E p i l o g u e

30 1 0
                                    


Nanlalamig at namamawis ang mga kamay ko ngayon at pilit itong ipinupunas sa gown ko. Kasama ko ang mga make up artist sa loob at katatapos lang nila akong ayusin. Tinignan ko ulit ang gown na ako mismo ang nagdesign. Galing ko, 'no?

"Ms. Evangeline, mag-uumpisa na po," sabi ng babaeng nakaformal na suit. Huminga ako ng malalim at nagsimulang maglakad papalabas ng kwarto. Tunog ng takong ko ang naririnig sa makintab na tiles ng hallway. Habang papalapit nang papalapit sa malaking pinto ay mas lalo akong kinabahan. Tumingin ako sa babaeng nakaformal suit na ngumiti sa akin.

"Congrats po ma'am," saad niya bago ako iwan sa tapat ng pinto. Pinakinggan ko ang ingay sa loob ng pinto.

"...Ms. Klein Evangeline!"

Huminga ako ng malalim at itinulak ang mabigat na pinto. Muntik na akong masilaw dahil sa dami ng camera. I still composed myself though. Maingat akong naglakad sa gitna at lahat sila ay nakatingin sa akin na para bang manghang mangha. Siguro naman ay matino ngayon ang itsura ko at hindi mukhang natatae.

Agad akong napangiti nang makita ang lalaking ilang araw ko ring hindi nakita. Nasa harapan siya at malaki ang ngiti sa labi. Nakaupo rin sa unahan sa kaliwang gilid ang pamilya ko at pamilya ng mahal ko.

Pagkalapit ko sa kanya ay mahigpit niyang hinawakan ang nanlalamig kong kamay. Sa gitna ng mga mata ng tao, para bang siya lang ang taong gusto kong tignan. Inilapit niya ang kanyang bibig sa aking tenga.

"It's alright." Ngumiti lang ako sa kanya habang tinutulungan niya akong umakyat sa hagdanan sa gilid ng stage. Naabutan ko ang emcee na nakatingin sa amin at may malaking ngiti sa labi.

Tuluyan na akong nakaakyat sa stage at bumaba na rin si Carter sa hagdanan. Hinarap ko ang maraming tao na alam kong balang araw ay gagawin ko at nangyayari na nga ngayon. Nakita kong tumayo si Mom sa kanyang upuan at sinamahan ako sa stage. Ngumiti siya sa akin at tinabihan ako. Binigay sa kanya ng emcee ang isa pang microphone pati na rin ako.

"And now I introduce you the new Chief Executive Officer of Evangeline's company, Royal Village, Ms. Klein Evangeline."

Pagkatapos sabihin ang mga katagang iyon ni Mom, alam kong sa akin na nakaatang ang lahat ng responsibilidad. Ngumiti ako sa harap ng mga camera na patuloy akong kinukuhanan. Nakipagkamay ako kay Mom at ibinigay niya sa akin ang contract at bulaklak. Kinuhanan kami ng picture ni Mom bago siya bumaba sa stage. Pumunta ako sa stand kung saan ako mag-e-speech. Kahit nanginginig ang kamay ko sa kaba ay nagsimula akong magsalita habang nakatingin sa mga naging inspirasyon ko para makapunta rito.

"First of all, I want to thank my family for trusting me to handle this company. For Mrs. Jein Evangeline, my mom, thank you for everything and for every challenges we faced together and to my brother, Mr. Christopher Evangeline for helping me to be here..."

Tumingin ako kay Chris na ngayon ay nakangiti lang sa akin at nag-thumbs up. Tumingin din ako kay Mom na ngayon ay naiiyak na sa kanyang pwesto. Inalo siya ni Tita Eina na ngayon ay masayang nakatingin sa akin. Para sa akin ay sapat na si Mom kaysa hanapin ko pa kung saang lupalop napunta ang tatay ko. Ayaw pa rin kasing sabihin sa akin ni Mom kung sino ang tatay ko pero nagkakaroon na rin ako ng clue.

"To my friends who helped me to be who I am today..."

Tumingin ako kay Hailey na ngayon ay parang titili na. Katabi niya si Vince na ang tagal ko ng hindi nakita. Hindi ko pa rin alam kung saan napunta 'yon. Katabi rin ni Hailey ang tatay niya kasama rin ang nanay niya. Mabuti nga at naging maayos na ang relasyon ng magulang niya.

"To my first family, Anderson Family for loving me despite of what happened before..."

Kumaway sa akin si Klara. Naalala ko pa ngang natagpuan sila sa katabing bahay noong kinidnap ako ng bruhang Ericka na iyon. Wala namang nangyaring masama sa kanila maliban sa iilang sugat na natamo nila.

"To my bestfriend, Cole Alejandro that saved me from the tragedy happened few years ago..."

And I hope he's still here, having his big smile and proud look in his face. I miss my brother, I miss my savior.

"And lastly, to Mrs. and Mr. Castillion's son, Mr. Carter Castillion..."

Naghiyawan ang iba dahil sa sinabi ko. Natatawa ko siyang tinignan dahil sa kanya na nabaling ang atensyon ng mga tao. Tumayo siya sa pagkakaupo at umakyat sa hagdanan. Hindi ko talaga inaasahan ang nangyayari ngayon dahil alam ko ay mag-e-speech lang talaga ako. Pagkarating sa tabi ko ay ipinulupot niya ang kanyang braso sa aking bewang. Kitang-kita ko sa mga mata niya ang saya.

Binigyan siya ng microphone ng isang staff.

"And thank you also Ms. Evangeline for making my life happy..."

Kung wala lang talagang camera na nakabantay ay hinalikan ko na siya agad kaso baka masabihan pa akong wild.

"I will love you forever." Hinalikan na niya ako habang nakatingin ang buong tao sa amin. Malandi talaga kahit sa harap ng maraming tao. Tinugon ko iyon at agad ding tinapos. Nahihiyawan ang iba mas lalo na ang mga kaibigan namin.

Tumingin ulit ako sa harap para maiwasan ang malagkit na tingin ni Carter sa akin. Baka wala sa oras na hubara- este batukan ko siya sa harap ng maraming tao.

"And for every people who supports me, thank you. I will not waste your trust and my words. I will do everything to keep the company on top," saad ko at lahat sila ay nagsitayuan para palakpakan ako. Lahat sila ay nakangiti at masayang nakatingin sa naabot ko ngayon. Maingay ang bawat click ng camera sa mga cellphone at sa mga reporters.

I ended my speech with that words. I looked at my man beside me. He kept his gaze at me like I already owned his eyes. I can't believe it, we ended up with each other after those threats and dangers we received. He stayed in my side just like now.

Natapos na rin ang lahat ng nakaraang problema at alam kong hindi pa tapos. I ended the old irresponsible Klein here but it will be the beginning of the new Klein. Ako na ang inatasang hawakan ang malaking responsibilidad na ito.

Doon ko lang narealize na ang akala kong kasiyahan ko ay unang parte pa lang ng buhay ko. Kailangan ko pa lang umakyat pa para makita ang totoong kasiyahan. Kailangan kong idilat ang mga mata ko sa katotohanang hindi ako makakaahon sa nakaraan kung hindi ako lalangoy. Akala ko pa naman na ang hindi pag-iyak at pagiging superior sa iba ang magpapalakas sa akin pero nagkamali ako, ang hina-hina ko pala. Lagi kong tinatakasan ang nakaraan kaya patuloy nito akong hinahabol. Pero ngayon, hinarap ko ito kasama ang pamilya ko at ang lalaking katabi ko ngayon. I thought everything will make us apart but we fought that everything.

"I'm happy you're successful now, my love," saad ni Carter at hinalikan ako ng sandali.

"I'm happy you're still here, Carter," wika ko at niyakap siya.

My life is always at danger but they saved me, Cole saved me, and Carter saved me too. They are my true heroes and I'm forever thankful for that. After what happened to us, if his fire touched my water, it's still flaring.

He's like the fire on the candle and I'm like the water in the sea. We can't be together but we did everything to be.

E N D

* * *
Author's note:

Finally after 1 year, 7 months, 2 weeks and 2 days I finished this story. Ang tagal ko raw kasing mag-update. Sorry naman at maraming school works and home chores akong inuuna. And guys, natupad ko na ang pangarap kong matapos ito, after all, ito rin ang first story ko sa account na ito. And hell, ang hirap magsulat ng novel kaya ang tagal kong nagsusulat.

Sorry for some boring parts 'coz my brain is not functioning well at that time but I still tried to update. Sana nagustuhan niyo ito at hindi ko inubos ang oras niyo sa pagbabasa nito. Thank you for supporting and reading my novel ♡ See you at my other stories.

Candle in the Water | ✓Where stories live. Discover now