Chapter 13

38 5 1
                                    

Hailey's POV

"Ok we'll just gonna try to up this and then down," sabi ng therapist at hinawakan ang binti ko. Bahagya akong nahihirapan dahil kuimikirot ito kapag nagagalaw pero wala akong magagawa dahil ito lang ang paraan para makalakad ulit ako.

"And done!" nakangiti nitong saad at dahan-dahan inalis ang pagkakahawak sa aking binti. Napabuntong hininga ako dahil ilang weeks na akong may therapy pero parang walang nangyayari. Sabagay, ang sabi naman ng iba umaabot ng ilang years ang therapy.

"Just patience, Hailey. Alam kong magagawa mo ito," biglang wika ni Ms. Dizon na therapist ko. Tumango lang ako at umalis na siya sa kwarto.

Inuwi na ako sa bahay dahil nakakabagot sa ospital at ayokong maalala ang masasakit na nangyari sa akin doon. Ayoko nang makulong sa kwartong iyon na nakasaksi kung gaano ako nasaktan sa lahat nang nangyari, mas lalo na kay Vince.

Napabuntong hininga ulit ako at sumilip sa bintana ng kwarto ko. Katapat nito ay isang bintana rin ng kapitbahay namin pero wala pa akong nakitang nagbubukas ng bintanang iyon.

Aalis na sana ako nang makitang parang gumalaw ang bintanang iyon kaya gumilid ako sa aking bintana para makasilip kung sino ang magbubukas. Nanlaki ang mga mata ko dahil sa nakita.

May gwapo! As in sobrang gwapo!

Agad kong iniwas ang aking tingin dahil nakita kong wala siyang pantaas na damit. OMG, may abs! Pahinging kape, please.

"Pst! Wag ka nang magtago diyan." Mas nanlaki ang mata ko dahil sa boses niya. So manly! Ang sexy emeged.

"Hey!" Tawag niya ulit kaya sumilip ako sa bintana at nakitang nakatingin siya sa akin.

"Ako ba?" Mahina kong tanong at nakita kong tumawa siya. Oh my gosh, kahit tawa ulam na ulam!

"Sino pa ba? Ikaw lang naman ang nandyan ah," nakasimangot naman niyang ani kaya napakunot ang noo ko. Okay, ayoko sa may mood swings.

"Bakit? Anong kailangan mo?" agad kong tanong pero pumalumbaba lang siya habang nakatingin sa akin.

"Ano?" tanong ko ulit habang nakataas ang kilay pero ngumiti lang siya sa akin na para bang may nakikitang hindi ko nakikita.

"Sharien," bigkas nito na parang nananaginip. Sharien? Girlfriend niya? Ay sayang, taken na si Pandesal.

(A/N: Sharyen ang bigkas ng Sharien )

"Sinong Sharien? Girlfriend mo?" Tanong ko kaya parang nagising siya sa pagdadaydream. Akala ko ay hindi siya sasagot dahil biglang sumeryoso ang mukha nito. Nakita ko ang pagbuntong hininga niya na parang ang lungkot-lungkot ng mga naalala niya.

"Ex-girlfriend ko," maiigsi niyang wika at biglang nawala sa paningin ko.

Ay? Nagwalk out?

"Grabe, kawawa naman at hindi pa nakakamove on sa ex niya," kausap ko sa sarili ko pero napangiwi ako ng maalalang pareho kaming hindi makamove on. Sabi ko nga pati ako hindi pa nakakamove on.

"Hailey! You want snacks?" sigaw ni Mom na hula ko ay paakyat na sa hagdan dahil sa malakas na tunog ng pagtama ng heels niya sa tiles.

"Sans rival cake and mango shake, please!" sigaw ko na parang umoorder lang na ikinatawa ko. Agad akong sumakay sa wheel chair kahit pa mahirap maging independent ngayon. Pumunta ako sa cabinet upang kuhanin ang bagay na bigla kong naalala. Nangalkal ako ng damit doon bago ko nakita ang isang box na may red na ribbon. Pero hindi siya galing sa red ribbon, okay?

Candle in the Water | ✓Where stories live. Discover now