Chapter 9

52 5 3
                                    

"Ano na naman iyan, Hailey?" Kunot noong tanong ni Vince.

Bumuntong hininga ulit ako at napaiwas ng tingin sa kanya. Ayokong makita siyang nasasaktan, nahihirapan.

"Hindi mo ba napapansin sa simula pa lang?" Mahina kong tanong pero parang mas lalo pa siyang naguluhan.

"What? Alam mo, deretsyuhin mo na lang ako sa gusto-"

"Camille is a f*cking slit!" Sigaw ko dahil sa galit na nagpatahimik sa kanya. Nakita ko ang pagbabago ng itsura niya na parang nagalit sa sinabi ko.

"Kung magagalit ka, Go! I don't f*cking care because I know na nagsasabi ako ng totoo," nakapikit kong wika dahil natatakot ako sa magiging reaksyon niya.

"Kahit alam kong masakit ito sa part mo, kailangan kong sabihin. Noong araw na bago pa ako maaksidente, nakita ko sila sa gilid ng parking lot. Ginagawa iyong mga bagay na ayaw mo ng malaman. Kinuhanan ko sila ng video pero nahuli nila ako. Tumakbo ako papuntang kotse at habang nagmamaneho ako doon nangyari ang aksidente."

Nakita ko ang sakit sa mga mata niya at parang nalanta ang balikat. Umupo siya sa sofa at parang napatingin sa malayo.

"Vince..."

"I know, alam ko na iyang mga bagay na iyan, but I can't. I can't live without her sweet smile, without her soft laugh, without her hug, without her," mahina niyang saad at sobrang lungkot ng boses niya.

"Vince, minsan kailangan mo ring bumitaw. Hindi lahat ng oras kailangan mong lumaban. Paano ka mananalo kung pati siya bumibitaw na sa iyo? Paano ka lalaban kung mag-isa ka na lang sa paglaban sa relasyon niyo? You need to let her go, you need to move on," paliwanag ko sa kanya pero wala siyang imik. Parang nawala na ang kaluluwa niya sa loob ng katawan niya.

"Ang hirap, I need to fight for us! Hindi ako susuko, hindi ako basta-bastang bibitaw sa amin. Alam kong may pag-asa pa, I know mayroon pa," nagmamatigas niyang wika kaya napabuntong hininga ako. Martyr na ang g*go.

"Ano bang mayroon siya, ha? Gusto mo ng pagmamahal?! May iba pang taong pwedeng magbigay sa iyo! Hindi mo kailangang manlimos ng pagmamahal sa taong hindi naman kayang ibigay sa'yo iyon. Vince! Gumising ka naman, gumising ka na sa katotohanang hindi siya seryoso sa'yo. Bakit ka ba nagtitiis sa babaeng wala namang alam tungkol sa pag-ibig? Bakit hindi mo buksan ang mata mo para makita ang tunay na nagmamahal sa'yo?!" naluluha kong saad kaya napatingin siya sa akin. Nakatingin lang siya at walang buhay ang kanyang mga mata.

"Alam mo, mabuting pabayaan mo na lang kami. Labas ka sa problema namin. Wala kang karapatan para sabihin ang gagawin ko. Mahal ko siya at walang makapaghihiwalay sa amin. Just leave us alone. Ako na lang ang mag-aayos nito," malamig nitong wika sa akin.

Oo nga naman. Ano nga bang karapatan ko para sabihan siyang iwan ko ang mahal niya? Sino nga ba ako para sa kanya? I'm nothing for him. I'm just his bestfriend.

"Umalis ka na, gawin mo ang gusto mo. Gawin mo ang nais mo pero 'wag kang lalapit sa akin kapag narealize mo ang sinabi ko. Sino nga naman ba ako sa buhay mo? Go, pumunta ka na sa magaling mong Camille," mahinahon ang pagkakasabi ko pero bakas dito ang galit. Ayoko nang masaktan, tatapusin ko na ang lahat.

"H-hailey, hindi naman iyon-"

"Get out," mahinahon kong saad.

"Hailey, I'm so-"

"I SAID GET OUT!" sigaw ko at napahawak sa ulo kong biglang kumirot.

"Umalis ka na lang," mahina kong saad at pilit pinipigilan ang pagtulo ng aking luha. Narinig ko ang pagsara ng pinto kaya kusa ng tumulo ang mga luha ko.

Ang sakit, sobrang sakit.

Ilang minuto na ang lumipas at nanatiling tahimik ang kwarto. Paulit-ulit sa isip ko ang kanyang sinabi. May pumasok sa kwarto pero hindi ko na makita dahil sa paglalabo ng mata ko. Gusto ko lang naman na magising na siya sa katotohanang wala nang sila. Wala nang pag-asa.

"Hailey, anong-"

Napahinto si Klein sa pagsasalita ng makita ang sitwasyon ko. Agad kong pinunasahan ang luha ko at tumingin sa kanya. Batid sa kanyang mukha ang pag-aalala at lumapit siya sa kama ko.

"Hindi ba sinabi kong itigil mo na? Tignan mo, nasasaktan ka tuloy ngayon."

"Sa tingin mo ba madaling pigilan ang nararamdaman ng isang tao? Klein, mararanasan mo ring masaktan at makikita mong ganito rin ang sitwasyong mangyayari sa'yo," sabi ko sa kanya kaya natahimik siya. Hinimas niya ang likod ko. Narinig ko ang pagbuntong hininga niya at pag-alis sa kama.

"Nakuha na ang cellphone mo, himala nga at hindi nasira dahil napunta siya sa likod ng sasakyan mo," sabi niya kaya napatingin ako sa iniabot niyang cellphone.

"Hindi ko na kailangan pang ipakita sa kanya, Klein. Alam na pala niya sa simula pa lang," wika ko na ikinagulat ni Klein.

"Anong kagag*han 'yon?" inis na tanong ni Klein.

"Klein, titigil na ako. Ayoko ng patuloy na masaktan."

Tumingin siya sa akin na may malungkot na ngiti.

"'Wag kang maghinayang, lilipas din 'yan at makakalimutan mo ang nararamdaman mo," wika niya.

"Klein, gusto ko munang mapag-isa ngayon," pabulong kong saad pero sapat lang para marinig niya. Tumango lang siya at umalis ulit sa kwarto.

Napatingala akong kaunti at pinunasan ang luhang lapastangang lumalabas sa mga mata ko. Kailangan kong lumaban, kailangan kong maging malakas.

"Kung alam mo lang," wika ko sa hangin.

"Mahal na mahal kita, Vince," mahina kong saad at napangiti sa kawalan.

But I know you can't love me back.

* * *
Author's note:

Hindi ko alam kung papaano ko ito nasulat kahit hindi pa ko nakakaranas ng ganitong sitwasyon. Sadyang nasasaktan lang siguro ako para sa ibang nakakaranas din ng nararanasan ni Hailey. Done editing.

Candle in the Water | ✓Where stories live. Discover now