Chapter 43

17 1 0
                                    

"CHRISTOPHER EVANGELINE!" malakas kong sigaw sa pinto ng kwarto niya. Ilang beses na akong kumakatok pero hindi niya ako sinasagot. Pagod na pagod na akong maghintay.

Narinig ko ang pagclick ng pinto na ibig sabihin ay inalis na niya ang pagkakalock sa pinto. Walang pakundangan kong binuksan ang pinto at narinig ko ang pag-aray ni Chris.

"Umaano ka ba?! Ano bang kailangan mo?" Inis niyang tanong habang hinihimas ang noo niya. Pumasok ako sa kwarto niya at napansin na sobrang kalat ng kwarto. Parang wala ring tulog itong si Chris dahil sa nangingitim ang ilalim ng kanyang mata.

"Anyare sa'yo?" Tanong ko ngunit hindi na naman niya ako sinagot. Napakabastos talaga!

"Bakit ba umagang-umaga nang-iistorbo ka?" Tanong niya pabalik kaya binatukan ko siya.

"Wag mong iniiba ang usapan!"

"Wag kang nang-iistorbo sa umaga!"

"Ano bang nangyari sa inyo ni Hailey?!"

Bigla siyang napahinto ng marinig ang pangalan ng bruha. Inis siyang tumalikod sa akin pero hinatak ko ang kwelyo ng t-shirt niya. Bigla ba naman akong talikuran. Sakalin ko 'tong lalaking 'to eh.

"Ano ba kasing nangyari?! Pa-shy type ka pa diyan!"

"Hindi mo na kailangan pang malaman!" Inis niyang sigaw kaya napairap ako. Nagbibiro ba ang isang 'to?

"Kaibigan ko siya kaya dapat ko lang malaman ang dahilan kung bakit siya lumalayo," nakahalukipkip kong saad kaya napabuntong hininga siya.

"Pumunta ka sa garden, doon ko sasabihin sa'yo ang lahat," seryosong wika niya at tinulak na ako palabas ng kwarto niya. Kahit kailan talaga hindi na ako magtataka kung bakit siya ang naging kapatid ko.

"Klein? Ayos lang ba kayo diyan? Bibigyan ko na ba kayo ng kutsilyo?" Rinig kong sigaw ni Mom na ikinailing ko.

"No thanks, Mom! Ako mismo sasakal sa kanya!" Sigaw ko pabalik at bumaba na papuntang sala. Naabutan ko si Manang Nelda at si Mom na nagluluto sa kusina.

Napabuntong hininga ako ng malamang wala pala ang tatay ko rito. Napag-alaman ko lang na namatay na siya noong siguro ay 6 years old pa lang ako. Sayang, hindi ko na siya nakasama bago pa niya ako iwan.

Pumunta ako sa garden dahil doon naman ang sinabi ni Chris na puntahan ko. Naghintay ako ng ilang minuto sa upuan at doon pa lang dumating si Chris na mas maayos na ang itsura kahit papaano. Matamlay siyang umupo sa harap ko at bumuntong hininga pa.

"Naalala mo pa ba iyong sinabi namin ni Sharien sa'yo noong hindi pa namin alam na ikaw ang totoo naming kapatid?" Tanong niya kaya napaisip ako. Alam ko na, iyong sinabi nilang itago ko raw ang katotohanang magkapatid sila ni Chris at Angel. Pero ang galing lang dahil ako pala ang kapatid nila.

"Tapos?" kunot noong sabi ko.

"Nalaman iyon ni Hailey noong time na nag-usap kami sa guess room nila Carter," wika niya kaya mas lalo akong naguluhan. Anong kinalaman non sa nangyayari?

"Ano mo? Ano bang problema doon?" Nagtataka kong tanong sa kanya.

"Si Sharien...siya ang anak sa labas ni Tito Harley."

Biglang hindi nagfunction ang utak ko sa mga salitang lumabas sa bibig niya. Wag mong sabihing si Sharien ang ikinukwento sa akin ni Hailey dati. No, it can't be.

Hindi pwedeng ang nanay ko ang sumisira sa pamilya nila Hailey ngayon. Hindi naman totoo ang mga nalalaman ko, 'di ba?

"Ibig mo bang sabihin na kabit ng tatay ni Hailey si Mom? Talaga?" Natatawang saad ko ngunit may bahid ng galit at insulto.

Candle in the Water | ✓Where stories live. Discover now