Chapter 22

19 4 0
                                    

Pasimple ko siyang inirapan at pabagsak na sumandal sa upuan. Nagchikahan ng kaunti silang matatanda at minsan ay nakikisali pa ang higad.

"I forgot to introduce you my daughter, Mrs. Herwina this is Klein, and Klein she is Mrs. Herwina Atienza," pakilala ni Mom sa babae at nagkamayan kami kahit nandidiri ako. Mas lalong hindi ako payag sa beso dahil baka sa mukha ko mapunta ang germs.

"And she's Camille Buenavista, her nephew," pakilala niya naman kay Camille at iniabot naman ni Camille ang kanyang kamay sa harap ko. Unti-unti ko itong mahigpit na hinawakan na tipong mambabali na ng buto.

"Nice meeting you...Camille," nakangisi kong wika pero ibinalik lang niya ang ngisi sa akin. Magandang sana kung sinabi ko, "Nice killing you...Camille." Kaso nga lang baka mapahiya pa ang Castillion dahil sa akin.

"You too, Klein." Iba ang tono ng kanyang pagkakasabi kaya nadiinan ko pa nang mas mahigpit ang kamay niya.

"Ouch!" Pasigaw niya kaya binitawan ko na ang kamay niya.

"Oh why? Is there something wrong?" Nag-aalala kong tanong pero gusto kong tumawa na parang demonyo ngayon. Ano ngayon? Hindi ka makapagtaray dahil nandito ang tita mo at ang mga Castillion?

"I'm alright, if you excuse me, I'm going to restroom." She walked out while grasping her hand and I hid my grin.

Naubos lang ang oras na kumakain ako at nakikinig sa usapan ng dalawang babae. Nakisali na rin si Dad at nanatiling tahimik si Carter noong nakabalik siya galing sa restroom. Hindi ko na siya pinansin dahil alam kong iniiwasan niya ako kaya bakit ko pa ipagpipilitan ang may ayaw sa akin?

"If you're bored na, pwede kayong lumibot sa garden doon sa likod ng restaurant because I reserved that part for us," biglang wika ni Mom kaya napangiti ako. Siguro ay tahimik doon at magandang pahingahan.

"Sige, aalis na ako," wika ko at tumango lang siya. Agad na akong pumunta doon at inalalayan naman ako ng isang waitress kung saan ang daan. Agad kong inalis ang mga heels at umapak sa luntiang damo na halatang alagang alaga. May isa ring puno sa gilid na parang matagal ng nakatayo doon dahil sa mga ugat na umangat na sa lupa. May man made na sapa na mababa lang  at sa gitna nito ay may tulay. Maliwanag pa sa loob at may mga ibong nakadapo sa mga sanga.

Agad akong tumakbo papuntang puno at sumandal dito. Isinandal ko ang mga kamay ko sa likuran ng batok ko at pumikit. Makakatulog na sana ako pero may naramdaman akong tumakip sa liwanag. Napadilat ang mga mata ko at kanyang walang emosyong mata ang tumitig sa akin.

"Umaano ka rito?" Kaswal kong tanong at pumikit muli pero nanatili ang isip ko sa kanya.

"Hindi lang sa'yo nireserved ang lugar na 'to," masungit niyang sagot at ramdam kong humakbang na siya paalis sa harap ko dahil lumiwanag ulit.

Dumilat ako at gumilid pero maling desisyon pala ang nagawa ko. Naramdaman ko ang malambot na bagay na dumampi sa labi ko kaya nanlaki ang mga mata ko dahil sa gulat ng makita ang mga nakatitig na mata ni Carter sa akin. May sinasabi ito ngunit hindi ko maintindihan, pinipigilan niya.

Hihiwalay na sana ako sa pagkakadampi sa kanyang labi ngunit agad na pumulupot ang kanyang kamay sa aking bewang. Gumalaw ang labi niya habang nakapikit ang kanyang mga mata. Unti-unti akong inagos ng damdamin at napapikit na lang. Dinadama ang kanyang malambot na labi sa akin at sinabayan ang intensidad nito. Naubusan na ako ng hininga kaya unti-unti akong humiwalay. Nagkatitigan kami at hindi ko maipaliwanag ang umaagos na emosyon sa kanyang mga mata.

"I miss you, my Klein."

Agad akong napahiwalay ng mapagtanto ang nangyari.

Nakipaghalikan ako sa sarili kong kapatid.

Tumayo ako sa aking pwesto at tumakbo hawak-hawak ang heels sa kamay ko. Malakas na kumakabog ang puso ko na kulang na lang ay lumabas ito sa aking dibdib.

Pumasok ako sa restroom at naglock sa isang cubicle. Agad akong napahinga ng maluwag dahil nawala na ako doon.

"I miss you, my Klein."

Anong tinutukoy niya? Lagi naman kaming nagkikita. Hindi ko alam kung ano ang pinakaibig niyang sabihin. Ano bang nangyayari sa sarili ko at sumabay ako sa siraulong bagay na 'yon?! Nakipaghalikan ako sa kapatid ko! Sinong hindi mahihiya roon?!

Lumabas na ako sa cubicle at tinignan ang sarili sa salamin. Mabuti na lang ay walang tao dahil mukha akong t*nga. Agad kong pinunasan ang aking labi at inayos ang buhok kong nagulo dahil sa nangyari kanina.

"Stop it Klein! Kapatid mo siya!" Madiin kong wika habang kausap ang sarili sa salamin.

Don't deny it, l know you love it so much.

"Bwisit!" Inis kong saad at lumabas na ng restroom. Agad akong dumiretsyo sa table namin at wala pa si Carter. Mabuti naman.

Umuwi kami sa bahay na katahimikan ang dinadala. Bigla ring nawala si Carter sa restaurant at hindi namin siya kasabay umuwi. Hindi na ako nagsalita at hindi ko na sila pinakialaman. Agad akong umakyat papuntang kwarto pero hinarang ako ni Klara sa bandang unahan ng hagdanan.

"Anong nangyari?! Meron bang kakaibang-"

"Wala, tigilan mo ako," masungit kong wika at nagpatuloy sa pag-akyat pero pinigilan niya ulit ako.

"Oh my gosh! Your lips is swo-"

Agad kong tinakpan ang bibig niya at dinala siya sa kwarto.

"Pwede ba?! Hindi lang tayo ang tao dito!" Inis kong saad at ginulo ang buhok. Nilapag ko ang mga gamit na dinala ko at nilagay sa kama. Pero patuloy pa rin akong kinukulit ni Klara.

"Hoy! Sagutin mo nga kasi ako! Sino iyong lalaking nanghalik sa'yo! Ang swerte naman niya!"

"Shut the-"

"WHAT?! AND WHO'S THAT LAPASTANGAN?!"

* * *

Author's note:

I'm sorry kung hindi na ako nakakapag-update lagi. Busy lang talaga sa school and you know nag-aadjust pa ako sa schedules. Hope you can understand. Done editing.

Candle in the Water | ✓Where stories live. Discover now