CHAPTER 53

23.3K 649 90
                                    

LIA'S POV

BUMUNTONG hininga muna ako bago ko napagdesisyunang buksan ang pinto ng dorm ni zach.

Nakita ko siyang nakahiga at nakatingin sa kisame. Tulala na naman siya. Ilang araw na simula ng mamatay si raven at hindi parin namin matanggap ang pagkamatay niya. Para kasing masyadong biglaan. Sunod-sunod ang mga problemang dumating sa amin. Muntikan ng mamatay si raven, Nalaman namin na si raven pala ang nawawalang prinsesa ng elemental kingdom, nakulong si zach tas ngayon naman namatay si raven. Ang gulo-gulo na. Pakiramdam ko mababaliw na talaga ako.

Nabuhay ang lahat ng mga inosenteng pinatay ni dark king kaya nakalaya na si zach. Kasabay ng kasiyahang nararamdaman ng mga mamamayan dahil sa pagkabuhay ng mga mahal nila sa buhay ay siya namang kabaliktaran ng aming nararamdaman. Sobra ang paghihinagpis at pagsisisi na nararamdaman namin. Kung alam lang sana namin na ganito ang kahahantungan ni raven edi sana mas nagpursigi pa kaming pigilan siya. Kung kinakailangan ikulong namin siya para lang di matuloy ang pinaplano niya gagawin namin. Kung nakahanap lang sana kami ng ibang paraan para hindi matuloy ang pagbitay kay zach edi sana hindi na kinailangan pa ni raven na pumunta sa soul cave at kalabanin ang immortal dragon. Pero wala eh. Mahina kami. Wala kaming kwentang royalties dahil kahit mismong mga sarili naming kaibigan hindi namin nagawang tulungan at iligtas man lang. Wala kaming kwentang kaibigan. We are so pathetic and useless. We don't even have the rights to call ourselves a royalties nor a friend.

Labis ang paghihinagpis ng king calix at Queen Victoria ng malaman nila ang nangyari kay raven. Hindi pa sila nito lubos na napapatawad at hindi pa nila nakakasama ng matagal si raven tapos nawala na agad ito sa kanila ng ganun-ganun na lang. Maraming estudyante ang nakiramay sa pagkamatay ni raven dahil marami din naman siyang natulungan noong mga panahong nagpapanggap pa siya.

Si zach ang pinaka nasaktan sa aming lahat sa pagkawala ni raven. Alam naming kahit hindi niya sabihin sinisisi niya ang sarili niya.

"Zach bukas na ang libing niya hindi mo man lang ba siya sisilipin kahit saglit lang?" tanong ko pero hindi niya man lang ako sinagot. Nanatili lang siyang nakatulala. Napaiyak na lang ako. Hindi ko kayang makita na ganito ang kaibigan ko. Hindi ko nga dapat pupuntahan si zach sa kwarto niya kasi kapag nakikita ko siyang ganito mas lalo lang sinasampal sa mukha ko na wala na talaga si raven. Laging pinupuntahan nila brent si zach dito pero ni hindi man lang sila kinibo nito.

"Hindi mo na naman siya haharapin katulad noon? Zach! Pwede ba kahit minsan maging matapang ka naman!! Ipakita mo naman na worth it ang buhay na sinakripisyo ni raven para sa iyo!! Zach tanggapin mo na wala na si raven! Hindi na siya babalik! Hindi lang naman ikaw ang nahihirapan dito eh! Kami nila brent nasasaktan din kami kasi kaibigan namin si raven!" pero wala parin siyang imik

"Sige bahala ka! Pero siguraduhin mo lang na hindi mo pagsisisihan iyang desisyon mong iyan katulad ng palagi mong ginagawa! Diyaan ka kasi magaling eh! Ang sisihin ang sarili mo! Kaya hindi nakakapagtakang napagod si raven at iniwan ka! Ang selfish mo! Hindi lang naman ikaw ang nasasaktan dito kaya bakit sinasarili mo lang lahat ng sakit na nararamdaman mo?! Kung galit ka edi magalit ka! Kung malungkot ka umiyak ka! Huwag yung ganito! Umaakto kana parang wala lang! Na para bang hindi ka nasasaktan! Kasi nahihirapan na din kami zach!" sigaw ko sa kanya

"Lia do you know what it feels like to be tortured by your own mind? That's what I'm feeling right now. I know I'm being selfish. But I'm afraid to accept the truth. She's my life, my everything. I can't live without her. I'll loose my sanity. I can't accept it. I'm ashamed of myself. I'm mad at myself lia. Ni hindi ko man lang nagawang sabihin sa kanya ang totoo kong nararamdaman. Ni hindi ko man lang naparamdam at naipakita sa kanya kung gaano ko siya kamahal. Marami akong gustong sabihin sa kanya pero hindi ko na iyon magagawa ngayon. Kasi wala na siya eh... Iniwan niya na ako... Ito pala yung pakiramdam ng iniwan. Ito pala yung naramdaman ni akisha noong iniwan ko siya. Ang sakit-sakit pala. Pero alam mo kung anong mas masakit? Iyong wala man lang akong nagawa para protektahan siya noong panahon na kailangan niya ako. Wala ako sa tabi niya sa panahon na kailangan niya ng tulong! Wala akong kwenta lia. Ni hindi ko man lang naprotektahan ang babaeng mahal ko. Pinrotektahan niya ako gamit ang buhay niya na ako dapat ang gumagawa! Siya ba ang kinukuhang kabayaran sa lahat ng mga kasalanan ko? Pero bakit hindi na lang ako total ako naman ang may kasalanan? Bakit sa lahat ng pwedeng kunin bakit siya pa?! Bakit hindi ako?! Bakit?!" galit na sabi niya habang umiiyak

Magisch Academy: The Heartless PrincessWhere stories live. Discover now