Chapter 52

20 1 0
                                    

Carter's POV

Nakatitig lang ako sa kisame habang hinihintay na dalawin ng antok. I don't know why I can't sleep when my body is already tired. My mind is still awake about something I can't decipher. Biglang pumasok sa isip ko si Klein. Ano kayang iniisip niya ngayon? Am I one of it? Natatawa pa rin ako sa mga nangyari dahil kung sino pa ang babaeng akala ko ay pinapatay na ako sa isip ay siya pa ang babaeng mamahalin ko higit pa sa lahat. Ang dami ko na pa lang napagdaanan bago makuha ang puso niya.

Tumayo na ako sa pagkakahiga sa kama at napagdesisyunan na lumabas ng bahay para makapunta sa garden. Hawak-hawak ko ang cellphone nang bigla itong tumunog. Tinignan ko ang nagmessage at nagbabakasakaling si Klein iyon. Napakunot ang noo ko dahil unknown number ang lumabas.

Unknown number: 09*********

Ikaw lang ang kilala ko na makakatulong sa akin. Nasa panganib si Klein pero wag kang magsasama ng iba. Mahahalata tayo! Si Cole 'to, bestfriend ni Klein.

Cole? Sa pagkakaalam ko ay ang nanay nito ang paminsan-minsan na dinadalaw namin ni Klein. Nasa panganib si Klein? Baka scam na naman ito at magoyo pa ako. But what if it's true? Am I going to believe what I had read? Maniniwala ba ako o hindi? Ang dami ko na ngang iniisip, dumagdag pa 'to.

Napailing na lang ako at kinuha ang jacket ko para makalabas na. Ayos na sigurong maniwala ako para sa kapakanan ni Klein. Sinubukan kong tawagan ang cellphone ni Klein pero nakapatay ito. Mas lalo akong kinabahan. Totoo kaya talaga ang message na 'yon?

Nagpatuloy ako sa paglabas habang maingat na naglalakad palabas ng bahay. Baka kapag naabutan nila akong naglalakad paalis ay itanong pa nila kung saan ako pupunta. Mas mabuti ng ako na lang ang mapahamak. Dahan-dahan kong binuksan ang gate para hindi ko na abalahing gawin mamaya. Pagkasakay ko sa sasakyan ay nakita kong bumukas ang ilaw sa sala. Mabilis kong pinaandar ang sasakyan at humarurot papaalis ng bahay. Bahala na silang magsarado ng gate. Madedetect naman nila iyon.

Habang nagbyabyahe papuntang bahay ni Cole ay tumunog ulit ang cellphone ko.

Unknown number: 09*********

#23 Iniwanka St. Nasahan, Kanna ang pangalan ng street na pupuntahan natin.

Binuksan ko ang GPS ng sasakyan para makita ang daan. Habang nagbyabyahe ay mas lalo akong kinabahan dahil sa mga lumang building sa gilid na nadadaanan ko. Hindi ko alam pero may pilit na pumapasok sa utak ko na hindi ito tama. Nagpatuloy pa rin ako papunta sa lugar na iyon dahil kung si Klein na ang pag-uusapan, ibibigay ko ang lahat wag lang siyang mapahamak ulit dahil sa bago niyang pamilya.

Huminto ako sa tapat ng isang lumang bahay na malaki na kung ikukumpara mo sa iba. Madilim ang lugar dahil kakaunti lang ang poste ng ilaw. Bumuntong hininga ako at pinagmasdan ang paligid. Agad akong nagtago nang may maaninag na papunta sa direksyon ko. Hindi ko makita ang mukha niya dahil natatakpan ito ng dilim. Nanliit ang mga mata ko dahil si Cole iyon habang tinitignan ang paligid hawak-hawak ang cellphone niya.

Pumunta ako sa direksyon niya at mukhang napansin na niya ako.

"Nasaan si Klein?"

Nagulat kaming dalawa dahil magkasabay namin itong tinanong. Napakunot ang noo ko dahil siya ang nagmessage sa akin pero tinatanong niya pa ako.

"You sent me a message earlier so why are you asking me where is Klein?" Nagtataka kong tanong kaya nanlaki ang mga mata niya.

"Wag kang maingay, nasa patibong tayo ng kung sino," mahina nitong saad at nagmasid sa paligid. Tinignan ko rin ang paligid pero masyado talagang madilim sa lugar na ito. Kaunti lang din ang mga poste ng ilaw at tanging gilid ng daan ang pinakanaiilawan nito.

Candle in the Water | ✓Where stories live. Discover now