Chapter 38

21 1 0
                                    

Klein's POV

Naramdaman ko ang bigat ng pakiramdam ko at para bang nangawit ang katawan ko sa pagkakahiga. Unti-unti akong dumilat at nasilaw sa liwanag ng kwarto. Hindi ko na huhulaan kung nasaan ako.

"OMG! CARTEEEEEEER! COME HERE!" nakakarinding sigaw ng isang pamilyar na boses. F*ck, mas lalong sumakit ang ulo ko doon.

"Klein?!" Rinig kong tinig naman ng isang nakakairitang lalaki. Ang ingay grabe!

Bumangon ako sa pagkakahiga ko at napatingin kay Angel na nasa gilid at si Carter na papalapit na sa akin.

Nanlaki ang mga mata ko ng agad niya akong sinunggaban ng halik. Nagtagal ng ilang minuto ito pero nanatili akong nakatunganga sa kanyang nakangiting mukha. Ipinalupot niya ang kanyang kamay sa aking bewang. Hinalikan niya muli ako kaya nagising ako sa ulirat.

"What the hell?!" Inis kong saad at hinampas siya pero mahina lang dahil wala pa akong lakas. Para bang tambol ang dibdib ko at hindi matigil ang pagtibok nito ng malakas. Para akong hihimatayin sa kilig dito pero syempre hindi ko ipapakita.

Tumawa siya at tumabi pa sa akin. Sinabunutan ko ang buhok niya na ikinadaing niya.

"Sige! Ulitin mo pa at papaikutin ko na iyang ulo mo," pagbabanta ko pero tumawa pa siya. Napahinto ako ng mapansin si Angel na nakatingin sa amin na parang nasisiyahan pa.

P*ta?! Nakita niyang hinalikan ako ni Carter?! WHAT THE HECK?!

"Why are you looking at me like that?" Masungit niyang tanong kaya napairap ako. Sinamaan ko ng tingin si Carter na ngayo'y nagtataka.

"Hinalikan mo pa talaga ako sa harap ng GIRLFRIEND MO?!" Pasigaw kong sabi at idiniin ang 'girlfriend mo'.

Tumawa siya ng malakas at tumawa rin si Angel. Ay, hindi ba ako updated na usong tumawa ngayon?

"She's not my girlfriend or maybe yeah, she's my fake girlfriend before. Pero ngayong alam kong mahal mo na ako, then she's not my girlfriend anymore," paliwanag niya kaya natameme ako. Hindi naman ako nasabihan na uso pa pala iyon. One year ba akong natulog?

"So anong ganap ng kulugong 'yan sa buhay mo?" Tanong ko at nakita kong napasimangot si Angel.

"I'm not a kulugo! Maybe you!" Pairap niyang sagot sa akin pero isiniwalang bahala ko na lang ang sinabi niya.

"She's my bestfriend at kailangan na ni Tita Jein na malamang gising ka na," sabi ni Carter na ikinakunot ng noo ko.

Bakit si Tita Jein tinatawag niya? Hindi ba dapat ay si Mom?

"Why? Anong kailangan mo sa kanya?" Tanong ko pero para bang may naalala siya kaya biglang ngumiti ng malaki.

"Because she's your mom," kaswal nitong saad na ikinalaki ng mata ko. What?! Ay, oo nga pala at kapatid ko talaga si Sharien at Chris.

Pero bakit hindi ipinapakilala ni Tita Jein err Mom pala na anak niya rin si Sharien?

"So...magkapatid kayo ng bruhang iyan?" Tanong ko kaya lumapit na talaga si Angel.

"Kapag hindi pa ako nakapagtimpi tutusukin ko na iyang bibig mo! Stop calling me with that words! Bitch!" Inis nitong sigaw kaya pinigilan na siya ni Carter.

"Fine," pairap kong wika at napatingin sa pinto na biglang bumukas.

"Klein! Thank God you're awake!" Masayang sabi ni Tita Jein at niyakap ako.

Pumasok na rin si Chris sa kwarto at ngumiti lang sa akin. Napakaano talaga ng lalaking 'to!

Si Hailey kaya nasaan na? Hindi ko na siya nakita pa at wala na akong balita sa kanya. Baka pati iyon nakidnap na.

Humiwalay na sa akin si Tita Jein at ngumiti ng matamis.

"Kaya pala iba ang pakiramdam ko sa iyo! Ikaw pala ang totoo kong anak," naiiyak niyang saad at hinaplos ang aking buhok.

Narinig ko ang pagbukas ng pinto at lumabas na si Carter at Angel.

"That's why naalala kita lagi sa tatay mo. Everytime I look at you, iniiwasan kong isipin na ikaw ang anak ko kaysa kay Angel. Then, nangyari ito, nabunyag ng pamilya natin at ng mga Castillion ang sikretong matagal nang itinago sa atin."

"Sino ba ang tatay ko?" Tanong ko na ikinatigil niya ng kaunti.

"Soon ipapakilala na kita sa kanya," may pagkamahina niyang saad at ngumiti sa akin.

"Eto oh! May pasta, garlic bread, fried chicken and salad dito. Meron ding fruits kung gusto mo," sabi niya at bigla akong natakam. Nakita ko ang mga pagkain na nakalagay sa tupperware. Ang bango pa!

Kumain kami ng sabay at doon ko lang napansin si Chris na nasa gilid at natutulog. Taksyapo talagang lalaki na 'to! Sarap hambalusin ng dextrose!

* * *

Done editing.

Candle in the Water | ✓Where stories live. Discover now