CHAPTER 7

37.8K 1.1K 206
                                    

RAVEN'S POV

"BEATRICE Salcedo. Ang babaeng nag-udyok kay Chloe na talikuran ang bestfriend niya. Ikaw ang naging dahilan kung bakit nahiwalay si chloe sa mga royalties" sabi ko at lumingon ako sa direksyon niya.

Napaupo siya sa sobrang takot. Ngayon nasan na ang tapang mo?

"Y-you! You're a psycho bitch! You're a d-demon! A monster! The r-royalties need to know about this!" natatakot na sabi niya

"Alam mo para sa taong mamatay na masyadong matabil ang dila mo. Do we need to cut it? Or we just need to pull it out so that you can never use that sharp tongue of yours" malamig na sabi ko at ngumisi habang tinitignang ang katana ko na punong-puno ng dugo

Nakita kong mas lalo pa siyang natakot.

"Please! Spare me! I'm begging you! Pangako di ko ibubunyag ang sikreto just spare me! I'm begging you please! Have mercy on me!" umiiyak na sabi niya.

"Shhhh.. My dear. Don't cry it makes me more happy. Nasan na ang tapang mo kanina? Ang lakas ng loob mong patamaan ako ng kunai kanina at gumawa ng mga pranks para mapahiya ako sa harap ng marami. Halimbawa na lang ng invisible thread" sabi ko at nagkunwaring pinatatahan siya pero sa malamig na boses. Mabilis siyang lumuhod.

"P-please I'm s-sorry! Pro-promise di ko na uulitin! Just- just spare me! I'm begging you!" umiiyak na sabi niya

"Of course! I would spare you." sabi ko at nakita kong nakahinga siya ng maluwag

"Thank you, Raven! Thank you! I promise you I won't reveal your secret" sabi niya habang bakas ng tuwa ang mukha niya

Bigla naman akong napatawa. Yung tawang walang laman. Nakita ko siyang napatingin sakin na para bang nagtataka.

"If only I have even just a little mercy but sorry dear a demon like me has no mercy" sabi ko

Dahilan para unti-unting mawala ang mga ngiti niya. Bakas ang takot sa mga mata niya.

Di siya magkanda ugaga sa pagtayo para makatakbo.

"Run! Run, Beatrice! Run as far as you can! But I assure you, wherever you hide, I can find you. You can never escape from me," malamig kong sabi at nagsimula ng maglakad pinadausdos ko ang katana ko sa lupa sanhi para magkaroon yun ng tunog.

Nakita kong mas binilisan niya pa ang takbo niya at halos nadapa-dapa na siya sa katatakbo.

--

BEATRICE'S POV

Mas lalo kong binilisan ang pagtakbo dahil nakikita ko ng nahahabol niya na ako. Mabilis akong nagtago sa likod ng isang puno. Itanakip ko ang kamay ko sa labi ko para pigilan ang paglikha ng ingay ng pag-iyak ko.

Sumilip ako sa likuran at nakita kong nandun si raven at iniikot ang paningin.

"Beatrice where are you? Lumabas kana. Mas pahihirapan lang natin ang isa't-isa kung magpapatuloy kang makipagtaguan sakin. Ikaw din baka mainip ako at alam mo ba pagnaiinip ako mas lalo akong ginaganahang pahirapan ang mga biktima ko" sabi niya

Mas lalong nagtuluan ang mga luha ko. Takot na takot na ko. Sumilip ako sa unahan at nagulat ako ng makitang nasa malapit na siya. Kaunti na lang ang distansya namin ng katana niya. Tinignan ko siya at nakita kong nakatingin siya sa harap at nililibot parin ang paningin niya. Akala ko nakita na niya ako. Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko.

"Baka maisipan kong idamay ang nakababata mong kapatid o di naman kaya ang mga magulang mo" sabi niya at saka tumawa na parang isang demonyo hindi pala parang! Demonyo talaga siya mali pala higit pa siya sa isang demonyo! Isa siyang demonyo na nagtatago sa likod ng mala anghel niyang mukha!

Magisch Academy: The Heartless PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon