Chapter 48

18 1 0
                                    

"Galing iyan sa apartment na tinitirahan ni Aurora, binigay sa akin ng mga pulis dahil lahat ng bagay niya ay ibinigay sa akin. Iyan ang box na nakatago sa maleta niya kaya naintriga ko kung ano iyan," wika ni Aibileen at uminom sa kapeng inihanda sa kanya. Napakunot ang noo ko sa kanyang sinabi. Tumingin ako sa mga halaman na mas malusog pa sa akin. Nasa balkonahe kami upang pag-usapan ang buhay ni Aurora. Hindi naman masasabing chismosa ako dahil kailangan din ito sa imbestigasyon.

"Kilala mo si May?" Tanong ko ngunit marahan lang siyang umiling.

"Si May ang dahilan kung bakit siya nabaliw ngayon, Aibileen. Sabi nga lang sa diary ay pinatay 'nila' si May at siguro ay tinapon ang katawan sa ilog," panghuhula ko sa maaaring nangyari.

"Hanggang ngayon, nagsisisi pa rin ako at iniwan ko siyang mag-isa rito," mahinang saad ni Aibileen at nagsimulang lumuha.

Nahulog sa malalim na pag-iisip ang utak ko. May sinabi siyang anak niya na si Christopher at sa Evangeline's residence niya inilapag. Wag mong sabihing si Chris ang tinutukoy niya. Nanlaki ang mga mata ko dahil sa napagtantong bagay, parehong asul ang kanilang mata!

Mabilis akong tumayo sa pagkakaupo at sinenyasan si Aibileen na babalik ako. Kinuha ko ang cellphone ko sa kwarto at agad na tinawagan ang number ni Mom. Ilang rings din ang inabot bago niya sinagot ang tawag.

[Oh? Bakit napatawag ka? May problema ba diyan, Klein?]

"I need answers from you and from Tita Eina," diretsyahan kong sagot sa kanya. Kahit papaano ay humupa na ang galit ko sa kanya at nakakausap na rin niya ako. Hindi na nga lang ganon kadalas. Natahimik ang kabilang linya at tanging naririnig ko ay pagkahulog ng isang bagay.

[From what? Uuwi na ako after 35 minutes, Klein. Hintayin mo na lang ako at papuntahin ko na rin si Eina kung want mo dahil alam kong wa-]

"Yeah, bye," sagot ko ulit at binaba na ang tawag. Oo, alam kong bastos iyon pero ang dami niya kasing sinasabi.

Bumalik ako sa balkonahe at naabutang tinitignan ni Aibileen ang bawat papel. Umupo ulit ako sa upuan at napahinga ng malalim. Kailangan kong mapatunayan kung totoo ba ang lahat ng nakasulat dito.

"Pwede ka nang umalis, mag-iingat ka," wika ko at tinalikuran na siya. Pinagmasdan ko ang paligid sa baba upang kahit paano ay maibsan ang kaba sa dibdib ko. Narinig kong gumalaw na ang upuan at mga mahihinang yabag sa kahoy na sahig.

Biglang may pumasok na katanungan sa aking isip. Siguro ay maaaring makatulong 'yon dahil may kinalaman siya kay Aurora. Baka hindi lang si Aurora ang naghihiganti, baka may iba pang tao.

"Sandali, Aibileen!"

Tumingin siya sa akin ng marinig ang pagtawag ko. Nasa pinto na siya ng kwarto ko kaya mabuti ay naabutan ko siya.

"Kilala mo ba kung sino ang humahabol sa'yo? Tingin mo, may kinalaman kaya kay Aurora at sa diary niya?" Tanong ko kaya napahinto siya sa kanyang pwesto.

"Hindi ko siya makilala pero sigurado akong babae siya. Sa tingin ko ay meron ngang koneksyon iyon sa alam kong kwento ni Aurora sa diary," saad niya.

"Bakit punit ang huling sulat niya sa diary?"

Nanlaki ang mga mata niya sa tanong ko at agad na pumunta sa lalagyan ng diary. Itinaas niya ang punit na papel at pinagmasdan ito.

"Hindi pwede! Buo ito ng makita ko! Sinong sumira nito?!"

"Naalala mo ba kung anong nabasa mo diyan?"

Candle in the Water | ✓Where stories live. Discover now