pa nakangiti, kulang na lang ay mapunit ang labi mo," paglilinaw ko kaya napakamot siya ng ulo. Those small gestures he always does are really cute.

"I'm sorry, I'm just really happy right now." He chuckled and stop the engine of the car when we reached my house.

"Bawiin ko na nga," pairap kong saad na parang kalahating totoo na rin.

"Ibaba mo na nga lang ako," utos ko sa kanya kaya kinuha niya ang wheelchair sa likod ng kotse. Binuksan niya agad ang pinto ng kotse at tinulungan ako. Akala ko ay hahawakan niya lang ang braso ko pero binuhat niya akong parang pangbridal shower.

"Pwede mo naman akong tulungan na hawak lang ang braso ko." Pagrereklamo ko pero nagkibit balikat lang siya.

"Mas madali kung bubuhatin kita."

"Paano kung nahulog ako?! Sapul ang ulo ko sa daan! Ano?! Ospital na naman!"

"Don't worry, kapag nahulog ka, sasapuhin kita dahil ayokong masaktan ka ng sahig at maiwan kang luhaan," banat niya kaya napalingon akong diretsyo sa mga mata niya. Mukhang seryoso na hindi siya sa sinabi niya.

Nagsisimula pa lang siyang gumalaw para kunin ang puso ko pero parang hihimatayin na ako sa kilig.

Si Chris ba talaga 'to?!

Kung sana si Vince na lang ang nagsabi ay baka naospital na ako sa panginginig sa kilig.

Napakurap ako ng makarating na kami sa gate. Sumalubong si Ate Lorrince na may mapanuksong ngiti kaya sinamaan ko siya ng tingin. Alam ko na agad ang nasa isip niya.

"Salamat sa paglilibot at paghatid sa kanya, Sir Evangeline," magalang niyang saad pero bakas sa mukha niya ang pagpipigil na tumili.

"Walang anuman, basta si Hailey gagawin ko ang lahat," banat na naman niya kaya namula na ako at napasapo ng noo dahil mahinang tumili si Ate Lorrince. Hindi naman siya halatang kinikilig, ano.

"Sige, pasok na ako, bye. Ingat ka," mahina kong wika kaya ngumiti siya ng malaki.

"Ingat, mamahalin pa kita," saad niya at naglaho na sa gate namin.

"OMG?! HAILEY!" tili ni Ate at nagpapadyak pa. Nakakatawang nakakainis siyang panoorin.

"Hindi ka naman halatang kinikilig," natatawa kong wika pero bigla akong inirapan. Kay mood swings din ata.

Pumasok na kami sa loob at dumiretsyo na ako sa kwarto para makapagpahinga.

* * *
Author's note:

Any request or corrections? I'm looking for feedbacks and don't forget to vote & comment! Done editing.

Candle in the Water | ✓Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt