CHAPTER 24

31.5K 828 72
                                    

LIA'S POV

Andito ako ngayon sa kwarto ko. Hays. Wala man lang bang magandang mangyayari? Ang daming nangyari nitong mga nakaraang buwan at gusto ko ng magrelax.

Napabalikwas ako ng may kumatok sa kwarto ko ng malakas. Nalinis na din pala ito ng mga fairy keepers dito. Ang fairy keepers ay ang mga fairy na may kakayahing pagandahin, linisin at ayusin ang mga bagay-bagay. Some of they serve in the academy while the others are in the castles. All castles here have some fairy keepers.

Pagkabukas ko ng pinto bumungad sakin si chloe. Nakakunot ang noo niya at tila naiinip na.

"Bakit ang tagal mo naman buksan yung pinto ha? Grabe ba kalayo yung kwarto mo mula dito sa pinto at inabot ka ng siyam-siyam sa pagbukas?" inis na sabi ni chloe

"Anong siyam-siyam sinasabi mo chloe? Oa ka ha! Eh 1 minuto pa lang ang lumipas simula ng kumatok ka" sabi ko sabay irap sa kanya

"Whatever! Tara na! Kanina pa tayo pinapatawag ni headmistress ria. Kanina pa kami tumatawag sayo pero di ka sumasagot" sabi niya

"Sorry naman. Diba pwedeng nalowbat yung cellphone ko?" sabi ko

"Whatever! Magbihis kana nga ng makapunta na tayo doon sa HM office" sabi niya

Mabilis akong kumilos para magpalit at mag-ayos. Naabutan ko naman si chloe na prenteng nakaupo sa sofa at naglalaro sa cellphone niya.

"Lets go" sabi ko saka siya tumayo

Pagkadating namin sa HM office nakita namin sila raven na nakaupo at mukhang nababagot na.

"Tsk. Pa VIP" inis na sabi ni brent kaya sinamaan ko lang siya ng tingin saka inirapan. Wala ako sa mood makipagbangayan sa kanya ngayon.

Umupo si chloe sa tabi ni troy at ako naman sa tabi ni raven. Yun na lang kasi ang bakante eh. Sa kaliwa ako ni raven habang nasa kanan niya si zach. Mukhang kami lang ni zach ang naglakas loob ng tumabi kay raven. Pano kaba naman di matatakot eh naglalabas si raven ng nakakatakot at malakas na aura. Sabi ni Mira natural na daw yan, ganyan na daw talaga ang aura ni raven kahit dati pa. Kaya nga lagi siyang napapasabak sa gulo at kinatatakutan sa kanila eh. Yun yung sabi ni Mira. Tama kayo ng basa si Mira. Well nagiging close na din kaming lahat sa kanya. Mabait at sweet naman siyang bata yun nga lang overprotective at mapanganib pag si raven na ang pinag-uusapan. Mahal na mahal niya talaga si raven.

"Okay. Didiretsuhin ko na kayo. Magkakaroon ang academy ng isang palabas at kayo ang napili ng councils na gumanap na mga bida sa palabas na iyon. Ipapalabas iyon sa buong avalor para sa darating na gods and goddesses feast" sabi ng headmistress na kinalaki ng mga mata namin

Oo nga pala! Malapit na ang gods and goddesses feast! Ito ay isang pista para sa mga diyos at diyosa kung saan baba sila mula sa olympus para magtungo dito at dumalo sa pista sa avalor. Isa itong malaki at mahalagang pagdiriwang dahil isang beses sa isang dekada lang sila bumababa dito.

"Headmistress hindi ba masyadong malaking responsibilidad ang inaatang niyo sa amin? Di lang karangalan ng academy ang nakasalalay sa gagawin namin kundi ang buong avalor" nag-aalalang sabi ni Chloe

"Malaki ang tiwala ko na hindi niyo ipapahiya ang academy at ang buong avalor. Nalaman ko rin kasi na napatay niyo ang isang miyembro ng cerberus. Ang tagal na naming hinahanap ang babaeng iyon pero masyado siyang mailap at malakas. Saka parang premyo niyo na din sa pagpatay niyo sa miyembro ng cerberus yung lugar kung saan kayo magprapraktis" sabi ni headmistress

Magisch Academy: The Heartless PrincessWhere stories live. Discover now