CHAPTER 20

31.8K 895 104
                                    

A/N:

Ano na self? Sabi ko hanggang 20 chapters lang eh pero wala pa din ako sa kalahati ng story hanggang ngayon 🥲😭 Sipag yorn. Inspired ka sizt? Tapos pagdating sa essay/acads waleyy?

---

AKISHA'S POV

Andito ako ngayon sa isang mahabang mesa at mag-isang kumakain. As usual wala na naman sila daddy at mommy lagi naman eh. Lagi silang nasa trabaho. Minsan nga hinihiling ko na sana normal na lang kaming mamamayan atleast masaya kami at lagi kaming magkasama. Di yung ganito mayaman nga kami lagi na lang silang wala. Pagnandito naman sila sa bahay halos di naman nila ako pinapansin para bang naging invisible na ako. Minsan nga naiisip ko kung naalala paba nilang meron silang anak. Naiinggit nga ako sa tuwing nakikita ko yung ibang bata na masayang kasama ang pamilya nila.

Iniisip ko kaya siguro di ako mahal nila mommy at daddy kasi halimaw ako. Yun kasi yung laging sinasabi ng mga kapit bahay namin. Ano bang mali sakin? Bakit walang nagmamahal sakin? Dahil ba kakaiba ako? Pero di ko naman kasalanan na iba ang itsura ko sa kanila. Di ko naman ginusto na maging ganito ang itsura ko. Ang gusto ko lang naman may magmahal sakin. Maranasan yung mga nararanasan ng mga normal na bata. Halos araw-araw iniisip ko kung naging normal lang sana ako katulad ng ibaang baka sakaling minahal ako kahit papaano ng mga magulang ko baka sakaling mas nagkaroon ng chance na maging isa kaming normal na pamilya katulad ng iba.

Napailing na lang ako sa iniisip ko at sumilip sa bintana. Ganito naman lagi eh. Titignan ko yung mga batang malayang nakakalabas at nakakapaglaro saka maiinggit. Iisipin na bakit ako di ko pwedeng gawin ang mga ginagawa nila. Tapos bigla akong mapapatawa ng pagak dahil maaalala ko na di nga pala ako katulad nila. Di ako normal. Isa akong halimaw.

I couldn't able to feel any emotions which make me feel more different than others. Kaya maman nagdesisyon akong magbasa ng mga libro at nanuod ng mga video about sa mga emosyon ng sa ganoon ay ma i-apply ko siya sa sarili ko at para din mabasa ko ang mga tao sa paligid ko para naman hindi ako maging ignorante when it comes to emotions at ng mabawasan naman ang pagiging kakaiba ko kahit papaano. I excelled in reading people's through their emotions and I use it to my advantage.

Meron nga akong nahanap na kakaiba katulad ko. Si ash. Kaso iniwan niya din ako. Akala ko iba siya di pala. Ilang buwan na din simula noong iwanan ako ni ash at di na nagpakita. Ang sakit lang talaga kasi yung taong akala mong di ka sasaktan siya pala ang pinakamananakit sayo. Tinuring ko siyang kaibigan baka nga ay higit pa. Pero iniwan niya lang ako. Naisip ko nga ang tanga-tanga ko kasi naniwala ako na magagawa niya akong tanggapin at mahalin eh ni sarili kong magulang di ako matanggap at magawang mahalin siya pa kaya? Siguro nga tama si ash walang magmamahal sa isang tulad ko.

Pagkasilip ko ay may nakita akong isang bata na nasa kalsada naglalaro. Napatingin naman ako sa likod niya dahil may paparating na sasakyan. Hala! Baka mapano siya! Pero magalit sila mommy paglumabas ako. Sabi kasi nila wag na wag daw akong lalabas. Bawal kasi akong lumabas unless may pasok ako sa school. Naiisip ko nga baka kinahihiya nila ako dahil hindi ako normal tulad nila. Kunti na lang masasagasaan na yung bata! Napalingon ako sa paligid dahil walang tao! Napakapabaya naman ng magulang ng batang to! Kaya mabilis akong lumabas at tumakbo papunta sa bata at hinila siya bago pa siya masagasaan. Ilang beses kong minura yung driver ng kotse dahil di man lang huminto at nagtuloy-tuloy lang.

Napatingin ako sa bata ng bigla siyang umiyak. Hala! Pano ito?! Nagulat ako ng biglang may sumigaw. Pagkatingin ko isang babaeng nasa Mid 30's mukhang siya ang magulang ng bata.

Magisch Academy: The Heartless PrincessWhere stories live. Discover now