Chapter 54

21 1 0
                                    

"KLEINYYY!" tili ko at niyakap ang napakagandang babae na nasa harap ng bahay namin ngayon. Ang laki ng pinagbago niya! Mahaba na at kinulot pa ang buhok niya. Mas maputi na siya ngayon at wala na siyang malaking eyebags. Napakasopistikada na ng paggalaw at itsura niya. Nag-improve si girl. Kaso nga lang ay may scar siya sa kaliwang pisngi na nag-uungkat sa akin sa nangyari sa nakaraan.

"Lumipas na ang ilang taon pero ang sakit pa rin talaga sa tenga ng boses mo," nagrereklamo niyang saad pero pareho lang kaming tumawa. Sabi na nga ba at hindi pa rin siya nagbabago ng tuluyan. Naghiwalay na kami sa pagkakayakap at napansin ko ang mapang-usisa nitong tingin.

"Kaya mo na talagang maglakad," nakangiti niyang wika at pinagmasdan ako. Natatawa ko siyang tinignan at hinampas ang braso niya. Sinamaan niya ako ng tingin kaya mas lalo akong natawa sa itsura niya.

"Kahit kailan pikon ka pa rin!"

"Pakialam ko! Baka alisan kita ulit ng paa!"

"As if you can really do it, Kleiny."

"Stop calling me Kleiny, I am Klein."

Ngumisi ako dahil sa biglang pumasok sa isip ko.

"Yes po Mrs. Castillion."

Nanlaki ang kanyang mga mata dahil sa sinabi ko kaya agad na akong tumakbo paakyat sa kwarto ko. Rinig ko ang pagyabag ng heels niya papunta sa akin kaya hindi ko maiwasang tumawa ng malakas dahil hindi siya masyadong makatakbo. Madulas kasi ang floor namin dito.

"Hahampasin talaga kita ng walis tambo diyan sa kwarto mo, Hailey Monteverde!"

Mabilisan kong nilock ang pinto ng kwarto ko at napahinga ng maluwag. Muntik na niya akong mahabol kasama ang walis tambo na kinuha niya sa sala. Napakabrutal talaga ng babaeng 'yon. Agad akong napalayo sa pinto nang marinig na may kumatok.

"Hailey?"

Nangunot ang noo ko dahil sa pamilyar na boses. Binuksan ko ka agad ang pinto at napansin si Chris na nakatayo sa harap ko. Napansin ko rin si Klein na masamang tingin ang ipinukol sa akin. Nginitian ko lang siya ng malaki at tumingin kay Chris.

"Bakit nandito ka, Chris?"

"I want to show you something." Hinawakan niya ang kamay ko at tinangay palayo kay Klein.

"Baka saan mo na naman ipunta 'yan!" Sigaw ni Klein noong papalabas na kami ng bahay. Tumingin ako sa kanya at nagflying kiss sa gaga. Napairap na lang siya sa ginawa ko pero ganoon naman talaga ang itsura niya kapag ginagawa ko 'yon. Ang saya kayang tignan ng pagmumukha niyang naiinis.

"Don't worry sister, we'll be right back," saad ni Chris kay Klein at tuluyan na kaming nakalabas. Idinala niya ako sa kotse niyang asul at agad akong pinagbuksan ng pinto. Excited akong sumakay at hindi ko na mahintay ang ipapakita niya sa akin. Baka mamaya magpropose na siya sa akin.

Tahimik sa loob ng kotse pero pareho kaming komportableng nakikinig sa ingay ng labas. Napabuntong hininga na lang ako dahil sa mga nangyari sa nakaraan. Hindi ako makapaniwala na natapos at nalagpasan namin lahat ng iyon. It's true, time will heal those deep wounds 'cause by heartaches and issues. And I'm one of those survivors.

"Thinking of me?"

Tumingin ako kay Chris dahil sa kanyang sinabi. Napailing na lang ako nangingiting tumingin sa labas. Hindi ko alam na mahangin din 'to.

Candle in the Water | ✓Where stories live. Discover now