Chapter 25

20 5 3
                                    

Nagising ako dahil sa liwanag na tumatama sa mukha ko. Sobrang sakit ng ulo ko at parang nanghihina ang aking katawan.

Napadilat ako at puting kisame lang ang aking nakita. Sinubukan kong umupo at nakitang nag-iisa lang ako sa kwarto. Napabuntong hininga ako at napahawak sa ulo kong kumirot. Naospital pa ako dahil lang sa g*gong dalawang 'yon.

Napatingin ako sa pinto noong bumukas ito. Nangunot ang noo ko dahil hindi ko siya kilala at hindi rin siya mukhang nurse. Nakasimpleng t-shirt lang siya at nakapantalon. Napakasimple pero maganda siya, may kamukha sya ngunit hindi ko malaman kung sino.

"Hi! Ako pala si Sharien Perez, if you can't remember. Ako iyong nakakita sa'yo sa may park," nakangiti niyang pagpapakilala at tumango lang ako.

"Kle-"

"No need to introduce yourself, kilala na kita, in fact kilala ka ng nakakarami," nakangiti niya ulit na pagpapatigil sa akin. Hindi ko alam kung namamalikmata lang ako pero parang may bagay na dumaan sa kanyang mata na hindi ko maipaliwanag.

Pero wait, kilala ako ng nakakarami? Paano naman? Luh?

Nakita ko ang pagtawa niya dahil sa pagtataka ko. May nakakatawa ba? Baka naman siya ang baliw at hindi ako.

"Well, kung hindi mo alam, anak ka ng mga Castillion at ang mga Castillion ang nagmamay-ari sa mga kompanya ng mga dyaryo at magasin sa iba't ibang bansa," kibit balikat niyang saad na ikinagulat ko. Ah, kaya pala mayaman. Kaya rin pala laging wala sa bahay kasi ang daming inaasikaso.

"Salamat na lang sa pagpunta sa akin dito," wika ko. Ngumiti lang siya na parang tuwang tuwa sa sinabi ko.

"Wala iyon. Saka Klein, ikimusta mo na lang ako kay...k-kay..."

Napakunot ang noo ko dahil sa biglang pagdadalawang isip niya.

"Kay?"

"Kay Chris," halos pabulong nitong saad at agad na tumalikod upang lumabas ng kwarto. Napakunot ang noo ko dahil sa kanyang sinabi, anong kinalaman ni Chris sa kanya? Ka-anu-ano kaya niya 'yon?

Tumayo na ako dahil ayos na rin naman kahit papaano ang ulo ko. Napairap ako noong mapansing nakapantulog pa akong may putik at nakatsinelas. Umalis na ako sa palapag na iyon at pumunta sa elevator. Nakita kong puno ang elevator kaya sa hagdanan na lang ako pumunta. Nasa pangatlong palapag lang naman ang kwarto kaya malapit lang.

Mag-isa lang ako sa hagdanan at pagkababa ko sa pangalawang palapag ay nakarinig ako ng pag-iyak ng mga sanggol. Malapit ba ko sa nursery room?

Nangilabot ang buo kong katawan noong makarinig ng isang tawa. Tawang parang may masamang balak.

"Sa wakas, makakaganti na rin ako sa inyo. Ano kayang mangyayari kung anak niyo ang gamitin ko para pagsisihan niyo ang mga ginawa niyo? Ano kayang mangyayari sa inyo? Mababaliw? Magsisisi? O baka iiyak sa katotohanang malalaman na matagal ng naitago ito?"

Tumawa siya ulit na umalingawngaw sa second floor na walang katao-tao. Puro kwarto lang sa second floor at parang mga private rooms pa.

Sinundan ko ang tunog ng kanyang boses at nagulat ako ng makarating sa nursery room. Madilim sa parteng iyon pero agad akong nagtago sa isang gilid ng makita ang pamilyar na itim na blusa. Natatakpan ang mukha niya ng kanyang buhok at nakita kong may hawak siyang dalawang sanggol na babae, pink kasi ang suot.

