Chapter 41

15 1 0
                                    

Hindi ko alam pero sa bawat paghihintay ko dito sa kwarto para matapos si Chris sa pagligo ay mas lalo akong kinakabahan. Ano kayang sasabihin niya tungkol sa anak ng kabit ng tatay ko? Tama kaya ang kutob ko? Pinagsasabay niya ba kami?

"Hey," biglang untag ni Chris sa akin na nagpatigil sa pag-iisip ko. Napatingin ako sa damit niya at nakita kong may pagkamaluwag iyon dahil mas maskulado si Carter kaysa sa kanya. Ayos lang, gwapo naman.

Nakita ko ang pagbuntong hininga niya dahil sa pag-iwas ko ng tingin. Hindi pa kasi ako handa sa sasabihin niya kahit gusto ko nang malaman.

"It's not what you think, Hailey. Hindi kita niloloko at hindi ko kayo pinagsasabay," wika niya konting nakahinga na ako ng maluwag. Konti lang kasi hindi pa ako 100% naniniwala!

"So ano mo siya? Kamag-anak niyo ba siya ni Klein?" Tanong ko na parang ikinanigas niya sa pwesto niya. Kaunting umiwas siya ng tingin at parang nagdadalawang isip na sabihin.

"Y-yes," mahina niyang sagot pero mas naintriga ako.

"Kaano ano mo ba siya? Pinsan? Pamangkin? Sino ba siya, ha?!"

"The truth is...she's my half sister. I'm really sorry."

Para bang biglang gumuho ang mundo ko sa mga salitang lumabas sa bibig niya. It means, ang kabit ni Papa ay si Tita Jein? Nanay ng mahal ko at ng bestfriend ko ang kabit ng tatay ko? No, it can't be.

Nanlalaking mata kong tinignan si Chris na ngayon ay nakayuko na sa akin.

"Hindi naman totoo yan 'di ba? Mabait si Tita Jein para sumira ng isang pamilya! No! Hindi mo naman tatay si Papa, 'di ba? Hindi kita kapatid," Umiiyak kong saad pero agad niya ako nilapitan pero umusog lang ako palayo.

"No! Hindi kita kapatid. Half sister ko lang siya!"

"Pero in the first place, dapat sinabi mo na sa akin ang tungkol dito!"

"Dati ko nang nalaman na anak sa labas siya pero hindi niya talaga sinasabi sa akin kung sino ang tatay niya. Hindi rin naman sinasabi ni Mom kung sino ang tatay niya dahil hindi raw pwede. Noong isang araw ko lang nalaman na si Mr. Monteverde pala ang tatay niya."

"Wala akong pakialam, Chris! Hindi mo sa akin sinabi noong nalaman mo! Tinago mo pa rin sa akin at ngayon mas masakit na nakita ko pa sa pag-akto niyo kanina ang katotohanan."

"Hailey, I'm sorry. Wala akong magagawa at gusto kong si Mr. Monteverde ang magsabi sa'yo," malungkot niyang sabi at lumayo sa akin.

"What's her name?" Tumingin siya sa akin dahil sa tinanong ko.

"Sharien."

Pinigilan kong umiyak pero ayaw talaga nilang magpatigil sa akin.

"Itigil na natin 'to, Chris. Gusto ko nang magpahinga. Magpahinga na tayo," nakayuko kong saad na ikinatahimik ng paligid.

"F*ck, please don't do this. Maaayos pa natin 'to, 'di ba? Wag mo naman akong iwan."

"Please, I need space. Umalis ka na lang," Umalis ka na sa buhay ko. Umalis ka na kasama ang Sharien na 'yon.

"Babalik ka pa, 'di ba? A-alam kong babalik ka, Hailey. P-promise me," mas mahina ang boses ni Chris at pinipigilang ilabas ang mga luhang pilit nagpupumiglas sa kanyang mga mata. Tumingin ako sa kanya pero nakatalikod na siya. Naglakad na siya papalayo at sinarado ang pinto. Tuluyan na siya ng umalis sa kwarto na parang umalis na rin sa buhay ko.

* * *

Sinubukan kong matulog pero parang gising na gising ang utak ko. Tama ba ang desisyon ko? Tama naman, 'di ba? Hindi ko siya pwedeng mahalin mas lalo na at nanay niya ang kabit ng papa ko. Para bang pinagtaksilan ko na rin si Mommy.

Napatingin ako sa balkonahe na para bang inaaya akong pumunta roon. Sinubukan kong tumayo pero kusang bumagsak ang katawan ko. Napapikit na lang ako ng maramdaman ang pagpatak ng luha ko. Hindi ko alam na hahantong ako sa ganito.

Nanatili lang akong nakahiga at pinagmasdan ang buwan na nagliliwanag sa likod ng manipis na kurtina. Sinubukan kong umusog papunta sa labas pero para bang hinahatak lang ako pabalik.

Wala ba akong karapatang piliin ang mga gusto ko? Lagi na lang bang bawal?

Hindi ko pinansin ang tunog ng pagbukas ng pinto dahil wala na akong pakialam sa paligid ko. Gusto ko, gusto ko na lang hatakin ng buwan tulad ng tubig sa karagatan. Ayoko na bumalik kahit kanino. Gusto ko na lang tumakas!

"Hailey? Anong ginagawa mo diyan?!" rinig kong nag-aalalang wika ni Klein pero mas lalong kumirot ang dibdib ko. Si Klein, matalik kong kaibigan pero anak pala ng kabit ng papa ko. What a coincidence.

Bigla akong napaiwas ng subukan niyang hawakan ang braso ko para makatayo.

"Bitiwan mo ako," mahina ngunit seryosong saad ko sa kanya. Hindi niya pa rin ako binitiwan tulad ng inaasahan ko.

"Bitiwan mo na ako, Klein! Umalis ka na lang! Lubayan niyo na lang ako!" Sigaw ko na alam kong ikinabigla niya. Patuloy na tumutulo ang luha ko habang bumabalik ang lahat ng nangyari sa nakaraan. Ayoko na, gusto ko na lang tumakas sa lahat ng problema.

"Bakit? Ano bang nangyayari sa'yo?! May ginawa ba si Chris?!" Naguguluhan niyang tanong kaya nag-alab ang galit na nasa puso ko.

"Walang ginawa si Chris, baka naman nanay mo meron," natatawa kong wika na ikinatahimik niya. Alam niya kayang kabit ng tatay ko ang totoo niyang nanay?

"Ano? Anong ginawa ni Mom sa'yo?" Nagtataka niyang tanong pero napailing na lang ako at napatingin sa kawalan.

"Umalis ka na lang muna, Klein. Give me time for myself," saad ko kaya narinig kong napabuntong hininga na lang siya.

"Fine, I'm going to give you some time. Pero aasahan mong hindi kita lulubayan," wika niya at lumabas na sa kwarto.

Lalayo muna ako kahit kanino. Gusto kong mag-isip at gumawa ng desisyon na makakabuti para sa sitwasyon.

* * *
Author's note:

Sorry for this lame update! But I hope you're still there.

Candle in the Water | ✓जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें