Chapter 46

8 1 0
                                    

"Hailey! Malalate na tayo!" Napairap na lang ako dahil sa pagsigaw ulit ni mommy. Busy pa kasi ako mag-ayos tapos tawag nang tawag si mommy pero meron pa kaming tatlong oras bago ang flight. Hindi naman din kalayuan ang airport kaya nagtataka ako at bakit madali siya ng madali.

Napagdesisyunan ko na ring bumaba at hindi na pinansin ang maraming bag na dadalhin ko. Sila na ang bahala diyan at baka mahaggard pa ang beauty ko.

"Eto na, ano bang meron at madali ka ng madali?" Tanong ko at napatingin kay mommy na papunta na sa pinto. Napatingin ako sa taong nakatayo at nakatingin lang kay mommy.

"Pa?"

Napatingin siya sa akin at ngumiti ng malungkot. Lumapit siya sa akin at niyakap ako. Napatingin ako sa taas para pigilan ang luhang nagbabadyang tumulo sa akin. Naramdaman ko ang marahan niyang paghimas sa buhok ko. Tumingin ako sa direksyon ni Mommy at nakitang nakatingin din siya sa akin at parang pinipigilang umiyak. Humiwalay na ako sa pagkakayakap at ngumiti kay Papa.

"Mahal na mahal kita, anak. I'm not going to give up for our family. Gagawa akong paraan," bulong sa akin ni Papa at hinalikan ang aking noo. Tumalikod na ako para makapunta kay mommy at tumingin ulit sa direksyon niya. Ngumiti siya ng pilit.

Napabuntong hininga na lang ako at sinimulan na ring umalis sa bahay na matagal ko sigurong mamimiss. Sa kwarto kong nakita ang lahat, sa mga yaya ko na nagtyaga sa pagiging mataray ko. Si Ate Lorrince na isa pang maghahatid sa amin. Mamimiss ko silang lahat.

Mas lalo na ang lalaking may asul na mata at napakamisteryoso. Sa lalaking may tinatago pa lang ka-corny-han sa katawan. Ang lalaking minamahal ko at sinaktan lang ako. Hindi ko man aminin pero ayokong iwan si Chris pero kailangan ko na.

Sana, dumating siya at para makita ko ang gwapo niyang mukha. Charing, ang landi ko na naman. Pero kahit sa huling oras ko dito sa Pilipinas, gusto ko siyang makita.

"Anak? Ayos ka lang ba?" Tanong ni Mommy dahil hindi ko napansin na nakatunganga na pala ako sa bahay namin. Tumango lang ako at tumalikod na para pumunta sa kotse.

Tahimik lang ako sa buong byahe at nag-earphones para hindi ako mainip.

Song: Austin Mahone - All I Ever Need

Tinignan ko lang ang mga nadadaanan ng kotse namin. Hindi ko alam bakit ba ang liit liit ng mundo. Bakit nanay pa ng mga mahal ko sa buhay ang isang sumira sa pamilyang kinagisnan ko? Bakit sa lahat ng pamilya, bakit kami pa? Wala naman akong ginawa para kamuhian ng tadhana.

Hindi pa ba sapat itong pagkawalan ko ng karapatang makapaglakad para maging kapalit sa mga kasalanang nagawa ko sa iba?

Gusto ko lang maging masaya, masama ba iyon?

____________________

Marahan na tapik ang nagpagising sa akin. Nakita ko ang nakasimangot na mukha ni Ate Lorrince. Tinulungan niya akong makababa ng kotse at para mapunta na rin sa wheel chair ko. Nauna na rin si Mommy sa paglalakad kasama ang mga gamit niya.

"Pagaling ka doon, ah? Dapat pagkarating mo sa bahay nakakapagmodel ka na!" Wika ni Ate Lorrince na ikinatawa ko. Tumingin ako sa kanya pero lungkot ang bumakas sa kanyang itsura.

"Mamimiss kita, Ate. Salamat sa lahat ng ginawa mo para sa akin. Wag kang mag-alala, hindi ako mawawalan ng pag-asa," nakangiti kong saad kaya pinunasan niya ang luhang pumatak sa kanyang mata. Niyakap niya ako at ngumiti sa huling pagkakataon.