"Pagsisisihan niyo ang ginawa niyo, pagsisisihan niyo."

Puno ng pait ang kanyang boses na parang galit na galit siya sa dalawang sanggol.

"Magsisisi kayo, hindi ko kayo mapapatawad, Eina at Jein..."

____________________

Pagod akong napadilat dahil naramdaman kong pumunta sa tapat na sofa si mom and dad. Kasalukuyan kasi akong nakaupo sa sofa sa sala pero nakatulog na ako nang hindi namamalayan.

"Hey, anak, are you okay? Baka hindi ka pa talaga gumagaling! Isugod na ba kita sa-"

"Hon, calm down. Madadaan naman ito sa mahinahon na pag-uusap," kontra sa kanya ni dad.

"I'm sorry talaga anak kung hindi ka namin napuntahan kagabi at kaninang umaga. Akala talaga namin ay nasa kwarto ka lang pero nawala ka na pala," parang maiiyak niyang saad kaya kaunti akong natawa.

"Ayos lang, kasalanan ko rin naman kung bakit ako napunta doon," nakangiti kong wika na ikinangiti ng mag-asawa.

"What the f*ck."

Bigla kaming napatingin sa nagsalita at nakita ko si Carter na pababa sa hagdanan. Tanghali na kasi at ngayon lang siya nagising dahil sa kalasingan kagabi. Hindi ko na nga nakita si Angel eh. Siguro umalis na iyong kulugo na 'yon.

"What happened to you, Carter?! This is the first time na nakita kong uminom ka ng ganyan karami ha!" pagalit na sigaw ni mom pero hindi siya pinansin ni Carter.

"I'm just having fun, just don't mind it, mom," matamlay niyang sabi at dumiretsyo sa kusina.

"No! I know something is wrong about you, simula pa nang dumating ang kapatid mo ay bigla kang tumahimik, naging masyadong masikreto. Ano bang nangyayari, Carter? Tell me why," kontra ni Mom at pumunta rin sa kusina. Sumabay sa kanya si Dad kaya naiwan ako sa sala na nakikinig sa sagutan nila.

Yeah, I'm asking that too, Carter. Why are you acting like that? Why you suddenly pushed me away like you don't want me to be with you?

Why?

Napatingin ako sa pinto ng bumukas ito. Nakita kong magkasabay si Tita Jein and Angel na pumasok.

"Oh hi hija! Nice to see you again," masayang bati ni Tita Jein at nakipagbeso-beso sa akin.

"Where's Carter?" Inis na wika ni Angel sa tabi niya. Kakakita lang kagabi, hinahanap na naman.

"Find him," sagot ko pero parang nainis pa siya sa sinabi ko.

"Naiintindihan mo ba ang sinabi ko? Nasaan si Carter?" masungit niyang tanong.

"Stop it, Angel, pumunta ka na lang kay Eina," wika ni Tita Jein.

"And why would I do that? I want to slap in her face that Carter-"

"I said stop it, Angel! Pumunta na doon."

"Hmp! Yes, Mom."

Nagulat ako noong marinig na tinawag niyang 'Mom' si Tita Jein. Mag-ina sila? Bakit hindi sila magkamukha at magkaugali?

"Seriously, anak niyo si Angel?" Hindi makapaniwalang tanong ko rito pero natawa lang siya sa reaksyon ko.

"Oh well, marami ng nagsabi na hindi kami magkamukha at pati na rin ang kuya niya ay hindi ko rin kamukha. Hindi ko nga alam kung inampon ko na lang ng hindi namamalayan si Angel," natatawa niyang saad kaya natawa na rin ako. Hindi rin kasi sila magkaugali. Ibang iba si Tita Jein at magaan ang loob ko sa kanya kaysa sa bruhildang iyon.

"Oh sige at aalis na ako," ngumiti siya pagkatapos sabihin iyon at umalis na sa harapan ko.

I don't know why but there is something about her that is unfathomable to understand.

* * *

Done editing.

Candle in the Water | ✓Where stories live. Discover now