Chapter 28

20 4 0
                                    

Kahahatid lang sa akin ni Chris papuntang bahay at katahimikan ang bumungad sa mansyon.

"Manang Erna! Patulong po!" sigaw ko na bumulabog sa paligid. Narinig ko ang pagbukas ng isang pinto bandang dulo ng mansyon kaya pumunta ako roon. Nagising ko pa ata si Manang. Ang totoo niyan ay dito na talaga nakatira si Manang dahil wala na siyang mauuwian at tinuring na rin naming kasapi siya ng pamilya.

"Sandali lang Ineng at nariyan na ako," narinig kong wika niya kaya hinintay ko na lang siyang lumitaw.

Napatingin ako sa pinto dahil may nagdoorbell. Huh? Sino namang dadalaw sa ganitong alas-nwebe na ng gabi?

"Ako na po ang pupunta," saad ko ng makitang papunta na doon si Manang Erna.

"Sigurado ka ba? Baka mahirapan ka pa sa pag-"

"Ayos lang po, kalma lang kayo riyan."

Pumunta agad ako sa pinto at binuksan ito. Bumungad sa akin ang isang lalaking parang nagdedeliver.

"Ano iyon?"

"A-ah d-dito ba ang bahay ni K-klein Castillion?"

Nangunot ang noo ko dahil sa kanyang tinanong. Anong kailangan ng lalaking ito sa kaibigan ko?

"No, but what do you need from her?" Intriga kong tanong kaya parang napangiwi siya.

"W-wala po, may kailangan lang sabihin," saad niya na parang humina ang boses.

"Tell me, what is it?" Tanong ko ulit pero umurong na siya. May takot sa kanyang mga mata.

"Everything is wrong."

____________________

Nagising ako na masakit ang ulo. Ayokong dumilat at ayokong tumayo.

"Sweetie! Ang manliligaw mo narito! Bumaba ka na, bilisan mo!" Rinig kong sigaw ni Mommy na nasa living room siguro.

Kumunot ang noo ko pero hindi ko na pinansin at nanatiling nakapikit pa rin. Hindi ko namalayan na unti-unti na ulit akong nakakatulog.

"Where's my prince charming? Oh my love! I'm here now," saad ko at umikot na parang isang prinsesa. Mahaba ang aking suot at makapal ang tela. Hindi ko maiwasang sumama ang loob dahil nawawala ang aking prinsipe.

"I'm here, my love. Come here," rinig kong saad ng isang baritonong boses kaya agad akong napatingin sa likod.

Ngunit sa paglingon kong ito ay naramdaman ko ang malambot na bagay na dumampi sa aking labi.

Bigla akong napadilat at nakita ang malapit na mukha ni Chris. Nakatitig ang mga nakakalunod nitong asul na mata sa akin na para bang may hatid na hipnotismo.

Humiwalay na siya sa akin at kasabay nito ang paghatak sa akin para umupo.

Nakatulala lang ako sa kanya dahil sa gulat pero nagising ang aking diwa sa kanyang pagtawa.

"You f*cking pervert! Umagang umaga Toptop!" Sigaw ko pero nagpatuloy siya sa pagtawa. Pinaghahampas ko siya ng unan pero umiilag lang siya.

"Ok, I'm sorry, it's just that ayaw mong gumising at bumaba. Saka, mag-aalauna na kaya hindi na umaga," saad niya nang mahimasmasan na siya.

Candle in the Water | ✓Where stories live. Discover now