CHAPTER 28

27.2K 782 59
                                    


THIRD PERSON'S POV

NAGHAHANDA na ang lahat para sa gaganaping Deities Festival. Nagkakandarapa naman ang iba sa pag-aabang sa mga Gods and Goddesses. Ilang oras pa ay dumating na ang mga ito. Lahat sila ay nakasakay sa mga nag gagandahan karwahe.

Ang iba ay nakangiti ng matamis at kumakaway-kaway pa at yung iba naman ay may seryosong mukha at yung iba naman ay mga nakangisi.

May isa namang babae na nakahood ang mariing nagmamatyag sa paligid at pinapanuod ang mga nangyayari.

"I should go visit her soon. Kamusta na kaya ang nag-iisa at paborito kong estudyante" sabi ng isang misteryosang babae na tinatago ang mukha sa suot niyang hood.

Umupo ang mga gods and goddesses sa kanilang kanya-kanyang upuan. Ilang oras pa ay namatay na ang ilaw hudyat na mag-uumpisa na ang palabas.

Maya-maya ay bumukas ang mga ilaw at tumutok iyon sa stage. Lumitaw ang isang gubat isa lang itong ilusyon pero mukhang totoong-totoo.

May naglakad na isang lalaki sa gubat ng mag-isa may hawak itong tungkod. Isa itong bulag. Ang kasuotan nito ay pangkaraniwan lang. Tanda na mahirap lamang ang katayuan nito sa buhay.

Habang naglalakad ay may lumitaw na mga kalalakihan sa harap niya ngunit di niya iyon alam. Tinulak ang bulag na lalaki ng isa sa mga lalaki na nakapalibot sa kanya.

"Hoy bulag! Bakit nandito ka sa teritoryo namin  ha?!" sigaw ng lalaking may malaking pangangatawan na may mahabang buhok

"Pasensya na po. Hindi ko po alam. Aalis na lang po ako" sabi ng bulag

"Anong pasensya? Walang pase-pasensya! Di mo ba alam na sa oras na pumasok ka sa teritoryo namin hindi kana makakalabas ng buhay?" sabi ng lalaking kalbo na malaki ang katawan marami itong tattoo sa katawan

May humila naman sa bulag na lalaki patayo at sinuntok siya sa mukha.

"Maawa po kayo sakin! Wag niyo po akong papatayin" natatakot na sabi ng bulag

Sasaksakin sana ng isang lalaki ang bulag ngunit may pumigil sa kanya. Isang babaeng nakasuot ng puting dress. Nanlaki ang mata ng mga lalaki dahil sa ayos nito mahahalata mong hindi ito ordinaryong babae lamang.

"Umalis na kayo kung gusto niyo pang mabuhay" sabi ng babae nagsitakbuhan naman ang mga lalaki. Nilapitan niya naman ang lalaki at itinayo ito.

"Mga tao nga naman ngayon oh oh wala ng magawa sa buhay" sabi ng babae saka inabot ang tungkod ng lalaking bulag

"Ayos ka lang ba Ginoo?" tanong ng babae

"Oo. Salamat Miss" sabi ng lalaki

"Ako nga pala si Hera" sabi ng babae

"Ako naman si Lance" sabi ng lalaking bulag

"Kinagagalak kong makilala ka Lance" sabi ni Hera

"Ako din Hera. Salamat nga pala sa pagliligtas mo sa akin kanina doon sa mga lalaki ah" sabi ni Lance

"Lagi bang nangyayari iyon sayo? Kasi kanina mukhang di na bago na may nambugbog sa iyo" sabi ni hera

"Ahh yun ba? Oo laging nangyayari sa akin iyon. Alam mo kasi dito sa mundo kapag hindi ka normal sa paningin ng iba kamumuhian at kaaawaan ka ng lahat" sabi ni Lance

"Wala ka bang kaibigan na magtatanggol sa iyo?" tanong ni Hera

"Wala. Sino namang gugustuhing magkaroon ng kaibigan na bulag?" sabi ni Lance

Magisch Academy: The Heartless PrincessWhere stories live. Discover now