Chapter 3

72 6 3
                                    

Hailey's POV

Inis akong humalukipkip habang tinitignan ang tahimik na paligid. Kanina pa uwian pero ayoko pang umuwi. Naalala ko na naman si Vince. Si Camille na naman kaya ang kasama? Hindi ba siya nagsasawa sa mukha ng haliparot na kutong lupang iyon? Mas maganda naman ako doon.

I'm sure kapag ako ang nakasama niya hindi siya magsasawa sa napakadiyosa kong mukha. Baka sambahin pa ako kaso iba pala ang sinasamba niya.

Naglalakad ako mag-isa dito sa garden dahil halos lahat ng estudyante ay nakaalis na at hindi ko mahagilap si Klein na laging nakatambay sa garden. Kasama pa ang malanding Vince na 'yon na hindi na nagpakita sa akin.

"Pst! Miss, naiwan mo ata ito," tawag sa akin ng isang lalaki na nasa garden din pala. Inabot niya sa akin ang puting panyo pero iiling pa sana ako para sabihing hindi sa akin ang panyo nang bigla itong tumakbo palayo.

"Aba lakas ng topak ni kuyang panot," bulong ko at tinignan ang panyo.

Inalis ko ang pagkakatupi nito ng mapansing may nasa loob nito. Isang maliit na sobre ang nandoon na kulay purple, my favorite color. Binuksan ko ito ka agad at isang mas maliit na papel ang nakita ko.

Just smile, Ms. Purple.
- L

Kumunot ang noo ko dahil sa nakasulat. Ano namang kaek-ekan 'to? Wow, secret admirer ang peg niya.

"Hailey?"

Tumingin ako ng may tumawag ulit sa akin. Baka naman si Vince na ito kaya nilingon ko na. Si Carter lang pala. Bebelabs ni Klein, joke baka masuntok ako kapag narinig niya pa ako.


"Why?" Taas kilay kong tanong kaya napakamot siya ng ulo.

"Nakita mo ba si Klein? May sasabihin kasi ako," sabi niya kaya pinanliitan ko siya ng mata.

"At ano naman? Sabihin mo sa akin at para masabi ko sa kanya," saad ko pero umiling siya.

"Sige salamat na lang, pasensya na lang sa istorbo," paalis na sana siya ng tumawa ako ng malakas.

"Joke lang, okay? Hindi ko rin alam pero baka umuwi na sa kanila, doon ka na lang manligaw," saad ko pero naiiling na ngumiti siya sa akin. Agad na rin siyang umalis papaalis ng school.

"Ano ba 'yan! Mag-isa na naman ako? Loner talaga ako," mahina kong wika pero napatingin ako sa likod ng maramdamang may naglalakad doon.

Nakita ko ang lalaking weirdo na nakasabay ko sa P.E kanina. Napatingin siya sa akin pero agad akong umiwas at baka isipin niyang nakatitig ang isang dyosa sa kanya. Pero ang hindi ko makalimutan ay nakita ko siyang ngumiti. Hindi ko alam pero parang may something sa ngiti niya, kakaiba pero hindi weird. Bahala siya, hindi ko naman siya kilala.

Naglakad ako palayo sa kanya para tignan kung nandoon na ba ang sundo ko na isang daang beses pinilit ni daddy na magkaroon ako.

"Hoy babae! Bakit ngayon ka lang uuwi?" Biglang sulpot ni Vince sa gilid ko na ikinatalon ko sa gulat. Parang kanina lang iniwan ako nito tapos tatanungin kung bakit hindi pa ako umuwi? Ano bang problema nito? Sarap halikan este suntukin.

"Wala kang pake kung ngayon lang ako uuwi! Tatay ba kita?" Mataray kong sagot at umalis sa tabi niya. Bwisit pa rin siya! Ang landi, bakit hindi na lang ako ang landiin at jowain?

Hindi na talaga ako aasa, nakakainis lang promise. Pero bukas mawawala din sa isip ko 'yan.

"Nagseselos ka na naman ba kay Camille?"

Candle in the Water | ✓Where stories live. Discover now