CHAPTER 33

25.4K 726 39
                                    

CHLOE'S POV

ILANG araw na ang nakalipas simula ng mamatay si Mira. Hanggang sa huli hindi man lang sumulpot sa libing ni Mira si raven. Gusto kong mainis sa kanya dahil sa pagmamatigas niya pero wala akong karapatan. Hindi ko alam kung ano ba talagang tumatakbo sa utak ni raven.

Simula ng ilibing si mira hindi na namin nakita pa si raven. Siguradong iniiwasan niya kami. Kapag pupuntahan namin siya sa dorm niya lagi siyang wala o di naman kaya ay di niya kami pinagbubuksan ng pintuan. Ni hindi na din siya pumapasok sa klase. Nag-aalala na kami para sa kanya. Hindi namin alam kung ano ba talagang nararamdaman at iniisip niya sa pagkamatay ni mira. Gusto namin siyang tulungan pero siya mismo ang may ayaw ng tulong namin.

Nandito kami sa room habang may nagdidiscuss na prof ng biglang may sumipa sa pintuan.

Pagtingin namin 3 lalaki at 2 babae na di namin kilala ang mga nandoon. May mga suot silang hood yung para pang kulto. Ganyan din yung suot ni raven noon yun nga lang magkaiba ang kulay. Merong kakaiba sa kanila dahil wala kaming kahit anong nararamdamang aura mula sa kanila. Binaba Nila ang mga hood nila kaya nakita namin ang itsura nila.

They are all good looking infairness. Naku! Kapag nalaman ni troy ang iniisip ko siguradong malalagot ako. Sorry troy!

"Who are you?! What do you need?!" galit na tanong ng prof namin saka nagsummon ng sandata.

"Old hag we don't need anything from you but we need to get someone and she's here on your academy. Give us the girl named Akisha Raven Scott and you will all be spared. And by the way, we are the cerberus" sabi ng lalaki na mukhang pinuno nila. Meron siyang kulay itim na maskara tanging kalahati lang mukha niya ang natatakpan pero nakikita padin ng buo ang labi niya. Meron siya itim na buhok ganoon din ang mga mata niya. Siya ang pinaka nakakatakot sa kanila.

"Nag-aaksaya lang kayo ng oras dahil hinding-hindi namin siya ibibigay sa inyo. So you better leave right now or else you'll be sorry" sabi ni brent

"Look. Hindi niyo ata talaga kami naiintindihan. Hindi kami aalis hanggat hindi namin kasama ang babaeng iyon. Kung kailangan ubusin namin kayong lahat dito para lang makuha namin siya gagawin namin iyon ng walang pag-aalinlangan" sabi ng babaeng mukhang maldita. Meroon siya kulay orange na buhok at mata. Bitch!!

"Don't understimate us! Bitch! So shut up and just do it! If you can!" nanghahamon na sabi ko

"Shut up bratty princess. You don't know what you're talking about. Hindi mo man lang ba naiisip ang iba pang nandito? Sa tingin mo ba talaga kaya niyo kami?" maarteng sabi ng babaeng may kulay green na kulot na buhok at merong siyang eye patch sa kaliwang mata niya. Napakaiksi ng damit niya para bang kinulang sa tela. Kakaiba ang itsura niya dahil mukha siyang pusa. Meroon siya cat ears at yung mata niya pang pusa din. Meroon din siyang mahahabang kuko at buntot sa likod. Balahibo na lang saka whiskers ang kulang mukha na talaga siyang pusa. Pinaglihi ata sa pusa itong babaeng ito eh.

"Bakit hindi natin subukan ng magkaalaman?" nang-iinis na tanong ko habang nakakuyom ng kamao at napangisi sila sa sinabi ko

"Wala naman sigurong mawawala kung makikipaglaro kami kahit sandali sa inyo. Just make sure you're all worth it" sabi ng lalaking may maskara

---

RAVEN'S POV

NAGISING ako ng biglang may maramdaman akong mga kakaibang aura. Pamilyar ang mga aura na ito. Hindi lang sila nag-iisa. Sa tantiya ko 5 sila. Nakatago ang mga presensiya nila pero pasensiya sila mas malakas ang pakiramdam ko kaysa sa iba.

Basta ang alam ko hindi sila taga dito at nakakasiguro ako na hindi sila kakampi. Nangangamoy panganib. Tsk. Kung nasan talaga ako nandun ang panganib. Wala naman akong balat sa puwet kaya hindi ko maintindihan kung bakit lagi akong sinusundan ng gulo.

Magisch Academy: The Heartless PrincessWhere stories live. Discover now