Chapter 50

10 1 0
                                    

"A-ate, s-si Inang may n-nangyari na naman s-sa kanya. P-pumunta ka sa b-bahay," nanginginig at humihikbing saad ni Klara bago ako babaan ng phone. Napatingin ako sa screen ng cellphone at nagmamadaling umalis sa loob ng ice cream parlor.

"Wait! Where are you going, Klein? Nagpromise kang date natin ngayon ah," nagtatampong wika ni Carter nang maabutan akong paalis na sa table namin.

"Sorry na! May nangyaring emergency kay Inang," sabi ko kaya napabuntong hininga si Carter. Lagi na lang kasi nauudlot ang date namin dahil lagi siyang may ginagawa sa company nila at busy din akong mag-ayos ng requirements.

"Fine, pagbibigyan kita ngayon pero sa susunod na date natin, akin ka na lang," wika niya at hinalikan ako sa noo. Ibinigay niya ang ice cream sa akin dahil sabi niya ay sayang kung hindi ko makakain ang gusto kong flavor.

"Para lang naman talaga ako sa'yo," mahinang saad ko pero nakita kong sumilay ang isang ngisi sa kanyang labi.

"Ano? Ano? Hindi ko narinig, pakilakas!" Nakangisi niyang wika kaya umirap lang ako sa kanya. Aalis na sana ako sa shop nang bigla niyang hatakin ang braso ko papunta sa kanya. Dumampi ang labi niya sa akin na ikinagulat ko. Malaking ngiti ang nakalagay sa kanyang mukha mas lalo na ng makita niyang mamula ang pisngi ko. Kasalanan ko bang sa kanya lang ako naaapektuhan?!

Hinalikan niya ang ilong ko kaya mahina ko siyang nahampas sa balikat. Natatawa niya akong binitiwan at sinamahan na akong lumabas sa shop.

"Hatid na ba kita papunta kay Tita Klarina?" Tanong niya pero agad na akong umiling. Kaya ko na rin namang mag-isang pumunta doon.

"Mag-iingat ka," saad niya bago ako umalis. Sumakay na lang ako sa tricycle na naabutan ko dahil malapit lang naman ang apartment nila Inang. Kinain ko na ang ice cream dahil sobrang lagkit nito kapag dumidikit sa balat ko. Ilang minuto lang ang lumipas bago ako nakarating sa tapat ng apartment nila. Agad na akong nagbayad at binuksan ang gate.

Napakunot ang noo ko dahil sa kakaibang aura ng bahay. Parang masyadong tahimik para sa apat na taong nakatira sa loob. Pumasok na ako ka agad pero lahat ng bagay ay maayos at parang hindi nagamit. Nilibot ko ang buong bahay pero wala akong nabakas na tao sa loob. Kung nasa ospital na sila, bakit sinabi niyang pumunta ako sa bahay?

Sinubukan kong tawagan ulit si Klara pero may narinig akong nagriring na cellphone sa loob ng bahay. Dumiretsyo na lang ako sa kwarto ni Inang dahil parang doon nanggagaling ang tunog. Pagkabukas ko sa pinto ay nakita ko sa kama ang cellphone ni Klara. Nakakapagtaka nga lang kung bakit nahiwalay sa kanya ang cellphone niya dahil parang kakambal na niya iyon. Alam kong may mali, nararamdaman ko iyon.

Itinigil ko ang pagtawag sa kanyang cellphone at may narinig na naman akong nagriring. Bumaba na ako sa kwarto at naabutang may tumatawag sa telepono. Agad kong sinagot ito at katahimikan lang ang narinig ko.

"Sino 'to? Hindi ka ba nagsasalita?"

Narinig ko ang nakakabinging tawang demonyo sa nasa kabilang linya. Napairap na lang ako dahil hindi naman nakakatawa ang sinabi ko.

[Sa pagkakaalam ko, nakilala mo na ako, Klein Evangeline?]

Nanlaki ang mga mata ko dahil sa pamilyar na boses. Narinig ko na ang boses na iyon pero hindi ko alam kung kailan at kung sino siya.

"Anong kailangan mo? May hinahanap pa ako kaya kung makikipagkwentuhan ka lang ay wal-"

[Alam ko kung sinong hinahanap mo. Gusto mong malaman kung nasaan sila? Bubulong ko sa'yo.]

"Kinuha mo sila? Bakit? Kailangan mo ba ng pera? Ibibigay ko sa'yo pero kapag nakita ko ang pagmumukha mo, siguraduhin mong may maskara ka para hindi ko masira ang letse mong pagmumukha."

[Oh you want a mask? As you wish, Ms. Evangeline.]

"Ano na? Nasaan ba sila? Gusto mo bang maglaro? Hindi kita uurungan."

[Really, really? Sige, pumunta ka sa lugar na isesend ko sa cellphone ni Klara. Tandaan mo, ikaw lang.]

Toot...Toot...Toot...

Patakbo akong umakyat sa taas at mayroon ngang message na nareceive ang cellphone. Nanginginig ang kamay ko habang binabasa ang message na nakalagay.

#23 Iniwanka St. Nasahan, Kanna

Hindi na ako nagsayang ng oras at agad na akong naghanap ng sasakyan. Kaunting malayo ang lugar kaya kailangan kong magtaxi. Agad na akong nagtawag at buti naman ay may dumaan.

Ibinigay ko lang ang address na nasa text at mukhang alam naman niya kung saan. Dapat lang. Inabot din ng maraming minuto bago kami huminto. Huminto kami sa isang street na kadalasan ay mukhang luma na ang ibang building. May pagkatahimik din sa lugar na parang napag-iwanan na ng mga tao.

Bumaba na ako ka agad sa taxi kaya ingay ng pagkiskis ng tires sa lupa ang tanging naririnig sa lugar. Tumingin ako sa bahay na nasa kanan ko. Napansin ko ang lumang plaka na nakasabit sa pinto at 23 ang nakasulat na numero doon. Pumunta na ako sa loob para makita kung sino ang nagsasayang ng oras ko. Pagkapasok ko ay madilim na kapaligiran ang bumungad sa akin. Maghahanap na sana ako ng switch pero naramdaman ko ang marahas na paggalaw ng hangin sa aking gilid at naramdaman ko na lang ang pag-ikot ng paningin ko. Bumagsak ako sa sahig at doon tuluyang dumilim ang aking paningin.

* * *
Author's note:

It's only 893 words for this chapter 'coz I need to cut scenes (again, ok) to separate different scene for this chapter. Para mas intense! And sorry for the slow update dahil nagpasukan na rin kaya mahihirapan na rin akong mag-update. Hope you can bear with it!

Candle in the Water | ✓Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang