Chapter 14

34 5 2
                                    

"Leyley, may bisita ka raw. Hindi mo naman sinabing may manliligaw ka na! Nakakatampo ka," nakangusong reklamo ni Elias kaya tinulak ko ang noo niya gamit ang aking hintuturo.

"Shut up Lili! Sino ba 'yon?" Tanong ko pero mas lalo lang siyang sumimangot.

"Hanggang ngayon ba naman ay Lili pa rin ang tawag mo sa akin?! Elias kasi! Elias!" Pagtatama niya pero hindi ko na siya pinansin. Walang sense din naman kung makikipag-away ako sa isang mongoloid.

Tinulungan nila akong bumaba sa hagdanan at pumunta ako sa sala kung saan naghihintay ang bisita ko. Nagulat ako ng mapansing si Chris ang naghihintay. Anong kailangan niya at pumunta pa siya rito?

Nakakagulat din na wala siyang suot na salamin at ipinakita na naman niya ang asul niyang mga mata. Simple lang ang kanyang suot pero alam mong makisig ang kanyang katawan. Okay, what's happening?

"Hala, bakit pumunta ka pa rito? May kailangan ka ba? May gusto ka bang sabihin?" Agad kong tanong at nakita kong napakamot siya ng ulo.

"Dahil pala sa nangyari sa iyo, sinabi ni Ma'am Angeles na hindi na daw dula-dulaan ang gagawin natin. Gagawa na lang daw tayo ng voice video story para boses lang ang gagamitin." Hindi ko maiwasang mapasimangot dahil sa ibinalita niya. Wala talagang awa iyang si Ma'am Angeles! Hindi man lang ako ipagpahinga.

"Sige, ano pala ang topic?" Tanong ko at pinaupo siya sa sofa.

"Sa pagmamahal ng-"

"Toptop? Ikaw ba yan?!" Biglang sigaw ni Elias na pababa na sa hagdanan. Nanlaki ang mga mata ni Chris na parang may nakita siyang mongoloid. Oo nga pala, mongoloid talaga ang biglang sumisigaw na tao.

"Lili!" Natatawa niyang bati kaya pareho silang tumawa. Huh? Magkakilala sila? Talaga ba? Kaya pala parehong may saltik sa ulo.

"M-magkakilala kayo?" Naguguluhan kong tanong pero parang tinignan ako ni Elias na 'are-you-kidding-me-look?'.

"Malamang! We're bestfriends! Hindi mo ba siya naalala Leyley? Pero Top kapag niligawan mo si Ley, botong boto ako ha!" Bigla niyang saad kaya hinampas ko siya ng malakas. Napaaray tuloy siya at lumayo sa akin.

"Hindi ko alam na nakauwi ka na pero bakit hindi mo sinabi?" Tanong ni Chris na tinatawag niyang Toptop? Ang layo naman ng nickname niya. Ano 'yon? Chocotops? Gutom na ata sila.

"Pupunta na sana ako sa inyo pagkatapos kong bisitahin si Hailey pero may emergency na nangyari kay Mom and Dad tungkol sa company. Nakalimutan ko na rin na dumaan sa inyo," natatawa niyang saad kaya ngayon naman ay sinuntok siya sa mukha ni Chris. Woah!

"G*go ka talaga!" angil niya pero mas lalo lang tumawa si Elias.

"Fine, kayo na lang ang mag-usap," saad ko at paalis na sana ng pareho nilang hatakin ang likod ng wheel chair ko.

"Si Leyley naman tampo agad! Halika hug ka ng pinsan mong pogi," paglalambing nito na nakakasuka lang pakinggan at tignan.

"Baka pogita." Humalukipkip ako at tinignan siya ng masama.

"Nagseselos ka lang kasi ako na lang kinakausap ng manliligaw mo," pailing-iling niya pang saad kaya ng maabot ko siya ay agad kong binugbog ang braso niya.

"Aray! Aray, Ley! Stob it! Toptop tulungan mo ako! Binubugbog ako ng bebe loves mo!" Paawa effect niya kaya binatukan ko ulit siya. Tumatawa lang sa gilid si Chris na parang tuwang tuwa pang sinasaktan ko ang bestfriend niya.

"Baka gusto mo pang alugin ko ang utak mo para malaman mong hindi niya ko nililigawan, ha?!" Teka, may utak ba siya?

"Ang sasama niyo, pinuruhan niyo ang matcho kong braso! May biceps kaya 'yan!" Sabi pa niya at itinaas ito. Alam kong mayroon pero kadiri lang tignan.

"Ayos lang yan, Li, mangarap ka lang," wika ni Chris at parang nanalangin pa. Siya naman ang sinuntok ni Elias.

"Pero matanong nga, bakit Toptop? Ang layo sa Chris, 'no!"

"Well, my name is Christopher Allen Evangeline, if you can't remember," kibit balikat niyang wika kaya nanlaki ang mga mata ko. Seryoso? Walang halong biro o kulam? Ang laki na ng pinagbago niya! Bakit hindi ko man lang napansin iyon?! Siya si Allen!

"Alam ko na! Kilala na kita!" Pasigaw kong wika at tumawa ng malakas. Naalala ko bigla na siya iyong laging clumsy sa kanila na tipong dadaan lang siya sa table matatamaan na ang hinliliit ng paa niya at minsan ay kapag tumutulong siya sa pagluluto nila Yaya Feline dati ay mabibitawan niya ang kaldero at tatama sa paa niya. Kaya marami siyang sugat sa paa noon at may pagkasalahula tulad ni Elias pero mas ayos na siya kaysa sa pinsan kong mukhang alipunga.

"Bakit ka tumatawa? May nakakatawa?" Tanong niya habang nakakunot ang noo. Pati si Elias ay ganoon din ang reaksyon na parang sobrang weird ng ginawa ko.

"Naalala ko lang ang pagiging clumsy mo noon at pagiging salahula niyo ni Lili," saad ko at ngumiti ng malaki. Tumawa ako ng makita ang pamumula ni Chris at umiwas ng tingin sa akin.

"Sana pala hindi ko na lang pinaalala sa'yo," mahina niyang wika pero tinapik siya ni Elias sa balikat.

"Don't worry, Top. Past na iyon at ang importante, gwapo na tayo ngayon," taas babang kilay na saad ni Elias at ngumisi.

"Manahimik kang mongoloid ka!"

"Hala, grabe ka naman Ley! Sa gwapo kong 'to mongoloid lang? Nasaan ang hustisya?!"

"Pagtawag pa lang sa iyo ng gwapo, wala ng hustisya!"

"Tama na 'yan. Kailangan pa naming pag-usapan ang tungkol sa voice video story na kailangan naming gawin," pag-aawat ni Chris at tumayo na sa kanyang kinauupuan.

"Sa garden muna kami mag-uusap para walang abnormal na nanggugulo at para makapag-isip ako ng plot para sa kwento," saad ko nang makitang susunod na rin si Elias sa amin.

"Promise! Hindi ako mag-iingay!"

"Hay nako! Kotang kota na ako sa promise na 'yan! So please, shut your f*cking mouth."

"But-"

"Manang Jisel padala na lang po ng snacks ko na nasa kwarto at pakibigyan na rin po ang bisita!" Sigaw ko at inutusan kong itulak ni Chris ang wheel chair papuntang garden. Alam naman niya kung saan dahil tambay sila ni Elias doon.

Siguro mga siyam o sampung taong gulang pa lang ako noon?

Napatingin na lang ako sa mga paa ko na hindi ko man maramdaman at mailakad. Balang araw ay gagaling din ako, balang araw makakalakad din ako.

* * *

Author's note:

Nagpapasalamat ako kay LorrisLaurice dahil siya ang pinakaactive kong supporter. Love lots ♡ Done editing.

Candle in the Water | ✓Where stories live. Discover now