Chapter 36

28 2 0
                                    

Inis akong napakamot ng ulo sa mga papel na halos magkakasunod na dumating. Mga bayarin sa kuryente at tubig. Isama pa ang apartment na nirerentahan nila Mama rito.

"Wag mo muna problemahin 'yan, Klein. Pumunta ka muna rito para kumain!" Sigaw ni Mama galing sa baba. Agad na akong tumayo sa kama at inilapag muna sa kama ang mga pesteng papel.

Pagkababa ko ay ako na lang ang hinihintay at nakita kong iniikot ni Inang ang buong paligid. Napatingin siya at bahagyang napakunot ang noo.

"Sino namang itong magandang dilag na ito?" Tanong niya na ikinatawa namin.

"Ako po si Klein," magalang kong sagot at ngumiti ng matamis.

"Aba'y magalang din!" Natatawa nitong ani kaya napangiti kaming lahat. Ayos lang na makalimutan ako ni Inang, at least, hindi niya ako makakalimutan sa puso niya. Sus, ikaw ba yan Klein?

"Eh kumain na tayo at lalamig na ang pagkain," singit ni Mama kaya nagsimula na kaming kumain. Habang nagkukwentuhan sa mga bagay-bagay ay biglang may kumatok sa pinto.

Nagprisenta na si Klara na magbukas kaya tinuloy na lang namin ang pagkain. Patakbong pumunta si Klara sa amin at nakakunot ang noo.

"Wala namang tao, baka nantritrip lang," sabi niya pero bigla akong nakaramdam ng kaba. Pumunta ako sa pinto at binuksan ito pero pangkaraniwang bagay lang ang nakita ko.

Ngunit agad napakunot ang noo ko ng makita ang itim na sobre na nakasiksik sa gilid ng paso ng halaman. Kinuha ko agad ito at pumasok ng bahay.

Napatitig ako sa sobreng kulay itim. Agad ko itong binuksan at napasimangot ng makita naman ay mas maliit na sobre. Binuksan ko ulit ito at nakita na ang letter.

Dear Klein,

Remember when he held your hand and let you slept in his arms? Go in that place at 11:11 pm. If you don't come, watch how your love ones fall down in my feet.

Love,
Pink Princess

Pink Princess? Baliw ba 'to at nantritrip lang? Maglalagay na nga lang ng codename baduy pa. Pero tinutukoy niya noong pumunta kami ni Carter sa tagpuan namin noon nila Vince at Hailey. I don't know why but there's something in this letter that can make my heartbeat fast. Nakakaba kahit pa ang pangit ng codename niya.

Napabuntong hininga ako at bumalik na lang sa hapagkainan. Nanatili akong tahimik at walang balak na sabihin sa kanila ang nabasa ko.

Pagkapasok ko sa kwarto ay binuksan ko ulit ang letter at wala naman akong nakitang kahit anong sender na nakalagay maliban sa Pink Princess. Naghanda ako ng mga gamit para mamaya dahil pupunta ako. Oo at baliw ako para pumunta sa bagay na ganito pero malay mo ay totoo.

____________________

Nakahiga ako ngayon sa kama at nanatiling nakadilat. Nagsisimulang kumabog ang dibdib ko sa kaba kahit pa hindi ko alam ang mangyayari.

Nababaliw ako sa malakas na tunog nang paggalaw ng orasan.

Malapit nang mag-alas onse pero hindi pa rin matahimik ang utak ko. Bumangon na ako at nagbihis. Kinuha ko na ang bag at lumabas na ng bahay.

Huminga ako ng malalim at nagsimulang maglakad. May iilan akong nakikitang dumadaan sa kalsada at nanatiling nakabukas ang ibang tindahan pero nagpatuloy pa rin ako sa paglakad.

Candle in the Water | ✓Where stories live. Discover now