CHAPTER 58

21.9K 587 48
                                    

RAVEN'S POV

"Love" agad akong napatingin kay ash ng tawagin niya ako

"Hmm?"

"Love birthday ko na bukas" pagpaparinig niya

Nandito kami ngayon sa dorm ko. Kaming dalawa lang ang nandito. Pano ba naman bigla na lang niya akong hinatak habang kasama namin sila chloe. Pambihira talaga. Basta-basta na lang ginagawa kung anong gusto niya. Ang dahilan niya gusto niya daw ako masolo ngayon. Gusto niya sabay naming sasalubungin ang pagdating ng kaarawan niya. Espesyal daw kasi ang kaarawan niya ngayon dahil kasama niya na ulit ako. Pero espesyal din daw ang bawat segundo na magkasama kami. Mas espesyal lang daw bukas ang kaarawan niya kasi iyon ang unang pagkakataon na sasalubungin namin ang kaarawan niya hindi bilang magkaibigan kundi bilang dalawang tao na nagmamahalan.

"And then?" tanong ko

"Yung gift ko?" tanong niya

"Bakit birthday mo na ba? Bukas pa diba?" tanong ko

"Gusto ko na kasing makuha ngayon eh. Pwede naman yun eh advance birthday gift. Gusto ko ng hot and sexy gift" sabi niya saka tinaas baba ang kilay niya at nakangiti ng malaki kaya napangiti ako sa isip ko

"Anong hot and sexy gift?" maang-maangan na tanong ko kahit alam ko naman ang tinutukoy niya

"Alam mo na yun" sabi niya

"Pero hindi ko talaga alam kung anong ibig mong sabihin" sabi ko

"Love I miss kissing you, holding you and touching every parts of you. Ngayon alam mo na?" sabi niya

I chuckled because of what he said

"I already understand you. I'm just teasing you" sabi ko saka pinisil ang pisngi niya

Tinanggal niya ang kamay ko sa pisngi niya saka tumalikod sakin. Asus! Nagtamparurot ang mahal ko.

Niyakap ko siya sa likod saka pinatong ang baba ko sa balikat niya. Hinalikan ko siya sa pisngi.

"I'm sorry love. Ang cute mo kasi eh. I can't help it" sabi ko

"Kung hindi ka nagagalit sakin niloloko mo naman ako nitong mga nakaraang linggo. Pasalamat ka mahal kita" sabi niya saka humarap sakin at niyakap ako ng mahigpit at hinalikan ng mabilis sa labi. Smack lang naman.

Sorry love part iyon ng paglilihi ko. Di bale bukas naman malalaman mo na ang dahilan kung bakit nagiging moody ako. Si ash kasi ang pinaglilihian ko eh.

Hinalikan niya ako na kaya di ko napigilan na halikan siya pabalik. Simula ng mabuntis ako ay piling ko nahahawa na ako sa pagiging manyakis ni ash.

Gusto kong hinahawakan lagi ang abs at muscles niya. Grabeng lakas ang kinailangan ko para maitulak si ash palayo sakin. Kailangan mong magpigil akisha.

"Why? What's the problem? Don't you want to make love to me?" tanong niya

Kung alam mo lang ash. Nagkaka wet dreams pa nga ako na nakikipagtalik sa iyo.

"Gusto ko. Pero hindi ba pwedeng bukas na lang pagkatapos ko sabihin ang balita ko?" sabi ko na nagpakunot ng noo niya

"Ano bang pinagkaiba ng ngayon sa bukas? Gaano ba ka importante yang balita mo kaya kailangan na nating ipagpabukas ito?" tanong ni ash

"Basta importanteng-importante ang ibabalita ko. Surprise na kung
ano ba iyon. Basta bukas na lang okay?" sabi ko

"Fine. Siguraduhin mo lang na importante talaga yang ibabalita mo" sabi ni ash saka bumuntong hininga

Magisch Academy: The Heartless PrincessWhere stories live. Discover now