Chapter 45

6 1 0
                                    

Hailey's POV

Ilang buwan na ang lumipas ng huli kong makita ang mga anak ng kabit ng tatay ko. Isang araw din ay nalaman kong nagpadala si Mommy ng letter of annulment kay Papa. Hindi ko kayang makita silang maghiwalay. Ayoko, gusto ko pang maayos lahat ng 'to. Alam kong may pag-asa pa.

Nakatanaw ako sa bintana sa kwarto ko at iniisip kung anong gagawin ko upang maayos ang lahat. Nagpakalunod na lang sa trabaho si Mommy kaya pag-uwi niya ng bahay ay kailangan ko pa siyang tulungan alagaan ang sarili niya.

Ang sabi sa akin ni Mommy na titira na kami sa America dahil doon daw ako ipapagamot para gumaling na ako ka agad. Matagal na rin naman noong nakapag-ayos kami ng papeles tungkol doon pero hindi pa namin tinutuloy dahil laging may pumipigil sa amin. Nakapag-ayos na rin kami ng gamit kaya sa isang araw na kami aalis. Gusto kong umalis pero may isang parte sa isip kong ayaw iwan ang mga taong naging parte na ng buhay ko dito. Kahit pa sinaktan na nila ako.

"Hailey," mahinang tawag sa akin ni Ate Lorrince na para bang may gusto siyang sabihing masamang balita. Napatingin lang ako sa kanya ng saglit at lumingon na ulit sa bintana. Ayoko munang makarinig ng balita tungkol sa kahit anong bagay.

"Nandito si Klein..."

Napatingin ako sa taas at pinipigilang tumulo ang luha ko. Ayoko silang makita, gusto ko munang mapag-isa.

"Hailey, aalis na kayo sa isang araw. Hindi mo pa ba siya pagbibigyan?"

"Pero hindi ko pa siya kayang harapin," parang batang saad ko kaya narinig ko ang pagbuntong hininga ni Ate Lorrince.

"Kailan mo siya o sila haharapin? Kapag paalis ka na? Kapag wala ka ng oras para maayos ang lahat? Hailey, papaano mo aayusin ang problema niyo ng parents mo kung sa mga kaibigan mo pa lang ay hindi mo na kayang iayos?"

Hindi ako sumagot sa kanya kaya nakita kong napailing na lang siya. Papaalis na sana siya sa kwarto ng pigilan ko siya. Siguro, siguro tama ang sinabi niya. Siguro kailangan ko ng tanggapin ang nangyari dahil wala na akong magagawa pa.

"Sige Ate, susubukan ko," pahayag ko kaya napangiti siya. Agad ding siyang umalis kaya kinabahan na ako sa pwede kong masabi. Baka kasi mag-away lang kami at maubos lang ang oras ko.

Ilang minutong nanahimik ang kwarto ko bago ko narinig ang paglangitngit ng pinto. Hindi ako tumingin dahil baka kung ano lang ang magawa ko at mas lalong gumulo ang sitwasyon.

"Para kang pasyenteng walang bumibisita kaya nagmumukmok," biglang saad ng isang pamilyar na boses. Napairap na lang ako dahil sa kanyang sinabi. Kahit hindi kami magkasundo ngayon at nagawa niya pang magbiro. Ang lakas talaga!

"Anong kailangan mo?" Bungad kong tanong at humarap sa kanya. Nakita ko kung papaanong nagtransform ang itsura niya sa mapang-asar to seryoso look.

"Alam kong wala akong magagawa para maisaayos ang nasira ng nanay ko pero hayaan mong linawin ko na handa akong tanggapin ang lahat basta'y mapatawad niyo lang ako."

"Klein, alam mo namang mahirap, 'di ba? But I'm trying to understand the situation and to solve the problem. Nasaktan ako at kailangan ko ng space, mas lalo na sa pamilya mo. I'm sorry, I'm sorry for being a close minded person. Hindi kita inintindi at wala ka naman talagang kasalanan. Sadyang ang nanay mo lang talaga ang mahirap tanggapin."

Nakita ko sa mga mata niya na malapit na siyang umiyak kaya hindi ko napigilang lumuha. Agad ko itong pinunasan at ngumiti sa kanya. Siguro kahit mahirap man tanggapin na anak siya ng kabit ni Papa, wala na siyang kasalanan doon. Sa dami ng pinagdaanan niya para lang mapunta sa nanay niya, hindi ko siya masisisi kung wala siyang alam. Hindi tulad si Chris, alam kong mas may alam siya sa nangyayari.

Agad siyang lumapit sa akin at niyakap ako. Narinig ko ang mahihina niyang hikbi. Last time na nakita kong ganito si Klein ay noong mga bata pa kami. But now that she grew up being the toughest woman I met, I know she's still the girl with a soft heart before.

"I'm sorry for breaking Tita Aila's heart. I'm sorry for my mother's fault. Gagawin ko ang lahat para maayos ito," umiiyak niyang wika kaya hinigpitan ko ang pagkakayakap sa kanya. Me too, I'll do everything to make things right.

Humiwalay na siya sa akin at pinunasan ang luhang kanina pang umaagos sa kanyang mata. Malungkot siyang nakatingin sa akin at umupo sa kama ko. Para bang ang lalim ng iniisip niya.

"Hindi na ba kita mapipigilan?" Tanong niya at nahimig ko doon ang lungkot. Umiling lang ako bilang sagot. Kahit sana ang bagay lang na iyon ang makakatulong para maibsan ang sakit na nararamdaman ng mommy ko.

"Magpapagaling na rin ako doon. Wag kang mag-alala! Skype na lang tayo," natatawa kong saad pero hindi ko pa rin maiwasang malungkot dahil maiiwan ko dito si Klein. Deep inside, dito sa puso ko alam kong ayokong iwan si Chris.

"Nakausap mo na ba si Chris?" Malungkot na tanong ni Klein kaya napaiwas ako ng tingin. Gustuhin ko man pero hindi ko pa kaya. Gusto ko munang lumayo, kahit ngayon lang.

"Gusto ko munang space para makapag-isip, baka kung ano lang ang masabi ko sa kanya. Saka please Klein wag mong sasabihin sa kanya ang tungkol dito."

Napailing na lang siya at marahan na tinapik ang balikat ko. Ngumiti lang siya na para bang may ibig siyang sabihin doon.

"Kung ako sa'yo, habang may oras pa, wag kang patumpik-tumpik. Hindi malulutas ang isang problema kung walang gustong gumalaw. At saka baka may dahilan naman siya kung bakit niya iyon ginawa, minsan matuto ka ring makinig sa ingay ng paligid at hindi lang dapat isip mo ang pinapakinggan mo, ok?"

Napatitig lang ako sa kanya na para bang nagkaroon siya ng bilog sa taas ng ulo. Ngayon ko lang napansin na parang ibang iba na siya sa Klein na nakilala ko pagkatapos ng insidenteng nagpabato sa puso niya. Unti-unti na namang naaalis ang harang sa puso niya, and I'm happy for her.

"Aalis na ako, basta kapag umuwi ka na may pasalubong ako!" Wika niya kaya natawa na lang ako.

Hindi ko naman siya matatawag na kaibigan kung hindi ko siya maasahan.

* * *

Candle in the Water | ✓Onde histórias criam vida. Descubra agora