CHAPTER 3

53.2K 1.4K 219
                                    

LIANA'S POV

ANNYEONG!! I'm Liliana Roxell. I'm the princess of Earth kingdom. My power is obviously is all about earth and nature. I'm one of the Elemental Holder.

Kasalukuyan kaming naglalakad ng mga kaibigan ko sa hallway kaya nagsisigawan ang mga estudyante.

"Princess Liana please marry me!!" sigaw ng isa sa mga estudyante

Tumingin ako dun sa sumigaw at ngumiti

"Hey! Liana inaaya ka ng magpakasa oh! Hahahaha" pang-aasar ni Troy

"Shut up Troy kung ayaw mong ibenta ko sa mga fan girls mo yung picture na naka underwear ka lang" inis na sabi ko kay Troy

He is Troy Jimenez the prince of Air kingdom. His power is Lightning. Pinaka mapang-asar sa barkada.

"Hahahaha boom basag ka bro! Wala ka pala kay Liana eh!" nang-aasar na sabi ni Brent kay troy

Siya naman si Brent Jimenez. Kapatid ni Troy. Well mas matanda si Troy kaysa kay Brent ng isang taon. Ang kapangyarihan nya ay Air. Silang dalawa ni Troy ang prinsipe ng Air Kingdom. Si Brent naman ang pinaka mahangin saming magkakaibigan. Well, his power really suits him.

Nagtataka ba kayo kung bakit magkaiba ang powers nila eh magkapatid naman sila? Ganito kasi yun yung parents nila ay galing sa magka ibang kaharian. Ang ama nila Brent si King Trent ay ang Prinsipe ng Air Kingdom while yung Ina naman nila na si Queen Rhea ay isang kilalang malakas na sorcerer na may kapangyarihan na thunder.

"Shut up" inis na sabi ni Zachary

Naiingayan na siguro sa mga estudyanteng sumisigaw tapos idagdag mo pa tong magkapatid na to na napaka ingay.

He's Ash Zachary Lockwood his power is fire. Prince of Fire Kingdom. Siya ang pinakatahimik at pinakamainitin ang ulo at may pagka misteryoso sya. Tahimik kasi lagi at di pala kwento akala mo laging menopause sa sobrang sungit. Siya ang pinaka cold at pinakamalakas saming apat.

Ayaw nya ring tinatawag syang Ash. Kapag tinawag mo syang Ash maghukay ka na ng libingan mo dahil siguradong magiging impiyerno ang buhay mo oras na tinawag mo syang Ash. Ewan ko dyan napaka arte. Naalala ko tuloy ng isang beses may tumawag sa kanyang Ash ayun halos di na makilala ang mukha dahil pinagsusuntok ni Ash hanggang sa mawalan ng malay. Kaya ayon di na muling nagpakita pa yung lalaki. Tsk.

Minsan nga nakakabagot ng kasama tong tatlong to. As you can see ako lang kasi ang nag-iisang babae samin. One of the boys ang peg ko. Ang grupo namin ay binubuo ng mga royalties obvious naman diba?

"Well maiba tayo Zachary totoo ba yung nakarating sakin na balita na may isang babaeng transferee ang nanuntok sayo kahapon. Napaupo kapa daw dahil sa lakas ng pagkakasuntok sayo" sabi ko habang pinipilit na wag tumawa dahil patay ako pagtumawa ako.

Nakita kong naging madilim ang aura ni Zachary dahil sa sinabi ko. Pinanlakihan naman ako ng mata ng dalawang magkapatid.

Minsan talaga yung bunganga ko di mapigilan. Nakakainis baka mamaya paulanan ako ng apoy ng lalaking menopause na to.

Magisch Academy: The Heartless PrincessWhere stories live. Discover now