CHAPTER 19

32K 972 186
                                    

LIA'S POV

ANG bilis ng panahon bukas na agad ang grand ball. Ilang araw na din ang lumipas pagkatapos ng nangyari sa gubat. Ang nakakagulat ay kinabukasan umakto siya na parang walang nangyari. Wala ni isa samin ang nag open ng topic tungkol sa nangyari sa gubat sa harap ni raven.

Wala kaming pasok ngayon para daw makapaghanda daw kami para sa gaganaping grand ball bukas. Kaya napagdesisyunan namin ni chloe na ngayon na kausapin si raven. Nang makarating kami sa dorm ni raven ay nagtulakan kaming dalawa kung sino ang kakatok.

"Ikaw na Lia" sabi ni chloe

"No. I'm a generous person. So I will give you the honor to be the one who will knock on raven's door" sabi ko

"Then I choose not to accept your oh-so-called 'generosity'. Kaya ikaw na." sabi niya

"Ikaw na sabi." sabi ko

"Ikaw na nga." sabi niya

Sasagot pa sana ako ng biglang bumukas ang pinto. Bumungad samin si raven na nakangiti.

"Come in" sabi niya at niluwagan ang bukas ng pinto. Awkward naman kaming napangiti ni chloe saka pumasok. Umupo kami sa couch at umupo naman si raven sa katapat na couch namin

"So what do you need?" tanong ni raven

"Kapag ba pumunta dito ibig sabihin may kailangan agad kami? Di ba pwedeng gusto ka lang namin bisitahin?" sabi ko

"Oh come on Lia. Tayo paba ang maglolokohan? Hindi kayo tatambay sa harap ng dorm ko kung wala kayong kailangan at gusto niyo lang bumisita" natatawang sabi ni raven

"What do we expect with a genius and keen observant Akisha Raven Scott?" natatawang sabi ni chloe di na sumagot si Raven at nagkibit balikat na lang

"Raven, can you let us know the real you? Can you show us the real Akisha Raven Scott?" lakas loob na sabi ko habang matapang na nakatitig kay raven na nakayuko pero di nagtagal ang pagkakatitig ko kay raven ng salubungin niya ang mga titig ko. Di ko alam pero merong kung ano sa mga mata niya kaya di ko magawang titigan ang mga mata niya. May parang nag-uutos na di ko pwedeng titigan ang mga mata niya. Ngayon ko lang napansin ni minsan di naming nagawang titigan siya sa mga mata niya. We feel intimidated everytime we tried to look into her eyes.

"I already told you that in exchange for knowing me is your own lives," sabi niya biglang akong nangilabot ng ngumisi siya. Inuulit niya na naman! Inuulit niya na naman ang mga ekspresyon niya noong nandun kami sa tambayan. Nangangatog na ko sa takot. Para bang nanghihina ako. Ganito din ang naramdaman namin noong mga panahon na iyon.

"Are you willing to exchange your own lives just to know the real me?" nakangising sabi niya na para bang nanghahamon

"Yes" sabi namin ni chloe mas lalong napangisi si raven. Piling ko nanlalambot na ang mga tuhod ko sa takot. Pakiramdam ko kinukuha niya ang lakas ko. Exaggerated mang pakinggan pero yun talaga ang nararamdaman ko at alam kong ganun din si chloe dahil pareho na kaming namumutla at pinagpapawisan ng malamig. Pinipilit na lang naming maging matapang sa harap ni raven.

"You really wanted to know me that much huh?" nangungutyang sabi ni raven. Ni sa hinagap ko hindi ko inakalang merong ganitong side ang sweet at napakabait na si raven. Maybe she's right. Maybe we really don't know her even a bit.

"We're friends raven. We deserve to know the real you. Pinapasok ka namin sa mundo namin kahit di ka namin lubos na kilala kaya sana hayaan mo din kaming makapasok sa mundo" sabi ko

Magisch Academy: The Heartless PrincessWhere stories live. Discover now