"Pumunta ka na doon at baka hinihintay ka na ni Ma'am Aila," saad niya kaya nagpaalam na ako kasama ang ilang bodyguard na buhat-buhat ang maleta ko. Tuloy tuloy na sana ako sa pagpasok ng mapahinto ako sa isang bata na may inaabot sa akin. Kinuha ko ang puting panyo na ibibigay niya sa akin at biglang napakunot ang noo ko. Pamilyar, pamilyar na pangyayari.

Song: Jai Waetford - Don't let me go

Binuksan ko ang panyo at nagbabakasakali na may makitang maliit na sobre sa loob. Napailing na lang ako dahil mayroon ngang kulay purple na sobre roon. Binuksan ko ang sobre at tinignan ang nakasulat sa papel.

I'll wait for you.
- L

"L? Sino ka bang L ka, ha?" Tanong ko sa sarili.

"Light."

Agad akong napatingin sa taong nagsalita sa likod ko. Para akong hihimatayin ng makita muli ang mga asul niyang mata na lungkot ang emosyong namamalagi. Para bang hinihipnotismo ako ng mga mata niya at hindi ako makatingin sa ibang direksyon.

"You are my light, Hailey," saad niya at nahigit ko ang aking hininga ng makitang lumalapit na siya sa akin.

"Hihintayin kita, sana, ikaw din. Mahal na mahal kita, Hailey. Hindi ako bibitaw," mahina niyang wika at niyakap ako. Napahinga ako ng malalim para mapigilang pumatak ulit ang mga luha sa mga mata ko. Naramdaman ko ang pagkabasa ng damit ko sa balikat kaya nagulat ako. Hihiwalay na sana ako ng mas higpitan niya ang yakap sa akin.

"G-give me more minutes, please," hindi ko na napigilang hindi lumuha dahil sa pagpiyok ng kanyang boses. Niyakap ko siya pabalik kahit sa huling sandali. Dinama ang bawat minuto na maaari ko pa siyang makasama. Hindi ko siya pwedeng ibigin na ganito ako.

I'm going to fix myself and my mind.

Humiwalay na siya sa pagkakayakap at pinunasan ang luhang patuloy na tumutulo sa aking mukha.

"Wag ka nang umiyak, baby," saad niya kaya hindi ko maiwasang mapangiti dahil sa pagtawag niya sa akin ng ganon. Hinampas ko ang braso niya kaya tumawa siya.

"Crybaby pala," wika niya ulit kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Panira ka talaga ng mood!" Sabi ko kaya ngumiti siya sa akin. Hindi ko maiwasang mapansin ang lungkot sa kanyang mga mata habang nakatingin sa akin.

"Always remember I will always love you," wika niya at marahan na idinampi ang kanyang labi sa akin. Humiwalay na siya at hinawakan ang kamay ko.

"Hai-"

Napatingin ako kay Mommy na napahinto ng makita si Chris. Malungkot ang tingin niya kay Chris at hindi ko maipaliwanag kung anong meron.

"Kailangan na nating umalis," wika ni mommy kaya napatingin na ako kay Chris. Ngumiti lang siya at mas lalong hinigpitan ang hawak sa aking kamay. Hawak hawak niya ang kamay ko hanggang sa entrance ng airport. Narinig ko na ang pagtawag sa mga pasahero papuntang America.

"I'm always yours," saad ko at tinignan ang kamay naming ayaw magbitaw.

"I love you, Chris."

Kaunting pinisil nito ang kamay ko bago unti-unting binitawan. Hinatak na rin ako paalis ni mommy kaya tumingin ulit ako sa likod para makita siya. Nakatingin lang siya sa akin pero parehong nakababa ang mga balikat.

I'm sorry, Chris...

But I need to this.

* * *
Author's note:

Hi! Saket ba? Ganoon naman talaga, kailangan mo munang ayusin ang sarili mo bago maayos ang iba. Hindi naman mawawala ang sacrifices sa pag-ibig at hindi maiiwasang masaktan kapag umiibig.

Pero iyon nga next chapter is all about the secrets of Aurora Gonzaga and the reason why she wants a revenge for her ruined life. Hindi ko alam pero siguro matagal tagal din bago natin makita ang POV ni Hailey dahil hayaan muna natin siyang magnilay-nilay sa America. Anyways, don't forget to vote and comment!

Candle in the Water | ✓Where stories live. Discover now